Chapter 4 - Secret Mission

258 6 2
                                    

This chapter is dedicated to all of you.. :) You guys should check out the video. I think it's a very perfect song for this chapter. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            “Goodmorning, Sherryl! So, kamusta ang wedding night niyo? Sabi nila, medyo nakakanerbiyos daw yun? Totoo ba? Sabi rin nilang masakit daw pagfirst time? Nasaktan ka ba?” usisa ni Heart. Very early in the morning tumawag ang lokang kaibigan ni Sherryl.

            Hindi nga masyadong nakatulog si Sherryl kasi namamahay siya. At ang isang dahilan kung bakit ‘di siya makatulog ay nasa kabilang kwarto lang si Nic.

Kagabi kasi ng ihatid siya ni Nic sa kwarto niya.... ‘Arrrrgghh! Nakakainis! ‘bat pa kasi hinalikan ko ang mokong na yun! Oo, hinalikan ko nga si Nic. Pero aksidente iyong halik na yon. Kasi Assuming much ang drama ko kagabi. Akala ko kasi hahalikan niya ako ng lumapit siya sa akin. Pumikit pa nga ako at inilapit ang mukha ko sa kanya. Nang tumawa ang loko napahiya ako. Kaya itinodo ko na ang hiya ko at naglakas loob akong halikan siya. Eh kasi naman, napahiya ako.’

Pagkatapos ng halik nag taas noo siya at sinabi pa niyang ‘Come, on Nic. I was just practicing to kiss you. Para pagnagdrama na tayo sa harap ng mga magulang natin ‘di na siya akward ‘di ba? Goodnight!” sinabayan pa niya ng wink ;)

 “Ewan ko sa’yo Heart! Ang aga-aga gusto mong mangbuwisit! Ano bang kailangan mo?” pag-iiba ni Sherryl.

“Asus, binibiro lang nga kita. Gusto mong lumabas tayo at magkape? Libre ko, sige na. Miss na kita ehh..” lambing ni Heart.

Minsan lang kung maglambing si Heart at manglibre kaya agad bumangon si Sherryl sa pagkakahiga at biglang sinabing, “Ikaw?! Manglilibre? Hmmm, this sounds fishy. What’s the catch? Anong pinaplano mo?”

“Wala lang, eehh kasi.. basta meet me here at Cafe Nico. Nandito kasi ako ehh. Bilisan mo huh? I don’t have all day. Bye..” sabi ni Heart.

“Teka lang, sandali. Hello? Hello? Heart? Arrrggghh! Kakainis hah. Wala pa nga akong maayos na tulog. Hahay.. ewan makaligo nga para mawala ang stress.” Sabi nalang ni Sherryl.

Pagbaba ni Sherryl nagulat pa siya sa mabangong amoy ng pagkain. ‘Sandali lang? Wala naman sigurong katulong si Nic. Kasi sabi niya sa akin kagabi, wala daw siyang kasambahay dito. May tagalinis lang daw na pumupunta tuwing Monday,Wedesday,Friday. Pero wala daw kasambahay. Baka naman nag-hire na siya.’ ‘Agad-agad Sherryl?! Naka-hire siya?’sabi ng isang part ng brain niya ‘malay mo?’ sagot ng kabila ‘parang kang baliw Sherryl. Kausap mo ang sarili mo.’  Nakangiti si Sherryl sa naisip niya. Ipinagpatuloy nalang niya ang pagbaba kasi mabango talaga ang niluluto ng kung sino mang biyaya ng Dios. Sana nga lang kasingsarap ng amoy ang pagkaing luto ng kungsino mang taong ito.

Kumakalam na ang sikmura ni Sherryl kaya binilisan niya ang paglakad patungo sa kusina. Hindi niya alam ang daan papunta ng kusina pero parang ang amoy ng bacon ang nagtuturo sa kanya sa daan.

Nakikita na niya ang kusina at pagpasok niya doon ay napapikit siya sa bango ng fried rice. ‘Ahhh, parang ang sarap-sarap kumain. Amoy pa lang pasado na.’

ASSUMING MUCH IS A NO.NO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon