Chapter 8

4 3 2
                                    

Katherine's Pov

"Mama!!!"

Beeeeeep

Kitang-kita ko kung paano nasagasaan sina mama. Kitang-kita ko ang kotseng na kulay pula na walang awang sinagasaan sila mama..

Bago pa makaalis ang kotse ay nakita ko ang numero ng plaka nito ngunit malabo.

Pinilit kung tanawin ang malabong imahe. Ngunit hindi ko pa rin makuha.

Ilang ulit ko itong ginawa at sumasakit na ang ulo ko sa kakapilit na tanawin ito. Hanggang sa nagbunga ang pagsisikap ko at natanaw ko na ang numero ng plaka ng kotse nito bago pa ako mawalan ng malay.

********
Napabalikwas ako ng bangon. Ilang taon kung inalala ang pangyayaring to ngunit ngayon lng detalyado lahat.

Sumasakit man ang aking ulo ay pinilit kung tumayo. Kailangan kung pumunta sa prisento.

Pagkatapos kung maligo at magbihis ay dali-dali akong bumaba. Nadatnan ko si kuya na naghahain.

"Oh be, kain ka na"

"Maya na kuya" Agad akong umalis sa bahay. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa prisinto.

Nakita ko si SPO1 Dominggo na assign sa kaso ko.

"Sir!" Tawag ko sa pansin niya

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong

"Sir, alam ko na ang plate number ng nakasagasa sa mga magulang ko."

Para naman siyang nabuhayan. At inimbeta niya akong umupo. Kumuha naman siya ng mga gamit niya.

"Ano ang naalala mo ija" Tanong niya.

"Sir, may kotseng pula nadumaan"

Tumango naman siya bilang tugon na nakuha niya ang impormasyon.

"Anong plate number?"

Huminga ako ng malalim at sinabi ang plate number ng kotse.

Ngumiti siya. "Mamayang gabi, o bukas makukuha mo na ang impormasyong gusto mo Ms. Bayog-ang"

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat at makilala ko na ang salarin sa pagpatay ng mga magulang ko.

"Papaalam Sir" Tumango naman siya bilang sagot.

Pagkalabas ko sa prisento ay agad kung tinawagan si Lei.

Kring Kring

"Hello babe" Antok na antok niyang saad

Natawa naman ako sa inasal niya. "Babe sunduin mo ako rito please"

"Hmmmm..."

"Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Huh? Ahhh oo?" Patanong niyang saad

"Ayyy babe, wag na lng siguro. Magpapasundo na lng ako kay Albert then kakain ksmi sa labas na parang DATE" Paglalaro ko sa kanya.

"Ano!!! Hintayin mo ako diyan. Dadating ako ng tatlong minuto"

"Hahaha sabi mo eh" Madali lng talaga maloko tong si Lei.

Naghintay ako ng tatlong minuto at tama nga dumating siya.

"Ano yang suot mo?" Tanong ko. Baliw na tao na to. Nakapantulog pa ba naman.

"Oh tapos? Kaysa makasama mo naman yung Albert na yun!" Suplado niyang saad. Halata nga na bagong gising siya.

"Hali ka nga rito" Sinuklay ko ang magulo niyang buhok.

Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon