Chapter 3

7 4 0
                                    

Katherine's Pov

Pauwi na ako sa bahay ng nadatnan ko si Miko at  Albert na nag-uusap. Nilapitan ko sila at nagtago ako sa likod ng halamanan.

"Balita ko, may binubully ka na naman" saad ni miko habang hinihithit ang sigarilyo

"Si kath ba? Wag kang mag-alala hindi ko na siya aawayin. Takot ko lng kay Lei" natatawang saad ni Albert

"Tsssss..... Siguraduhin mo lng Albert at hindi lng si Lei ang makakabangga mo." Seryosong saad ni Miko

Ako pa talaga ang topic nila huh. As in wow! Bakit ako pa?

"Bakit sobrang protective mo ata Miko? Bakit anong kailangan mo kay Kath? Tanong ni Albert

Tama nga ano nga bang kailangan niya sa akin?

Nagpalingalinga naman si Miko. Sinisigurado niya kung may tao. Kaya't agad kung siniksik ang sarili ko sa halamanan.

"May roon kasi kaming kasunduan nila Jake, kung sasagutin ako ni Katherine sa loob ng isang buwan ay mapapasaakin iyong isang kotse ni Jake. Alam mo naman na matagal ko na yung gusto yung kotse ni jake diba?" Pagpapaliwanag ni Miko

Biglang nanikip ang dibdib ko. Gagamitin ako ni Miko? Para saan? Para sa sarili niyang intensyon?

"Ahhhhhh. Akala ko nahulog ka na sa babaeng yun. Di bale tutulungan kita sa panliligaw. Ako bahala" Saad ni Albert habang kinikindatan si Miko.

"Maasahan kita Bert. Ay teka pinapadala ni Lei sayo" Saad ni Miko at agad sinuntok si albert sa mukha.

Napasapo naman si albert sa isang pisngi niya." Para saan yun?" Nagtatakang tanong niya

"Hindi mo daw nagawa ang isang misyon mo" nakangising saad ni Miko

"Tssss. Pakisabi kay Lei na oo na tatapusin ko na" nakangiwing saad niya

**************

Lutang na umuwi ako sa bahay. Totoo ba lahat ng sinabi ni Miko? Gagamitin niya ako para makuha ang gusto niya. Nagigilid ang mga luha ko habang pumapasok ako sa bahay. Yan kasi eh! Umaasa ka nanaman na ipagtatanggol ka ni Miko! Bakit ko pa kasi siya naging crush. Kasalanan ko ba na napahanga niya ako dahil siya lng yung lalaking kusang nagtanggol sa akin sa pambubully ng classmate ko noong elementary pa kami. Eh hindi ko nga alam kung naaalala niya pa yun! O baka noon ay katuwaan lng din yun.

" Oh anong nangyari sayo?" Tanong ni kuya

"Wala kuya." Matamlay kung saad

"Ya, pangit ba ako?" Dagdag ko pa

"Syempre hindi! Maganda ka kaya!" Napabuntong hininga ako.Mabuti pa si kuya nakikita yung tunay kong kagandahan.

"Teka, ano ba talaga ang nangyari?" Nagtataka niyang tanong

"Ya, kasi-"Napahikbi na ako ng tuluyan. Agad naman akong niyakap ni Kuya.

" Tahan na ok? Ikwento mo na lng sa akin ng mabawasan ang sakit" Napatango naman ako sa sinabi ni kuya. At pilit tinatago ang mukha ko sa dibdib niya. Nahihiya kasi ako kay kuya. Baka tuksuin na naman niya akong iyakin. Ikwenento ko kay kuya ang nangyari kanina. Pati narin yung mga narinig ko.

"Kuya ok ka lng. Para namang ikaw yung na broken hearted" Tukso ko sa kanya. Tama nga ang sinabi kuya, gumaan ang loob ko. Nakatulala parin si kuya. Hindi ko alam kung bakit? May mali ba doon sa sinabi ko? Siguro nabigla lng siya. Magkaibigan daw kasi sila ni kuya noon ni Miko. Yun yung pagkakaalam ko. Eh nagtataka rin kasi ako kung bakit hindi sila nagsasama dalawa diba?

" Uhmmmm..... Be? Mapapatawad mo pa ba si Miko? Napaharap naman ako kay kuya. Agad na nag-igting ang panga ko.

" Hindi! And it's final!" Pasigaw kong saad at agad kong kinulong ang aking sarili sa silid ko.

*************
Kinabukasan ay walang gana akong pumasok sa paaralan. Nagtataka pa nga si kuya Felix kung bakit ako late. Pagdating sa room ay natulog lng ako. Nagtataka rin si maam Ruth kung bakit ako natulog sa kanyang subject. Kinausap niya ako kung anong nangyayari sa akin. Sinabi ko naman kay maam na masakit ang ulo ko at pinilit ko lng talaga pumasok. Naintindihan niya naman kayat pinauwi niya ako.

Pauwi na ako ng may mabangga ako. Hindi na ako nag-abalang tignan siya wala talaga ako sa mood makipag-usap.

"Wait! Katherine!" Napahinto naman ako. Kilala ko ang boses na yun ah! Kay Miko yun ah......
Hmmmmmp, manigas siya. Lalo kung binilisan ang aking paglalakad.

"Wait kath! Hintayin mo ako" Napahinto naman ako ng hawakan niya ang aking braso. Napatingin ako sa kanya. Himala ata at naalala niya ang pangalan ko.

"Kath, sorry" Gusto kung maawa sa kanya pero hindi! Hindi pwede.

"Para saan" Nakangiti kung saad. Ngunit alam ko namang ngiwi ang gumuhit sa aking labi

"Sorry para sa cake na kinuha ko huh" Yun naman pala eh. Akala ko ano na. "At ito pala pinagawa ko pa yan." Napatingin naman ako sa inabot niya. Isang buong black berry cake. Natakam naman ako sa dinala niya kayat agad ko itong kinuha. Wow! Minsan lng to ah! Para namang ice cream na natunaw yung galit ko sa kanya.

"Thank you" saad ko

"At sorry rin doon sa narinig mo" nakayukong saad niya. Napakunot naman ang aking noo. Yung kahapon ba yung tinutukoy niya

"Sinabi kasi ng kuya mo sa akin na umiyak ka raw magdamag. Sorry huh." Hingi niya ng tawad. Naku si kuya may pagka-chismoso. Ngayon naniniwala na akong magkaibigan sila😥

" Ok lng. Atleast ikaw humingi ng tawad yung iba nga wala talaga." Saad ko sa kanya. Napangiti naman ako, hindi ko lubos naisip na madali ko lng siya mapapatawad. Totoo pinapatawad ko na siya. Mabuti at may dala siyang cake.

"Salamat" Nakangiti niya ring saad

"Teka, paano na yung pustahan niyo? Hindi mo na makukuha yung gusto mong kotse. Matutulungan naman kita eh" pagsusuwesyon ko. Are you for real Katherine? Tutulungan? Eh parang gusto mo na ngang mamatay kagabi eh..

" Wag na, aalis din naman ako." Napalaki ang mata ko sa narinig. Ano aalis na siya!!

"Huh? Aalis ka na?" Malungkot na saad ko

"Oo isang buwan lng naman. Babalik rin ako. Soo friends?" Saad niya habang nakalahad ang isang kamay niya

Tinanggap ko ang kamay niya.
"FRIENDS" Saad naming dalawa.
Napangiti naman ako at agad siyang niyakap.

"Oh! Chansing yan ah" Natatawang saad niya

"Sira" singhal ko

"Mag-iingat ka "Friend" pahabol ko

"Para sayo "Friend" ganti niya

Nagtawanan lng kami ni Miko. Masaya pala siyang kausap. At doon ko napagtantong. Hindi lng crush ang nararamdaman ko sa kanya.It's a weird feeling. Is this what they called Love? Naku!!! Makukurot ako ni kuya nito eh!!!

____________________________________

Chapter 3 done! Babye Miko... Mamimiss ka namin..... Huhhuhu

Thanks for reading this story. Muwah💋

Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon