CHAPTER 2 - The Newly Wed part 1

358 2 0
                                    

“Di ako makapaniwala na kasal ka na friend! Ano ba ang pinakain mo sa mokong na to at pumayag?” usisa niya.

“Wala ka na roon. Ang importante napasakin na ang inheritance ko. Bonus na sa ‘kin na gwapo at mabait yung napili kong pakasalan” sabi ni Sherryl with a smile.

Kasama nilang dalawa ngayon ang lalaking napakasalan ni Sherryl at ang ubod ng gwapo-pero-kulang sa height na kaibigan nito. Siya si Nicholas Abs. Sabi niya isa siyang bussinessman at anak daw siya ni Noah Franco Abs. Kilala sila sa pagbebenta ng mga soft drinks at beer. They also own chains of hotel and restaurants. Gwapo si Nic, tall, white and very handsome. Blonde ang kanyang buhok at ang hairstyle ay katulad ni Zac Efron. Maganda ang tikas ng kanyang katawan. Medyo nakakagulat lang na napakabait pa la nito. Wala kasi sa itchura niya ang pagiging magalang. ‘Di katulad ng kaibigan nito na sobrang straight forward. Tuloy ang labas parang wala siyang manners. Hay! Ewan! :)

Moments ago.. bago nagpakasal si Sherryl...

Pagkatapos at pagkatapos kausapin ni Sherryl si Heart linapitan niya ang lalaking natipuhan niyang pakasalan. Malakas kasi ang tama ng alcohol sa utak niya kaya kung anu-ano nalang ang naisipan niya.

            Ehh kasi naman ang mga magulang niya.. Keso.. she’s not getting younger na daw dapat na siyang magpakasal. At gusto nilang si Paul ang pakasalan niya! Ayaw na ayaw pa naman niya kay Paul.

            Nalapitan na niya ang lalaki at bigla niyang sinabi ito..

“Hey, I know I just met you but.. I’m single and I think you’re also single.. Since, we’re both single, let’s get married and then let’s have an annulment few years after.. ;) what do you think?” – shit! Hindi ko in.expect yun huh.?Straight talaga akong mag.english pag nalasing ako.

            “Are you drunk Ms? If you’re not. Fine. It’s fine with me. Wala naman akong girlfriend ngayon ehh.. pero baka gold digger ka lang at gusto mo akong perahan.” Sabi ni Nic ng hindi niya inaalis ang paningin sa babaeng biglang lumapit sa kanya..

“I’m not drunk. Nakainom lang ako ng kaunti. Pero seryoso ako. Gusto kitang pakasalan.” Usaad ni Sherryl.

            “Sige, pakakasalan kita pero sabihin mo muna sa akin kung bakit kita dapat pakasalan..” sabi ni Nic

“Gusto kasi akong ipakasal ng parents ko sa lalaking hindi ko naman mahal. At ayaw ko sa lalaking iyon kasi feeling ko malaki ang pagnanasa niya sa akin. Mas mabuti ng hindi ko kilala ang mapangasawa ko kaysa sa lalaking iyon.” Wika ni Sherryl.

            “Ganun buh? Sige, pakasal na tayo. Kawawa ka naman..” wika ni Nic

“Anung kawawa. Hindi ako kawawa noh. I can marry anyone I want kaya. Hintayin muna natin ang kaibigan ko siya ang magiging witness ko. :)” wika ni Sherryl in a very gruggy voice.

            “Sige, ikaw bahala. Tatawagan ko lang sandali ang kaibigan ko para may winess pa tayong isa. :)” wika ni Nic sabay dial ng phone niya.

End of flashback..

“So, friend ano na ang plano mo?” baling ni Heart kay Sherryl. Ayaw niyang tumingin sa kanyang harap. Kasi kaharap niya sa table si Mark, ang kaibigan ni Nic. Napakagwapo kasi nito. To the point na nakakasuka na. Parang hindi natural ang pagkagwapo nito. Ayun kay Nic ay modelo daw ito. At halos, lahat ng babae ay nagkakadarapa dito. Marami rin raw mga fans si Mark, katunayan may fans day pa nga ang kolokoy.

Ayaw tumingin ni Heart kay Mark kasi sa tuwing napapagawi siya sa direction nito, ngumingiti ito ng ubod ng tamis. Parang may mga paru-parong lumilipad sa loob ng kanyang sikmura. Bahala na talaga si batman. Biglang naputol ang pag-iisip ni Heart ng sumagot si Sherryl sa tanong niya.

“Sasabihin ko na sa mga magulang ko na kasal na ako.” Wika ni Sherryl with a wicked smile. “Nic, duon na tayo magdiner sa amin mamaya. Ipapakilala kita sa mga magulang ko.” Wika ni Sherryl. Nagnod lang naman si Nic. At kapansin-pansin ang senyas ni Heart kay Sherryl. Tatanungin na sana niya si Heart nang biglang..

“Sherryl, pwede mo ba akong samahan sandali sa powder room. Magpapatulong ako sa’yo sandali.. Please..” sabi ni Heart sa paraang dapat umoo si Sherryl.

Tumayo na si Sherryl at ngpunta na sila sa Powder room.

“Bro, hindi ako makapaniwala. You’re married! And your wife seems fiesty. Can you tell me how you guys met? And also tell me exactly how you end up agreeing in marrying her.” Kantiyaw ni Mark kay Nic.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you po sa pagbabasa. Abangan niyo po kung anong mangyayari sa next chapter.  :) Kung ano ang pananaw ni Nic sa nangyaring madaliang kasalan nilang dalawa ni Sherryl. At kung ano ang opinion ni Mark sa kaibigan ng asawa ni Nic.

Don’t forget to vote and comment po. :) SALAMAT

P.S 

Panoorin niyo rin po ang video sa gilid.. ----------->>>> maganda po yung song. :) yan ang pinakikinggan ko while writing this chapter po. :D

-dayanaramae <3

© ALL RIGHTS RESERVE

ASSUMING MUCH IS A NO.NO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon