I also dedicate this story to my dear friend May Rose Palmer Quiminales. :) She's the girl beside me on the picture.. For the characters in the story please feel free to imagine yung feel nyo na artista na babagay sa character sa story ko.. And don't forget to vote and comment.. thank you :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sherryl, tama ba tong ginagawa natin?” seryosong tanong ni Heart.
“Shhh.,! wag kang magulo, baka makita pa tayo nang palikero mong boyfriend! ” sita ni Sherryl sa kaibigang pilit na ginugulo ang konsentrasyon niyang mag-imbestiga.
Matagal na may duda ang kaibigan na may babae ang nobyo niya kaya hindi na nagpapakita sa kanya. Di niya masisi ang kaibigan na mag duda kasi mahigit dalawang buwan na ring hindi nagpapakita ang lalaki. Pero di pa rin iyon sapat na dahilan para kay Heart na may babae ang nobyo kasi nagpaalam naman ang nobyo niya na magiging busy siya sa trabaho kaya di daw muna siya makikipagkita. Matagal na nga niyang kinukumbinsi ang kaibigan na wala talagang babae ang nobyo at busy lang sa trabaho. Pero mapilit talaga ang kaibigan niya na baka nga raw may babae ito kaya heto silang dalawa ngayon. Nagtatago sa may coffee shop para mag.imbestiga sa boyfriend niya na nakaupo di malayo sa kanila.
Kasalukuyang nagbabasa ang nobyo niya nang may biglang lumapit dito at may kasama pang halik sa labi. Di niya alam kung ano ang iisipin sa mga sandaling iyon. Naninigas ang buong katawan niya at di malaman ang gagawin. Biglang bumalik siya sa katinuan nang magsalita ang kaibigan.
“Hala! Ba’t may pahalik-halik ang babaeng mukhang kapre na yun sa boyfriend mo?Kita mo na, sinasabi na nga ba at may kababalaghang ginagawa yang boyfriend mong palikero eh! Naku, lagot sa ‘kin ang isan yun!”baling ni Sherryl sa kanya. Kung alam lang ng kaibigan niya kung gaano niya kagustong saktan ang nobyo. Matatawa siguro ang kaibigan niya.
Nilapitan nila ang kanyang nobyo na si Dexter Bails. Nagulat ito nang makita sila nito. “Babe, magpapaliwanag ako.” , ani niya. “Ano pa ba ang dapat ipaliwanag Dex?Kitang-kita nang dalawang mata ko ang nangyari. Ngayon, kung wala ka pa ring idea sa mangyayari may ibibigay akong clue sa iyo. Read my lips AYOKO NANG MAKITA PA ANG PAGMUMUKHA MO, AT PAGNAGKAMALI KANG MAGPAKITA SISIGURADOHIN KONG MATITIKMAN MO KUNG PAANO AKO MAGALIT. Tara na Sherryl nasasayang ang oras natin sa walang-hiyang ito.” baling ni Heart.
Isang linggo na ang nakararaan simula nang maghiwalay sila ni Dexter. Sa katunayan nga pagkatapos niyang umiyak ng buong araw ay hindi na siya nakaramdam ng anumang galit sa dating nobyo. ‘haay!siguro ‘di ko talaga mahal ang lalaking iyun. Mabuti nga at nahuli ko yun kung hindi, naku ewan ko na lang!’
Bumalik siya sa sarili pagkatapos makarinig ng tunog na nanggagaling sa cellphone niya. “Hello?Sherryl,himala napatawag ka?”aniya.
Sa kabilang linya, “May ipapakiusap ako sa’yo.” Hmm. Nakakapanibago,kailan pa nakiusap ang kaibigan kong ito?this sounds interesting.
“Sure. Ano ba yun?” excited niyang tanong. “I need you to help me find a husband.”
“ahhh,yun lang ba? Akala ko kung ano na. Wait, what?a husband?bakit naubusan ka na ng lalaki?” biro niya.
“I’m serious about this Heart. I badly need a husband. ASAP!”usal ni Sherryl.
“Okay,chill girl!Pwedeng sabihin mo na kung ano ang problema bago ka maghysteria diyan?” kabisado niya ang kaibigan niya kung kailan ito nagbibiro. Sa mga oras na yun ang sigurado siyang serious ang kaibigan kaya naman todo ang suporta na ibibigay niya rito kung saka-sakali.
“My parents wants me to marry Paul.” Aaahy yun naman pala eh. Si Paul pala ang problema. First love ni Sherryl si Paul,ngunit ng malaman niyang ito ang gusto ng mga magulang para sa kanya ay parang ayaw na ng kaibigan niya. Naaalala pa nga niya ang sinabi ni Sherryl noong minsan na siyang nagbiro na kung sakali ipakasal silang dalawa ni Paul. “Huh!over my dead body! Mas gugustuhin ko pang mamatay na virgin kaysa makapangasawa sa isang lalaking di marunong ipaglaban ang sarili.”
Si Paul kasi yung tipong KUNG SAAN KA MASAYA DOON NA RIN AKO. Ayaw pa naman ni Sherryl sa mga taong hindi sigurado kung ano talaga ang gusto nito.
“Okay, I know you really hate the man but come on Sherryl Paul is a nice guy. Can’t you just give him a chance?” tanong niya.
“Yeah, right he’s too nice! With a capital N! Please help me. I don’t want to get married with a guy that doesn’t know how to please me.” Frustrated na pakiusap ng kaibigan.
“I don’t know what to do Sherryl? Ano ba ang maitutulong ko?” tanong nalang niya.
“Be here at the Nico Caffe, Ayala Park within 30 minutes. I think I found the right guy to be my PRETEND HUSBAND!” excited na sabi ng kaibigan.
“What do you mean? Hello? Hello,Sherryl? Hoy! Nandiyan ka pa? Ang langya, binabaan ako? Saan kaya nagsusuot anag babaing yun? Nico Caffe? Hmmm. Bagong Caffe yun ah. Mapatulan nga ang kalokohan ng babaing yun.” Grins.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WOW!! I really can't believe na nakagawa ako nang ganitong story! I swear.. haha na.influence yata ako ni Ms. Heart Yngrid at Ms.Sofia. :) They're very great writers talaga.. :D na.inspire ako.. ohhh.. by the way.. Check out the video there ----> Cool sya. one of my favorite songs.. :D
Sana subaybayan nyo ang lovestory ng magbestfriend na si Heart at Sherryl :) please po, don't forget to vote and comment. :)
BINABASA MO ANG
ASSUMING MUCH IS A NO.NO!
Художественная прозаSofia Heart Almazar is on the verge of moving on. She just caught her boyfriend cheating on her so she's trying to forget him. Tapos, she met her best friend's-husband's-best friend Mark James Love. He's annoyingly loud and so BEAUTIFUL. Yes, he's s...