chapter 11.

4.7K 79 3
                                    


    Kahapon pa ako nababalaghan kay impakto dati ay sinisigawan niya ako , o di kayay inuutusan...

May himala ngang nangyari...

Kasi kanina paggising ko maghahanda na sana ako ng almusal ,pero pagkarating ko sa kusina ay natagpuan ko na doon si impakto ay nagkakape at hindi lang iyon may nakahain na ring almusal ...

Nginitian niya lang ako at pinaghila ng upuan.. Para na nga ako ang amo at siya na ang katulong sa ginagawa niya eh..

Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta itong siya na lang daw ang maghuhugas.. Aalma na sana ako kasi trabaho ko to eh..
Pero ayaw nitong pumayag kaya lumabas nalang ako ng kusina para maglinis sa boung bahay..

Nakakailang punas palang ako ay inagaw na niya sa akin ang basahan at ang walis...

Kinunutan ko siya..

" ibigay mo iyan sakin impakto" inis kong sabi

Umiling lang ito at ngumiti..

Ito na naman po tayo.. Nitong araw.at kahaponay napapansin kung pagoodboy ang lalaking ito eh..

" ibigay mo nga sa kiniyan at trabaho ko ang maglinis ng bahay mo bakit mo ba ako inaagawan ha" tanong ko sa kanya..

" hindi naman kita inaagawan eh, hindi ko lang gusto ang mapagod ka, kaya magpahinga kana " nakangiting turan nito
.

Nakakapanibago talaga ang lalaking ito..

" ayoko nga , pweede ba kahapon ko pa napapansin iyang good boy mong look ano bang nangyari sayo ha? Naengkanto kaba sa tatlong araw na pagkawala mo? Gusto mo punta tayo sa albularyo para naman ay gumaling ka?" Sabi ko..

Kung kanina ay nakangito ito ngayon ay nakasimangot na...

Pati eyeglasses nito ay itinapon nalang sa kung saan.. Siguro ay namaligno na nga ito   kanikanina lang ay mabait ngayon naman ay nagsusungit bipolar talaga...

" oh, bakit parang galit ka na naman , kailangan mo na talagang magpa albularyo eh" sabi ko..

Mas lalong nagalit ito

" ang slow mo naman eh!" Naiinis nitong sabi..

Ano?! Ako patalaga ang slow!

" anong pinagsasabi mo diyan na slow ako ha!,kasalanan ko ba kung namaligno ka, tinutulungan ka na nga diyan eh!" Galit kung sabi

" hindi lang slow ang manhid mo rin! Alam mo nagbago nanga ako ng ayos dahil ikaw na rin ang may sabi na gusto mo ang lalaking mabait at maputi halos gusto ko na ngang pagpatarak at lumaklak  ng gluta para pumuti lang agad! ... Dahil sayo ginagawa ko ang lahat ng ito pero hindi mo na man ako pinapansin ...because your too busy sa trey na iyon!!!" Galit nitong sabi ...


"A-ano , a-ako M-manhid, ! Hindi no!" Kinakabahan kung sabi

" anong hindi.. Edi sana napansin mo na sana ang mga pinaggagawa ko" sabi nito ulit..

" bakit ano ba ang ginagawa mo? Diba busy ka sa mga babae mo iyan lang naman ang pinagkakabaahan mo ha" galit narin ako maisip ko lang ang mga babae nito ay kumukulo na ang dugo ko

Kumunot ang noo nito.. Pagkatapos ay tumawa ng mapakla

" Ginagawa ko iyon para magselos ka, front ko lang iyon upang malaman ko kung may puwang pa ba ako sa puso mo.. God knows walang nangyari sa mga babaeng dinadala ko dito.. Kung napapansin mo ay hindi sila tumuloy sa masters bedroom dahil para lang iyon sayo..sa madaling salita ay sa guestroom ko sila dinadala at hindi kami nagtatabi .."

Hah? Loading ata ako ngayon san ba ang may signal ...

Tiningan ko siya halata sa mukha niya ang inis pati na yata ang lungkot sa mga mata niya..

Slow at manhid ba talaga ako..

" ginawa ko lahat kahit hindi mo napapansin... Ano lang naman ako sayo diba isang manloloko at nagbigay pasakit sayo.. Pero kahit ganoon alam ng diyos kung gaano kita kamahal  mula noon hanggang ngayon ikaw parin walang nagbago.. " at iniwan na niya ako..

Mahal niya ako..

Mahal niya ako

Mahal niya ako..

Kaya pala grabe siya kung mag alala..

Doon na lumabas ang mga luha ko.. Bakit ang tanga ko , ang manhid ko pa..!

Nakakainis naman..

------

C.G









   Im his Slave Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon