chapter 9.

5K 80 2
                                        

     " hahaha nakakatawa ka talaga trey, ang sakit na ng tiyan ko mula pa kanina" sabay hawak sa tiyan ko

Nandito na kami sa tapat ng gate ni impakto... Hinatid kasi ako ni trey at medyo malapit lang ang sa kanila dito ... Nadaanan na namin kanina..

" totoo naman kasi" sagot nito

" hahaha segi na nga totoo na" natatawa kung sabi ..

Nag pout ito .. Ang cute lang talaga ...

" napipilitan ka lang yata eh" palungkot nitong sagot..

" hindi no... Segi na nga at papasok na ako, sa susunod ulit .. At nang mapakingggan ko pa ang mga ibat ibang jokes mo" taboy ko dito baka maabutan ako ni impakto..

" segi na nga.. And Nice meeting you anyway... " malayo na ito ay kumakaway pa... Kumaway narin ako...

Sinarado ko na ang gate, pumasok na ako ng bahay ...
Alas  9 na pala ng gabi napasarap din ang pag uusap namin.. Hindi kasi siya bored kasama at ang taas then ng sense of humor niya..

" ang dilim naman, hindi pa siguro naka uwi ang impaktong iyon... "

Hindi na ako nag abalang i on ang mga ilaw total kabisado ko na ang bahay na ito..

Dumeritso na ako ng kusina dahil namamalat na ang lalamunan ko sa kakatawa...

Loko kasing trey iyon...

Naiiling kong kinuha ang pitsel at nilagyan ang baso ko..

" bakit ngayon ka lang"  malamig pero may diin na tinig halatang pinipigilan lang nitong masigawan siya...

Imbes na pumasok sa lalamunan ko ang tubig ay mabilis ko itong naibuga ... Sino ba naman ang hindi magugulat ang dilim tapos ang lamig pa ng boses niya..

" uh! Uhm.... A-ano ba! Uhm! S-sabing huwag manggugulat eh! Aatakihin ako sa puso ... Sa ginagawa mong iyan impakto ka!" Knda ubo kung turan at ang sakit pa ng ilong  ko pati kasi doon lumabas ang tubig...

" mas ako ang a atakihin sa puso sa ginagawa mo! Umalis lang ako ay umalis ka rin ng hindi ngpapaalam.. At ang masama pa doon ay may kasama ka pang pangit!"

Halatang galit nga ito ngayon...

" ano naman ang masama doon.. Wala naman akong trabaho kaya pwd rin naman akong mamasyal ah..! At para na rin sa kaalaman mo hindi pangit si trey... M-mas gwapo panga iyon sa iyo" pasensiya na po papa jesus alam ko naman pong masama ang magsinungaling pero naiinis po ako sa lalaking ito eh

Mas lalong nagpupuyos ang impakto.

" gwapo?! Gwapo na sa iyo ang lalaking iyon na para ngang babae iyon sa pagkaputi ! Ang gwapo at tunay na lalaki moreno kagaya ko" sabi nito..

Akala mo ha  makaganti nga para mas masaya..

" iba na ang panahon ngayon, mas gusto ko ang lalaking maputi ayoko sa moreno, at ayoko rin sa maangas na dating sila kasi ang lalaking mananakit ng damdamin  mas gusto ko ang mukhang maamo "

Napatiim bagang ito sa galit..

Buti nga sayo.

" kahit na... At bakit kaba umalis ng hindi nagpapaalam sa akin?" Galit na tanong ulit nito..

Inirapan ko siya ...

" aba! Paano ako magpapaalam eh, wala ka naman kanina... Hindi kona kasalanan iyon kung umalis man ako at siya ka hindi ako lumabas ng subdivision nandyan lang kaya ako sa parke" sabi ko...

" kasama ang pangit na iyon" galit parin

" hindi siya pangit ok" sabi ko

" bakit nagkakagusto ka ba sa mukhang babaeng iyon!"

" paano kung sasabihin kung oo , wala naman sigurong masama dun " inis kung sabi

" hindi ako papayag!!" Galit nitong sigaw

Ha? Ano daw? Ayaw niyang pumayag .. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ito na naman ...

"A-anong sabi m-mo?" Kinakabahang tanong ko...

Kung kanina galit ang mababanaag sa mukha nito ngayon naman ay parang matatae..

"I-m saying na H-hindi ako pumapayag na maglakwatsiya ka lalong lalo na wala ako, medyo may pagka ulyanin ka panaman baka maligaw ka.. A-at wala akong panahong M-maghanap"  shit what i am saying to her !!!

Iyong kilig at kaba ko kanina ay biglang naglaho... Bwesit talaga ang lalaking ito pinapaasa na naman ako pero sa bandang huli masasaktan lang ako!

" huwag kang mag alala SIR! Hindi ako magiging perwisyo sayo para naman hindi kita ma abala sa mga pinagagawa mo.. Kung mararapatin niyo gusto ko ng magpahinga sir!" Nakakainis!

" huwag mo akong tatalikuran! May sasabihin pa ako sa iyo... Ano ba! Sabing may..." Galit nitong sabi..

Hinarao ko siya may tatlong metro rin siguro ang layo namin..

" pag ako bawal magwalk out pag ikaw pweede..
tumalikod ako ulit

" humarap magbibilang ako ng tatlo pag ayaw mong humarap ay hahalikan kita"

Lokohin mo ang lelang mo , halikan daw...

" isa" panimulang bilang nito

Talagang tinatakot ako, asang susunod ako . sa dami ng mga lintang kumakapit sayo eh pagkaka abalahan mo pa ako...

" dalawa !"

Bahala ka diyan ! Andito na ako sa labas ng kwarto ko ..

"Tatlo! Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan"

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa may pinto at ang pagangkin sa labi ko..

Gulat pa ako hindi ko alam kung tutugon ako o hindi... Nawalan ng lakas ang katawan ko kaya ang nangyari ay para akong tuod.

Tumigil ito at tiningnan ako...

" ayan kasi.. ang tigas ng ulo mo"

Tumalikod agad ito at nagwalk out at ang bilis pa ng lakad nito..

Habang ako ay naiwang nakatulala at nanigas na yata sa pintuan ko ..

Nang mahimasmasan ako ay doon lang nagsink in ang lahat ng pangyayari hinalikan ang ng IMPAKTO at hinayaan ko lang .

" iyan kasi may pa galit galit pang nalalaman iyon pala bibigay din pala  "

" IMPAKTO KA TALAGANG LALAKI KA!!!!!!!"  Ubod lakas kung sigaw

Wala akong paki alam kung mabulabog ko man ang mga kapitbahay  basta Galit ako hindi sa kanya pero sa sarili baka isipin niya easy to get ako..

" bakit hindi ba, ?" Sabad ng konsensiya

Inggit ka lang...  !!!

----------

C.G.







   Im his Slave Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon