Chapter 6 - A Not-so-Blind Blind Date

225 3 2
                                    

This chapter is dedicated for all of you guys.. :) I added a new character and ohhh...

AYSOS means "Are You Stupid Or Something"

KWKMTMMT means "Kung Wala Kang Magawa Try Mo Magtunga-tunganga"

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            “Hello, Sherryl? Ano ba naman yang lalaking ipapa.date mo sa ‘kin hanggang ngayon wala pa. Anong akala niya prinsipe siya na ok lang kahit malate?” mga one hour and a half ng naghihintay si Heart sa magiging pretend boyfriend niya. Ngayon ang araw nang kanyang blind date. Hindi niya alam kung ano ang itsura ng ka.blind date niya ‘Malamang kasi blind date nga..’

“Sensya na huh. Nag.cancel kasi ang isa sa mga tinawagan ko. Mabuti nalang at pumayag ang friend ni Nic. Noong tumawag kasi sa ‘kin si Andrew na hindi daw siya matutuloy, naghihysteria na ako.. Kaya tinanong ako ni Nic kung ano ba daw ang problema kaya yun sinabi ko. Tapos nagpresenta si Mark na siya nalang daw. Bored daw ang kolokoy kaya yun. Mabuti nalang at nandito siya kanina. Kung hindi ewan ko nalang.. Ipapasalvage ko talaga yang si Andrew. Kakainis.” Sabi ni Sherryl na nasa kabilang linya.

“Hayy, sige na nga. Sana naman dumating na siya. Isang oras at kalahati na akong naghihintay dito.” Sagot ni Heart. “Wait lang.. Sinong kaibigan ni Nic ang pupunta dito? Si Mark? As in the ultimate Hearthrob MARK JAMES LOVE?! Oh my, bakit siya pa? Sherryl naman ehhh, alam mo namang I can’t stand his guts. Parang hindi naman kapani-paniwala ang beauty ng lalaking iyon ehh.. Naubusan ka na ba ng gwapong kaibigan at siya pa ang naisipan mong maging pretend boyfriend ko?”

Sa katunayan, super attracted lang talaga si Heart kay Mark. Tinatry lang niyang iignore ang nararamdamang attraction. Kasi naman she’s through with gorgeous guys. Palagi nalang kasing gwapo ang nagiging boyfriend niya. Nagsasawa na siya. ‘Hindi sa nagyayabang ako huh, pero medyo maganda rin naman ako. Sabi pa nga ni Dexter sa ‘kin noon.. Ang ganda ko daw ay napaka.unique. yung totoong lalaki lang ang makakapuna ng totoong kagandahan ko.’ ‘Eh bat ka iniwan kung nagandahan naman pala ang boyfriend mong yun?’ ‘kasi hindi na niya ako mahal kaya nangaliwa siya.’ ‘Miss mo na ang salawahan mong boyfriend ano?’ ‘Paki mo? Ehh sa true love ehh..

“Alam mo, ang daming mong arte, eh kung tawagan ko nalang kaya si Mark at sabihing cancelled ang so called-mission niyo as pretend lovers? Tingnan ko lang kung makaka.survive ka sa blind date mo.” Pananakot ni Sherryl.

“Eto naman, nagbibiro lang ako.. Asan na ba kasi siya?” sagot ni Heart. Napapansin ni Heart na parang may kumakalabit sa kanya. Pero dine.deadma lang niya.

“Malay ko kung saan. Kausap kaya kita as of the moment. Hindi ko talaga malalaman kung nagtextback na si Mark.” Pamimilosopo ni Sherryl.

“Baka na.traffic lang siguro yun ano? Sige na nga. Baka nandito na yun.. wait lang huh..” Habang nagsasalita kasi si Heart ay talagang makulit ang sinomang empaktong ginugulo siya.. kaya naman hinarap niya ito..

“Ano bang kailang mo at napakakulit mo? Alam mong may kausap ako at...” Hindi niya natapos ang sasabihin kasi kaharap niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay.. At nakangiti pa ang lalaking ubod ng gwapo..

“Hay, salamat at dumating ka na rin! Anong petsa na?” wika ni Heart. Tapos kinausap niya ulit si Sherryl at, “Che, nandito na si batman. Text text lang tayo mamaya. Bye.”

Hindi pa nga nakasagot si Sherryl binabaan na ni Heart.

Now Mark is staring at her..

“Sorry I’m a little late. Umuwi pa kasi ako para makapagpalit ng damit. So, what’s our agenda for today?” tanong ni Mark.

ASSUMING MUCH IS A NO.NO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon