chapter 6.

5.5K 95 7
                                    

     2 months  nadin akong nagtratrabaho kay senyorito impakto medyo nasasanay narin ako sa mga pinaggagawa niya sakin... At hindi ilang iyon halos araw araw ko na din siyang nakikita dito .. Ewan ko ba kung ngtratrabaho pa ba siya oh ano..

Pero bahala siya..

Nagkahiwalay lang kami ay bumalik na siya sa pagiging impakto niya at to the highest level pa.

Minsan kapag inuutusan niya ako ay palaging galit .. Pinaglihi siguro ang sarili sa impakto...

Minsan nga naisip ko kung hindi ba kami nagkahiwalay kay ano kaya ang magiging buhay namin. Hindi ko rin maiwasan na maghinayang, masaya na kami dati eh, pero bwesit na impakta iyon biglang sumingit sa love story namin at wala man lang pasintabi! Matabunan sana siya ng .... Basta alam niyo na..

Naglilinis ako ngayon ng mga bintana medyo may kataasan din siya kaya kailangan kung kumuha ng upuan para mapatungan ko.

"Achu! ... Achu! " sunod sunod kung bahing, alergy pa naman ako sa alikabok.

Kinuha ko ang basang bimbo ..

" what are you doing ?!"

" aie,! Kabayo na buntad ! Patalikod kung lumakad!" Tarantang sigaw ko dahil sa gulat.

Lintek naman oo! Kailangan ba talagang manggulat!.

Nilingon niya ang may ari ng tinig na iyon.

Holy cow, na may pandesal para sa nagiinit na umaga!

Ang walang hiyang impakto ay nakatopless ! Kitang - kita niya ang nag h-hi na mga pandesal nito.

Umiwas siya ng tingin, baka mahalatang naglalaway siya dito.

" bat kaba nanggugulat , kung mahulog ako dito ha, alam mo bang masakit kung walang sasalo sayo!" Hugot kung sabi

" edi magpahulog ka, sasaluin naman kita eh" sagot naman nito

" bakit sinalo mo ba ako dati?diba hindi ! Iba naman yata ang sinalo mo eh" sabay irap dito

Tumawa lang ito

" sinalo naman kita , ikaw lang itong lumayo at nagtago" patutsada ulit nito.

Teka? Tungkol pa ba to sa pagkagulat ang pinaguusapan nila o sa nakaraan na..

Tinalikuran niya na ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

" at ngayon tinatalikuran mo na naman ako" patuloy paring sabi nito.

Bahala ka diyan  sa kakasalita mo!

Ilang sandali pa at umalis na ito. Na ikinaluwag ng paghinga niya.

" bumaba ka diyan" sabad na naman ng lalaki sa gilid niya.

" aie! Kabayong walang buhok!" Gulat na namang sigaw niya

Walanghiyang panggugulat naman iyan oo!

" ano nanaman ba , nakakadalawa ka na ha! Ano?! maggulatan nalang tayo! Diyan ka naman magaling eh, sa panggulat !" Sigaw niya dito

Kumunot ang magkabilang kilay nito..

Inirapan niya ito, bunutin ko kaya iyanh kilay mo hanggang sa makalbo!

" dont do that again" sabi nito

Siya naman ngayon ang nakatikwas ang kilay..

" anong hindi ko gagawin? Eh naglilinis lang naman ako ng bintana?" Nagtatakang sabi niya .
Shunga ba ito?

Umiwas ito ng tingin,

" huwag kang masyadong magagalaw diyan at baka mahulog ka ,ikaw pa naman ang nagsabing masakit ang hindi masalo diba" sabi nito at iniwan siya.

Anong nangyari doon???

Nag emote?

Walk out na naman? Pati ba naman ang habit niyang iyon ay walang pinagbago...

--------

  " eto, bumili ka sa supermarket, ng meat, chicken wings at mga gulay ,may nakalista na diyan ikaw na ang bahalang mamili" sabay abot ng pera ni impakto

Inirapan ko na lang eto...

Lumabas na siya ng bahay , buti naman at makakalanghap na rin siya ng sariwang hangin..

" sosyal din etong subdivision nila impakto ha,may supermarket "

Pumasok na siya at kumuha ng push cart.

" hmmm, uunahin ko nalang siguro ang meat section "

Pagkatapos mamili ay pumunta naman siya sa mga gamit sa bahay katulad ng cangoods, sabon, shampoo ....

Pagkatapos mamili ay pumunta nalang siya sa palengke ang mamahal kasi ng gulay doon ,pangmayaman talaga, mas mabuti na iyon sa palengke fresh na fresh at makakatawad ka pa.

Buti nalang at hindi gaanong mabigat ang pinamili niya...

" ayon okra, ilan ho ito manang?" Tanonh niya

" 8 pesos lang miss"

" naku manang baka pweeding gawing 5 pesos niyo na lang ho.. Dadamihan ko naman ang bili " pagpapaawa effect ko

Sana effective..

" segi na nga"

" yes!,salamat ho"

Enjoy na enjoy siya sa pamimili ng gulay kaya nalimutan na niya ang oras, pagkatapos kasing bumili ng gulay ay bumili din siya ng kakanin para naman may makain siya doong totoong pagkain. Namimiss na rin niya kasing  kumain ng ganito...

Pumara na siya ng taksi....

"Bakit ngayon ka lang huh?!"

Uh..uh... Patay

--------

C.G.

   Im his Slave Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon