chapter 17.

4.4K 71 9
                                    

  " trey gusto mo pa ng cookies o juice ?" Pagpapacute kung sabi sa kanya..

  Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag talim ng tingin ni impakto..

Hahaha ganyan din ang nafe feel ko kanina kaya fair na tayo..

  " honey do you want anything? Like pizza ? Ice tea? Or chocolate cake? Name it and i will buy it for you... Just for you.." Sabay kindat sa babae..

Just for you... Pwee! Lang talaga!

Hindi ko namalayan dahil sa sobrang inis ko ay nakukurot ko na pala ang kamay ni trey..

" aray,naman girl okey lang ang magselos at magalit.pero huwag mo naman akong kurutin kasi masakit eh baka magkarashes itong beautiful skin ko at makalbo kitang bruha ko" bulong nito sa akin..

Pesting bakla ito! Kita mong naiinis ako..

Tama bakla nga ang isang itong , noong una akala ko pure na lalaki ito pero habang tumatagal ay napapansin kung para itong lantang gulay kung gumalaw kaya noong pumunta kami sa park upang turuan akong mag bike ay hindi ako nakatiis at tinanong ko siya noong una ay ayaw niya talagang umamin pero may pagka chismosa ako kaya tinanong ko siya ulit kanina kaya ang impakta umamin na girlalo daw siya at may crush daw siya kay impakto! Walang hiya may balak pa ata akong agawan ..

Kaya kinunsyaba ko agad siya na pagselosin ang impakto noong una hindi siya pumayag kaya tinakot kung kakalbuhin at susunugin ko siya ng nakatihaya.. Ayon at natakot rin pero syempre joke lang iyon no..

Tiningnan ko ang mahaderang bakla halos lumuwa na ang mata ko sa pagdidilat ko dito..

" ano ka ba trey huwag naman ganyan makiliti panaman ako sa may tenga " drama ko..

Kita ko sa mukha ni bakla ang pandidiri buti nalang at hindi kita nila ang mukha nito... Kinurot ko nga ...

" h-ha? Aie ganoon ba baby tin " nabigla yata ang bakla at natawag pa akong baby..

Kung si impakto ang nagsasabi kinikilig ako kapag si bakla parang ang asiwa naman...

Narinig ko nalang ang pag kalabog ng baso sa likuran ko..

Halata na galit ito...

" okay kalang hon?" Tanong ni honey

Ano?!!! Hon?!!!

Dahil sa inis ko pabagsak ko ding nilagay ang baso ni bakla..

" oh, ok kalang? " nagtatakang tanong ni bakla

" oo naman baby  trey  " naiinis kung sabi..

May bumagsak na namang platito, muntik na ngang mabasag eh..

" nadulas lang honey" si honey niya nagsabi pero sa akin naman nakatingin...

Inirapan ko nga..

Kung hindi lang kita mahal talagang kanina pa kita sinabunutan kang impakto ka kasama pa iyang kabit mo!!!

Inakbayan niya ang honey niya, akala mo may glue sa sobrang dikit eh, at hindi lang iyon halos maghalikan na kung mag usap! Nakakainis na talaga.. Konting konti nalang at babalatan ko kayo ng buhay!!!

" bakla huwag pahalata , kitang kita sa mukha mo ang sobrang selos at inggit bakla.. " bulong nito sa akin

Yumakap ako dito at bumulong rin..

" ako naiingit at nagseselos, hindi kaya baka ikaw diba crush mo ang impakto iyon" sabi ko..

Umirap ito pero hindi naman nakita ng dalawa busy kasi sa paghahalikan este pagbubulungan nakakainis na nga eh..

" hindi daw halos gusto mo na ngang pagkakalbuhin ang dalawa eh! At siya ka kahit anong tanggi mo bakla halata naman sa mata mo no kaya huwag ka nang magdeny jan at kukurutin ko iyang singit mo eh.. At pweede ba huwag naman masyadong mahigpit ang yakap dahil nararamdaman ko na iyang monay mo medyo nasusuka na kasi ako" over na over na bulong nito..

Natawa nalang ako sa pinagsasabi ng baklang ito kahit papano ay nabawasan ang pagseselos ko..

" inggit ka lang dahil wala kang ganito " sabi ko..

Inirapan ako nito at inakbayan

" wait ka lang dai at magpapagawa ako cup D pa kung gusto mo " sabinito

Natawa nalang ako sa pinagsasabi ng baklang ito...

--------------

C.G.

   Im his Slave Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon