The Fantasy's Secret

1 0 0
                                    

The Fantasy's Secret

Prologue

Napasigaw ako ng napakalakas at napaluhod sa lupa. Nanginginig ang buong katawan ko. Mas ramdam ko ang bigat ng emosyong nararamdaman ko na unti unting tumatalo sa'kin kaysa sa sakit na dulot ng mga tama sa katawan ko.

Sira na. Sirang sira na ang lugar na pinaghirapan nilang itayo. Sirang sira na ang lugar na iningatan nila na punong puno ng mga alaala. Sirang sira na ang lahat sa kanila. Sirang sira na lahat ng kanilang binuo.

Kasalanan ko ang lahat...

Napatingin ako sa kanila. Sa mga taong naging parte ng lugar na 'to at ng buhay ko. Kita ko ang lungkot, takot, kaba at pangungulila sa mga mukha nila.

Napayuko ako at umiyak.

Patawarin niyo 'ko... Kung hindi dahil sa'kin hindi mangyayari ang lahat ng 'to.

Unti unting iniangat ng nanginginig kong mga kamay ang isang dagger at itinatapat sa puso ko. Napalunok ako at nag-unahang tumulo ang mga luha ko.

Ngumiti ako sa huling pagkakataon nang maalala lahat ng araw na kasama ko sila. Mga araw na para sa iba ay kathang-isip lamang. Mga araw na naglapit sa'kin sa totoong ako. Mga araw na lahat ay masaya.

Napapikit ako.

Sana'y mabuo niyong muli ang lahat ng nasira ko...

Isang sigaw ang pinakawalan ko matapos kong itarak ang dagger sa puso ko.

Magiging maayos na rin ang lahat...

"Puso ang aking pinanghahawakan. Puso na magdidikta sa aming kapalaran. Ano nga ba ang pipiliin ko? Ang aking kamatayan o ang kanilang kaligtasan?"

~Bliss Candel

Facebook Page:
Miss M

The Fantasy's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon