I dedicate this chapter to my dear friend CHINKY!! :) She loves this story daw ehhh.. :) ayeeeee!!! kinilig ako nung sinabi niya yun.. kaya I'm trying to update everyday.. :D
Check niyo po ang video.. ------->>>
para sa 'kin it fits the Chapter. :)
Enjoy reading po.. :D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“So, kamusta ang date niyo ni Mark?” kasalukuyang nag-aayos sina Sherryl at Heart sa kwarto ni Sherryl. Lalabas daw kasi silang apat ngayon. Pupunta daw sila sa club para i.celebrate ang success ng multi-million project ni Heart.
“Ok lang. Masaya naman pa lang kasama si Mark. Kahit nakakastress ang mga hirit niya. Napaka-conceited kasi. Kaya, naki join na ako sa pagiging conceited niya. Naikuwento ko tuloy sa kanya na successful yung multi-million project ko.” Sagot ni Heart. Kasi habang kumakain silang dalawa kahapon wala na silang ibang pinag-usapan kung hindi mga achievements ni Mark. Medyo nayabangan kasi siya kay Mark kaya nagyabang nalang din siya. Then, he end up saying na dapat daw silang magcelebrate kaya heto sila ngayon naghahanda to hit the clubs.
“Tapos, eto pa Che huh. He’s so into girls daw na mabait at talented gaya niya. My god! Hindi ko talaga siya ma.gets.. he’s like flirting with me.. but not that obvious.. pero mukhang sobrang obvious minsan.. arrrggg! What’s wrong with me?” wika ni Heart.
“Ahy, in love ka nga sa kanya. Wala ka na kasing bukang bibig kundi siya.” Simula kasi noong dumating si Heart kanina. Wala siyang ibang topic kundi si Mark.
“What?! EWWW! Hindi noh.. he’s so not my type. Yung beauty niya siguro type ko pero ang character? No,thanks! Mas pipiliin kong maging single forever kaysa maging boyfriend siya.” Sita ni Heart kay Sherryl.
“Ok, fine. Kung ayaw mong umamin ok lang. Diyan rin naman nagsisimula ang love ehh. Doon rin yan patungo ang nararamdaman mo. First you hate the guts of someone then suddenly you’re attracted to their skills and talent. Tapos magigising ka nalang na siya ang laman ng panaginip mo. Kung kailan naman parang tanggap mo na ang situwasyon niyo saka naman siya parang iiwas. Hindi kaya kayo player ng guessing game. Hindi ka naman mind reader para malaman mo ang laman ng isip niya.” Mahabang litanya ni Sherryl na parang may pinagmumulan ang kanyang mga sinasabi.
“Asus! May pinanghuhugutan ka Che? Ayeeee!! Baka ikaw ang in love sa asawa mo? It has been like what 4.. or 5 days? Ikaw huh.. may hindi ka kinukwento sa akin.. :)” Parang napansin kasi ni Heart na medyo hindi masyadong nag-iimikan sina Nic at Che.
“Hindi noh! I will never fall in love with a guy like him. He’s too business-minded. We had an arguement the other day. Gusto niya raw manghiram ng pera para sa negosyo. Tapos noong sinabing ‘Ok, magkano bang kailangan mo?’ nagalit ba naman ang langya. Sabi niya hindi ko man lang ba pakikinggan ang business proposal niya. Kasi raw medyo malaki-laki ang perang kakailanganin niya. Sabi ko sa kanya na mag-asawa naman kami and I trust him. Sinagotan ba naman akong ‘Family and business are two different things. We’re talking about money here. We can’t just get money from the streets.’ Tapos yun nagwalk-out siya. Nakakastress talaga siya!”
“It seems to me that you both have an unsolve issue. Baka naman natindig ang ego nun? Hayaan mo muna yun. Lalapit din ulit yun sa’yo kasi kailangan niya ang pera mo. :)” pangungulit ni Heart.
BINABASA MO ANG
ASSUMING MUCH IS A NO.NO!
General FictionSofia Heart Almazar is on the verge of moving on. She just caught her boyfriend cheating on her so she's trying to forget him. Tapos, she met her best friend's-husband's-best friend Mark James Love. He's annoyingly loud and so BEAUTIFUL. Yes, he's s...