Chapter 4

5 5 1
                                    

Katherine's Pov

Ilang araw din ang nakalipas na umalis si Miko. Nakakainis nga, kung saan magkaibigan na ulit kami ay doon pa siya aalis. Si Albert naman ay biglang tumopak at himala na bumait naang loko sa akin. Sinabi niya na gusto niya lng talaga akong asarin sa panahon na yun. Ayy, hindi ko pala nasabi sa inyo na magkakaibigan na kami noon ni Albert at Miko. Sadyang mapagbiro ang tadhana at pinaghiwalay-hiwalay kami. Sinisi kasi ako ni Albert noon dahil sa nangyari kay Miko. Gusto niyo ba ng flashback? Nalulungkot pa rin kasi ako.

Flashback (when we are still young)

Kathrine's Pov

"Pangit, pangit" tukso ng mga kaklase ko

"Hindi ako pangit! Ganda kaya ako!" Pagtatanggol ko sa aking sarili

"Pangit ka talaga!" Pagdutdot pa ni trisha. Oo magkaklase kami ni trisha noon pa.

"Exuse me miss, walang pangit sa mundo. Oh baka gusto mo ikaw yung pangit" pagtatanggol ng isang lalaki

"Haaahahahaha trisha pangit"Tukso rin ng isang lalaki. Feeling ko magkaibigan sila ng unang lalaking tumulong sa akin.

Nagtawanan naman ang iba naming kaklase at paulit ulit na binabanggit ang "trisha pangit". Siguro doon tuluyang nagalit si trisha sa akin kayat hanggang ngayon tinutukso niya parin ako.

"Ok ka lng?" Nakangiting saad nung unang lalaki na unang nagtanggol sa akin

"Mukhang ayos naman yan Mikz" sagot nung lalaking tumawag ng trisha pangit. Aba siya yung sumagot para sa akin. Bad naman nito.

"By the way I'm Miko Vilazquez, and this boy is Albert Monasterio" saad nung lalaking unang nagtanggol sa akin. Teka sila ba yung bagong tranferees na ubod ng yaman?

"Hi, ako pala si Katherine Bayog-ang" nahihiyang saad ko

"Friend na tayo huh" Saad ni Miko

Mula noon palagi na kaming magkasama ni Miko at Albert. Si miko sobrang bait niya habang si Albert sobrang suplado niya sa akin. Ewan ko ba sa lalaking yun. Pero na touch talaga ako nung birthday ko niregaluhan ako ni albert ng bulaklak at teddy bear. Ang cute kaya nung bear at nung ibigay niya sa akin ay nahiya pa siya at nagtago sa likod ni miko. Sarap kurutin ni albert noon, pero ngayon sarap na ipakain sa buwaya. Si Miko naman ay mga damit ang ibinigay.

Hanggang sa dumating ang araw na yun. Naghahanda kami ni Miko para surpresahin si Albert sa kaarawan niya. Nagpa-bake kami ng cake, bumili ng balloons at gumawa kami ng card. Papunta na kami ni Miko sa hide out naming tatlo kung saan si Albert ay naghihintay. Biglang nahulog ang card na ibibigay ko kay Albert sa gitna ng kalsada. Agad akong tumawid para kunin ito. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay may sasakyan na papalapit sa akin.

"BEEEEEEEEEP"

"KATHERINE" sigaw ni Miko

Tumilapon ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko na alam ang nangyayari. Marami ang taong lumapit. Pero isa lng ang nasa isip ko. Si miko!!!!

Agad akong pumunta sa nagkukumpulang tao. Napatulala ako sa nakita. Si-si miko nakahandusay at wala ng malay.
Napaatras ako sa takot. Kasalanan ko to.

"Walang hiya ka Katherine! Ikaw, ikaw ang may kasalanan nitong lahat" naghahangos na sigaw ni Albert. Napailing-iling naman ako. Hindi, hindi to nangyayari ngayon.

Napatulala lang ako sa hangin habang iniisip na panaginip lng ang lahat ng ito. Hindi ko namalayan na tinakbo na pala si Miko sa hospital. Nagbalik lng huwisyo ko ng may pumatak na likido sa mukha ko. Pinahid ko ito at napagtantong luha ko pala ito.

Hindi. Napahawak ako sa ulo ko.Dapat ako yung nasa hospital hindi si Miko. Dapat ako na lng yung nasagasaan. Dapat hindi ko na lng kinuha yung card ko kay Albert. Dapat hindi na lng ako naging kaibigan nila. Dapat hindi ko na lng sila nakilala. Napahikbi ako sa mga naisip. "Dapat" Paulit-ulit ko itong binabanggit. Masakit sa parte ko na ako yung naligtas. Kung sa iba magpapasalamat sila, sa akin sana ako na lng yung nasaktan. Ang tanga-tanga mo katherine. Tanga ka!

Tama, kailangan kung nandoon sa tabi ni Miko. Kailangan niya ako. Agad kung tinawagan si Mama, kailangan kung alamin kung saan naruruon si Miko.

My mother cellphone is still ringing. Mom pick it up, pick it up.

"Yes, honey? Tapos na ba yung surpresa niyo ni Miko kay Albert"-mom

"Mom, I need help" hindi ko na sinagot ang tanong ni mama

"Anything for you hon. What is it?"- mom

"Mom, si-si Miko, nasagasaan" My voice almost broke. I started  to cry again.

"Shhhhhhh..... Hon, tahan na. Andito lng si mommy. Ok?"

"Mom alamin mo kung saang hospital dinala si Miko please" Pagmamakaawa ko. Ang mga magulang ko pala ang nagmamay-ari ng lahat ng hospital dito sa lugar namin.

"Ok, hintayin mo yung text ko honey at pupunta rin kami ni daddy mo doon. Ingat ka, huh"

"Yes mom"

Ilang minuto rin akong naghintay sa text ni mommy. Kailan ka ba magte-text mom. Hindi ko na matiim ang paghihintay.

Beep Beep

"San Antonio Hospital. Room*** "Yun yung nakalagay sa text ni mom. Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address. Malapit pa akong ipahuli ng mama ng malaman niyang wala akong pera, kaya ang ginawa ko ay ibigay sa kanya ang friendship necklace ko. Labag man sa kalooban ay mas kailangan ako ni Miko kaysa sa necklace na yun. Pwede ko namang hanapin yung eh.

Humahangos na pumunta ako sa kung saan naroroon si Miko, inaalala ko kung ano ang magiging reaction ni Albert kung makita niya ako ulit.

Nandito na ako sa room niya ng bigla akong nakita ng nakayukong si Albert at pwersahang tinulak ako.

" Walang hiya ka Katherine! Tinuring naman kitang kaibigan! Pero ano, ano ang pinalit mo! Na comma si Miko dahil sayo! Sana hindi ka na lng niligtas ni Miko! Sana, hindi ka na lng namin tinulungan! At sana ikaw na lng yung na comma!"

Masakit sa akin na sabihan ng masasakit na salita na galing pa talaga sa isa sa mga tunay na kaibigan mo kung tuturingin. Hindi ko napigilan ang paglandas ng aking luha. Bakit ba ako umiiyak, kung sa tutuosin ay tama naman yung sinabi ni Albert.

"Sorry" Basag na boses na saad ko.

"Sorry? Bakit? Magigising ba niyan si Miko? " Napailing-iling siya at hindi alam kung anong gagawin.

"Umalis ka na" mahina niyang saad. Napailing naman ako bilang tugon

" SABI KO UMALIS KA NA!" Natakot ako sa pagsigaw ni Albert. Kayat napaatras ako palayo sa kanya.

"And by the way, thanks for your gift. It really hurt my brother" Nagulat ako sa sinabi ni Albert. Brother? Magkapatid sila. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Isa lng agad ang lumabas sa isip ko, alam ko na kung bakit hindi nila sinabi sa akin yun. Dahil hindi nila ako tinuring na kaibigan, Tama... I deserved it anyway. I deserve to be untrusted. Nag-uunahan naman tumulo ang mg luha ko. Di ko na kaya to. Tumakbo ako papunta sa labas ng hospital. Kailangan ko muna sigurong umalis. Di bale, babalik ako Miko. Hintayin mo ako.

____________________________________

Chapter 4, Done......... Dibale kung bitin man ito ay may continuation naman. Hehehehe..... Ayaw ko lng talaga mag-sulat ng more than 2000 words eh..... Thanks for reading this guys.... Love lots.... Muwahh💋

-van


Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon