Katherine's Pov
Ngayon na ang araw ng ball. Ngayon na rin ang monthsary namin ni Lei. Hindi niya raw ako masusundo, si Albert na lng raw muna.
"Be?" Napatingin ako kay kuya. Kahapon pa siya malungkot. May sakit ba siya? Bakit namumugto ang mata niya?
"Ya? May nagpaiyak ba sayo? Sabihin mo! At uupakan ko"
Napangiti naman siya. "Mag-ingat ka" Niyakap ako ng mahigpit ni kuya. Tama may sakit nga siya. Minsan lng to ah.
Beeep beeep
"Katherine!!! Bilisan mo!!!" Sigaw ng mokong na nasa labas.
"Oo na. Porket may masasayaw kana namang babae, para kang si flash kung makapagpadali!!" Balik kung sigaw sa kanya
"Mag-ingat ka be, lalo nasa lalaking nasa labas." Nakatiim na sabi ni kuya
"Aist, ayan na naman si kuya na over protective" Tukso ko sa kanya
"Mabuti ng over protective kaysa walang pakialam sa kapatid" Saad ni kuya at hinalikan ako sa noo
Kinurot ko ang pisngi ni kuya. "Ang sweet talaga ng kuya ko"
******
Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Albert na nakasimangot."Oh anong problema mo!" Singhal ko sa kanya
"Wahhhhh...... Late na ako ng 30 seconds" Parang batang iyak niya
"Psss. Mag-drive ka na nga lng! Para 30 second lang"
Napakunot ang noo ko ng matagalan niya akong tinignan. Seriously anong trip nito?
"Oyyy, ganda niya sa black dress niya. And you're pretty when you don't wear that nerdy glass.Sinuntok ko siya sa braso. Nambola pa!! Naku!!
Pagkarating namin sa hall ay marami na ngang tao ang nandoon. Sinubukan kung hanapin si Lei para sa surpresa ko ngunit ni anino nito ay hindi ko nakita.Napakunot ang noo ko. Masakit pa ba yung ulo niya?
"Kath?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Mika lng pala.
"Mika, ikaw pala"
May parang tinitingnan siya. Kaya't sinusundan ko rin kung sino-sino ang tiningnan niya. Napakunot ang noo niya? "May hinahanap ka ba?" Pinagpawisan ako sa taning niya. Akala ko kung ano na.
"Ahhh, wala" Pagmaangmaangan ko
"Ok, pero soo ano? Sino nga ba yang si Lei? Isang buwan na ng nakalipas pero hindi ko man lang masilayan yang boyfriend mo bes."
"Aist, hindi ko nga siya makita eh"
"Ok lng yan bes, inom na lng tayo"
Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Hoy babae! Bawal kang uminom!"
Napakamot siya ng kanyang ulo. "Ngayon lng naman eh" Nakasimangot niyang saad
"Tsss, isang shot lng huh"
"Yes maam" Nakangiti niyang saad
Pumunta kami sa counter, kung saan maraming inumin ang naka-display.
"Hey mister, dalawang wine nga diyan. Yung sobrang nakakalasing" Napatingin ako kay Mika. Ayos lang ba siya? May problema ba tong babaeng to?
Ilang minuto lng ay tumugtog na ang banda. Maraming tao ang sumayaw. Kasabay din nun ay ang order namin. Umupo lng ako at sinisimsim ang aking inumin. Sa kalayuan ay may nakita akong isang bulto ng tao. Inaniag ko ito at nakita ko si Lei na nakatayo at nakamasid sa mga taong nagsasayawan.
"Mika, si Lei oh!" Sabi ko sabay turo sa kabilang table
Napatingin siya sa kabilang table. Para namang nabuhayan ang gaga "Tara, puntahan natin"
Napatalon ako sa kinauupuan ko. Sawakas mababati ko na si Lei ng personalan.
Naglakad na kami patungo sa table nila.Nauna ng konti si Mika sa akin. Siguro sobrang exited niya na makilala si Lei.
"Beb? Ikaw ba yan" Nagulat ako sa narinig. Si Lei ba yung tinawag niya? Hindi siguro baka yung katabi niya lng na lalaki. Tama Kath yung katabi niya yung tinutukoy niya.
"Beb? Andito ka" Napako ako sa kinatatayuan ko. Tinawag ni Lei si Mika ng beb? Ano to lokohan? Baka nagkakamali lng siya Kath. Wag kang iiyak ok? Shhhh....
"Miko ko!!!" Saad ni Mika at niyakap si Lei. Miko? Baka napagkamalan niya lng. Ako nga nung una napagkamalan ko rin si Lei na si Miko.
Nangunot ang noong napatingin ako sa kanila. Madaming tanong na nasagip ang utak ko. Ngunit lubos na nasasaktan ang puso ko. Ilang kombensi na ang nagagawa ko ngunit nangingibabaw parin ang kaba at sakit. Kaba na baka totoo na may relasyon sila. At sakit na mararamdaman ko kung sakali mang totoo
"Lei? Totoo ba to lahat?" Parang nakakita siya ng multo ng marinig niya ang boses ko.
Biglang nagbago ang expression niya. Tumingin ako sa mga mata niya. Iba na ang tingin ng mga mata niya. Parang nababalutan na ito ng yelo. Iba na siya sa Lei na kilala ko.
"Siya si Lei na sinasabi mo? Eh si Miko to ah!" Gulat na saad ni Mika
"Lei sagutin mo ako!! Kayo ba ni Mika?" Malapit ng tumulo ang luha ko
"Teka, tha-" Pinutol ni Lei ang sasabihin ni Mika
"Let her know the truth" Malamig niyang saad
"Oo kami ni Mika" Biglang tumulo ang luha ko. Soo lahat ng to ay biro lamang? Pinaglalaruan niya lang ako. This is all bullshit!
"Ikaw ba si Miko?" Hindi siya sumagot. Napaluhod ako. Silent means yes. Si Miko na minahal ko at si Lei na sobrang mahal ko ay iisang tao. Iisang tao na nagpatibok ng puso ko at nagpapasakit nito.
"Sumagot ka!!!! Bakit Lei? Anong ginawa ko sayo?" Bumuhos na ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung magmukha akong katawa-tawa rito.
"Sawa na ako sayo kath. Your too boring to play. And beside, tapos na rin kasi ang kontrata ko sayo. Nakuha ko na ang kotse ni Jake. Nanalo na ako sa pustahan. And yes you're right I'm Miko." Nakaluhod na lumapit ako sa kanya.
"No, please say that this is all an act. Kasi Lei, masakit na ang puso ko. Baka hindi ko kakayanin at mag-collapse ako dito" Pagmamakaawa ko
Pwersahang tinulak niya ako palayo. Kaya't napa-upo na lng ako sa sahig.
Ang sakit. Hindi ang katawan ko ang masakit, ang puso ko na nagmahal lng naman ng todo. Sobrang sakit. Ang mga luha na tumutulo lng kanina ay ngayo'y nagbabadya na. How could he? Hindi lng naman ako isang beses niyang niloko, dalawa lng naman eh. Niloko ako ng kaibigan ko at ng boyfriend ko.
"Isa tanong na lng Lei o Miko. Minahal mo ba ako?" Basag na boses kung saad
"Hindi, ni minsan hindi kita minahal. Para sa akin isa ka lng laruan." Tiim bagang niyang saad. Napahagulhol ako. Tumayo ako at pinahid ang mga luha na nagbabadya.
Pucha!!! Dapat hindi ko na lng yun tinanong. Hindi ko pala kaya ang isasagot niya. Hindi lng ako basag. Basag na basag. Masakit kung tinignan sila Mika at Miko. "Happy monthsary bes, babe"
Nandilim ang paningin ko. Nanikip ng husto ang dibdib ko. Katapusan ko na ba to?
Unti-unti nanghihina ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kasabay ng paglakas ang pagsakit nito. Napangiti ako ng mapait.
"Goodbye then" Bulong ko sa hangin.
"Katherine!! Wag mo akong iiwan. Hoyyy!!! Gumising ka! Hindi pa nga ako best man sa kasal mo!" Napangiti ako
Ang mga salitang yun ang huli kung narinig. Hinaplos ko ang mukha ni Albert. Sinubukan kung sabihin ang mga katagang "Salamat" ngunit bago ko pa yun magawa ay hindi na ako makahinga at nawalan na ako ng malay.
____________________________________
That's why? Kaya naman pala wala si Miko nitong nakaraang chapter ay si Lei pala siya. Naku..... Sakit talaga niyan Katherine. Dalawang beses ka ba naman niloko... Ohhhh!!!
Next, last chapter. One more revelation that will really hurt you guys. Ihanda na ang panyo. Huhuhuhu
I HATE YOU LEI!! Kainis bakit mo pinaglaruan si Katherine.
BINABASA MO ANG
Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)
RomanceLove? They ruined everything. Trust? It was meant to be ruin. I'm Katherine Bayog-ang, Ang babaeng tanga na umibig sa isang Playboy. Isang babaeng tanga na hanagad ang kaligayahan niya. Ngunit kung ang hangad niya ay pasakitan ka? Kaya mo ba itong i...