Katherine's Pov
"Kuya alis na po ako" sigaw ko kay kuya. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi kami sabay ni kuya. Well ganito kasi yan, si kuya kasi ayaw sa mamahaling paaralan sabi niya toxic daw ang mga tao dun. Duhhhh, hindi kaya. Mga gwapo at magaganda kaya ang nandoon.Kaya lang yung karamihan sa kanila ay walang modo. At sadyang ignorante lng talaga yang si kuya.
" Ingat ka be" sigaw niya. Nandoon pa kasi siya sa kusina, kumakain.
"Opo" Saad ko habang pumapara ng taxi. Tinignan ko ang relo ko. 6:00 am pa pala. Ang aga noh, syempre sabi kasi nila daig ng maagap ang masipag. Hahahaha
Pumara ako ng kotse at nagpahatid sa Bluewood University, kung saan ako ngayon nag-aaral.
Ay teka hindi ko pa pala napapakilala si kuya. Siya pala si Vince Bayog-ang. Hindi ko rin nga alam kung totoo ko ba talaga siyang kuya. Kasi agad-agad yan sumulpot eh, noong namatay sila mama at papa. Mga tatlong taon niya na rin akong inalagaan. Kaya't sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.At hanggang ngayon hindi pa rin nahuli kung sino ang nakasagasa sa mga magulang ko. Kainis tuloy, hindi ko matanong kung may kapatid ba talaga ako."Mama, para po!" Saad ko sa driver at nag-abot ng pera sa kanya.
"Keep the change po" Wow sobrang yaman noh. Akala niyo lng yun. Eh isang piso na lng din naman yung sukli ko. hehehe
Ay oh! Andito na pala ako sa Blue Wood University. At hanggang ngayon humahanga parin ako sa taglay nitong ganda. Nadatnan ko naman si Manong Felix na bumabati sa ibang studyante na dumadaan. Believe din ako rito kay Manong Felix. Sobrang bait. Di tulad kay manong Nelson na nagbabantay sa kabilang gate. Ang strikto niya, akala mo siya ang may-ari ng paaralang ito.
"Good morning kuya Felix!" Masayang saad ko kay kuya Felix.
"Good morning rin ija" ganti niya
Dumeretso agad ako sa silid namin. Mas malaki ito kumpara sa ibang section. Umupo ako at ingat na ingat na ibaba ang gamit ko.
"Hey nerd! Your acting soo weird! Why are you putting your bag carefully! It's not even a treasure!" Sigaw ni Trisha, ang dakilang bully ng classroom namin.
Hindi ko na lng siya pinansin. Umupo ako at agad binuksan ang pahina labing walo. May pagsusulit kasi kami mamaya sa matematika.
"Psst.... Kath pakopya mamaya huh!" Siya naman si Albert ang pangalawa sa pinakmatalino sa classroom namin. Oo matalino siya, matalino sa pangongopya. Hahahaha napangiti naman ako sa naisip ko.
" Anong nginingiti mo diyan? Ang weirdo mo talaga! Pakopyahin mo ako huh! Dahil kung hindi, malilintikan ka sa akin" Lagi na lng yan ang sinasabi niya sa akin. Hindi ko naman matanggihan dahil siya na lng yung bumabanggit sa pangalan ko. Puro na lng "Nerd" ang lumalabas sa bibig nila tuwing tinatawag nila ako.
Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagbabasa.
Lumipas ang 3 oras. Ang tagal naman tumunog ng bell. Gusto ko na kumain eh! May black berry cake pa naman ngayon sa cafeteria. My favourite.
Kring! Kring!
Biglang tumunog ang bell.
Ayohn, ang hinihintay ko!
Kumaripas ako ng takbo papuntang cafeteria. Gusto ko na ng black berry cake. Madalas lng yun rito. As in sa sobrang dalas isa lang ang nakakain ko bawat buwan.Hinihingal na dumating ako sa cafeteria at napalaki ang mata ko sa nakita. Bakit ang daming tao na rito sa cafeteria. Bago lang nag-bell ah! Kainis! Sana umabot ako.😞
Naabutan ako ng tatlongpung minuto sa kakahintay. Ito na malapit na ako. Kunting hintay lang. Ayan na, ayan na. Saad ko sa aking isip habang tutok na tutok sa black berry cake. Hanggang sa-. Sa wakas!!! Ako na!
"Ano po ang order mo?" Tanong ni ateng na nagtitinda
"Dalawang black berry cake po" Walang pag-aalinglangang saad ko.
"Naku ija, isa na lng ang natitira" Napasimangot naman ako sa narinig ko.
"Sige ate, isa na lng" Labag sa loob na saad ko
"Here's your order" Nakangiting saad niya. Ganda din nitong si ateng noh.
Nagulat ako ng may kumuha sa cake na nakalapag sa harap ko. Aba loko to ah!
"Thank you miss" Saad ng lalaking walang modong kumuha sa order ko. Napayukomang kamao ko. Aba! Maharap nga tong lalaking to at masapak ko to ng wala sa oras.
Humarap ako sa lalaking nagsalita. Aangat na sana ang kamay ko para sampalin siya ng makita ko ang pagmumukha niya.
"Mi-miko?" Wala sa katinuang saad ko
"Yes? Kilala mo ako?" Tanong niya habang kinakain na ang order ko. Ang order ko!!! Ang cake ko!! Huhuhu.
Wala sa sariling napanganga naman ako. Nakita ko lng naman naman ang crush ko. At hindi lng nakita nakausap pa. Hindi ko alam na iniwan na pala ako ni Miko at lahat ng tao ay pinagtatawanan, pinandidirian, at lalong lalo na ang hinuhusgahan.
"Did just Miko talk to that nerd?"
" Feeling ko, next target yang si Nerd"
"Tama ka girl!"
"Hahahahahaha"
Yan yung ilan sa mga bulungbulungan na naririnig ko. Feeling ko nanliliit na ako sa sarili ko. Bakit hindi? Eh sa isang "Nerd" ay kinausap lang naman ng isang dakilang "Playboy" ng Blue Wood University. Tssss, at sa lahat ng paaralan ay hindi mawawalan ng mga taong chismosa.
Walang pag-alinlangang tumakbo ako sa Mini Forest. Malapit lng ito sa cafeteria. Hindi ko na kasi matiis ang mga sinasabi nila. At isa lang naman ang nasa isip ko.
"ANG CAKE KO!!!!!" Napahikbi ako. Yan kasi Kath eh, landi kasi ang inuna mo. Kita mo, wala ka tuloy makain. Maghihintay ka na naman ng isang buwan. At lalong lalo na wala palang patutunguhan ang paghihintay mo.
"I HATE YOU MIKO VILAZQUEZ!!"
Sigaw ko. Wala na na akong pakialam. Total wala namang katao-tao rito. Padabog na umalis ako. Naalala ko may quiz pa pala kami.Miko's Pov
"I HATE YOU MIKO VILAZQUEZ!!"
Di mapigilang ngiti ang naukit sa aking labi. Hindi ko akalain na sa gwapong kung to, may tao rin din palang ayaw ako."Iba ata ang babaeng yan Miko" komento pa ni Jake isa sa kabarkada ko
"May umaayaw rin pala sa iyo Mikz" Tukso pa ni Troy
"Isa ba yun sa ilang babae mo?" Seryusong tanong ni Alex
"Hindi?" Patanong na sagot ko
"Pare! Basi sa libro na hawakhawak ko. Na ang laman ay puro pangalan ng mga babae mo. Ay wala ngang "Nerd" na nandito" saad ni Troy. Si troy talaga palaging nililista ang mga pangalan ng mga babae ko.
"Hmmmm...... Pare alam ko na! Bakit hindi mo ligawan yang si "Nerd" sa loob lamang ng isang buwan. At kapag sinagot ka agad agad, patagalin mo hanggang sa maging isang buwan na ang relasyon niyo at "BOOM" dun mo na i-break! Pupusta ko ang kotse ko, hindi magiging kayo" nakangising saad ni Jake. Si jake talaga puro kalokohan.
Napangiti naman ako sa naisip niya. Why not diba? Sayang rin yung kotse.
"Deal!" Walang pag-aalinglangang pagsang-ayon ko
"Siguraduhin mo lng na hindi ka mahuhulog sa "Nerd" na yan Miko" seryusong saad ni Alex
"I assure that" mapagmataas na saad ko
Humanda ka "Nerd". At ikaw ang susunod kung " Target".
____________________________________
First chapter!! Hindi ko na ako mag-aupdate sa SMU. Sorry
-van
BINABASA MO ANG
Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)
RomanceLove? They ruined everything. Trust? It was meant to be ruin. I'm Katherine Bayog-ang, Ang babaeng tanga na umibig sa isang Playboy. Isang babaeng tanga na hanagad ang kaligayahan niya. Ngunit kung ang hangad niya ay pasakitan ka? Kaya mo ba itong i...