Katherine's Pov
"Miss!" Naglalakad ako sa hallway ng may tumawag sa akin. Kayat naningkit ng mata ko at hinarap ang lapastangang tumawag sa akin. Alam ba niyang bad trip ako ngayon! As in.... Hindi pa kasi ako na ka move on doon sa black berry cake ko.
Poink!😣
"Ouch" Di mapigilang saad ko. Eh kasi tung lalaki to. Ipinakain sa ba naman sa akin ang bulaklak na hindi ko alam kung saan galing.
"Sorry miss, akala ko kasi hindi mo ako papansinin. Kaya't ayan napasubsob tuloy ang mukha mo sa bulaklak na dala ko" Natatawang saad niya. Naniningkit na matang tinignan ko siya. Aba ang lalaking to walang modo!
"Oh bakit? Ano kailangan mo!" Pagtataray ko
Ngumiti naman siya ng bonggang bongga na halos hindi na makita ang mata niya." May nagpapabigay sayo"
Agad ko namang kinuha ang bulaklak. May pagdududang tinignan ko siya."May lason to no?"
"Wala ah! Pinapapigay lang naman sayo yan ng friend ko. By the way I'm Alexus. Nice meeting you Miss Katherine" magalang niyang saad
"Salamat" nahihiyang saad ko
May bigla akong naalala.
"Hoyy! Teka paano mo nalaman ang pangalan ko!!" Sigaw ko sa patatakbong lalaki na nagngangalang Alexus.Ayyy ang gago hindi man lng ako tinignan. Kaloka
Agad kung tiningnan ang bulaklak ng may mapansin akong isang sulat.
"Magandang binibini
Ikay nakakahalili
Kung ikay ngumiti
Nakakabighani.Sanay pakinggan
Ang aking kahilingan
Wag nang magalit
Baka ikay pumangit.Ako ay isang tao
Na nagkagusto sayo
Hindi ka naman nila gusto
Atleast ako, andito."Napangiti naman ako sa mga tula niya. Siguro mambobola ang isang to. At pumangit? Hoyy! Matagal na akong pangit.
Agad akong dumeretso sa silid namin habang daladala ang isang punpon ng bulaklak.
"Oy si nerd! May bulaklak!" Sigaw ni trisha
Agad namang nagsilapitan ang mga lalaking classmate namin.
"Sinong lalaki ang pinikot mo Kath?" Tanong ni Albert. Aba gago din ang isang to ah!
"Exuse me Albert, wala akong pinikot. Pero ikaw, palaging kuripot! Hindi ka man lang nagpasalamat sa pangongopya mo!" Singhal ko sa kanya. Naiinis na talaga ako kay Albert. Ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya.
"Haahahahahaha" tawanan naman ng mga kaklase ko
"Niligawan ka lng, umiiba na agad ang ugali mo Kath Bayog-ang" Napangiwi ako sa sinabi ni Albert. Lagot nagalit ko ata.
"Everyone!! Please go back to your proper seat!" Sigaw ni maam Ruth
Nagsibalikan naman yung mga kaklase ko sa kanilang upuan.
Maayos naman yung takbo ng klase namin. Nag-quiz kami, pero ang hindi ko maintindihan ay ang hindi pangungopya ni Albert. Naku, baka galit talaga siya. Bahala na nga.....
***********
Nandito ako sa garden. Malaki ito, at marami ang mga bulaklak na nakapaligid kayat napakarelaxing tingnan rito. Ngunit ang pinagtataka ko kung bakit ako lng ang taong nandito.
"Albert! Andito si miss nerd" kinabahan ako sa narinig
May mga lalaki naman nagsilapitan sa akin.
"Andito ka lng pala Kath" nakangising saad ni Albert
"Anong gagawin mo?" Natatakot kung saad. Palapit ng palapit siya habang paatras ng paatras ako. Hanggang sa wala na akong maatrasan.
"Matapang ka na Kath. At alam mo kung ano ang gusto ko sa babae, yung matapang." Saad niya habang may ngiting asong nakaguhit sa mga labi niya. Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Naku! Wag naman sanang mangyari ang binabalak niya. Diyos ko, tulungan niyo po ako. At yung mga walang hiyang kaibigan niya ay sinisigaw ang mga katagang "KISS".
Akma na sanang hahalikan ako si Albert ng biglang may sumigaw.
"Ituloy mo at ng magmukha kang durog na monggo" Kampanting saad ng lalaking matangkad.
" Sino ka ba!" Maangas na saad ni Albert
"Hindi mo ata siya nakikilala? Kung ako ang magsasabi. Siya mismo ang ugat habang ikaw ay isang dahon lng" Saad ng-. Teka si jake to ah! Syempre alam ko kung sino si jake. Isa kaya yun sa kaibigan ni Miko.
"Lei?Naku sorry boss!" Parang nagulat si Albert sa natuklasan. Kayat agad siyang humingi ng tawad at yumuko sa harap ng lalaki . Lei? Bakit hindi ko siya kilala kung isa siya sa kaibigan ni Jake. Napakamot naman ako sa ulo ko. Kalito naman.
Nilapitan ko sina Jake at nagpasalamat." Salamat pala sa pagliligtas mo" Nahihiyang saad ko sa kanya.
Inilahad ko ang aking kamay at nakipagkilala." Ako nga pala si Katherine"
"Ako si Lei. Nice meeting you" saad niya at tinanggap ang kamay ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagshashake hands kami. At doon ko nakita ng detalyado ang mukha niya.May salamin siya that make him hotter, matangos ang ilong niya, may mapupungay siyang mga mata, at mas lalong mayroon siyang mapupulang labi. Teka? Parang kamukha niya si-. Tama, kamukha niya si Miko.
Tumikhim si Jake. Nahihiya ako baka isipin niya na pinapantasyahan ko tong si Lei.
At ang mas nakakahiya ay hindi pa pala binibitawan ni Lei ang kamay mo. Parang napaso kung kinuha ang kamay ko sa pagkahaway niya."By the way, natanggap mo ba yung bulaklak na ibigay ko kaninang umaga?" Tanong niya
"Saan? Yung binigay ni Al-ahh, Ahhh ni Alexus!?"
"Oo, ako yun. Matagal na kitang minamasdan sa malayo. Kung nagtataka kung bakit ako nagkagusto sayo ay ang sagot ko ay dahil sa mayroon kang mabuting puso" Wow, nagkakatugma-tugma na naman ang kanyang mga salita. Halata nga na siya yung lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak.
Napalabi ako. Lagot talaga ako pag nalaman ni kuya na may manliligaw ako. Poor me..
____________________________________
Chapter 2? Done!!!!! Keep reading.... Edi-delete ko na ang SMU..... Siguro? And sorry kung bitin
-van
BINABASA MO ANG
Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)
RomanceLove? They ruined everything. Trust? It was meant to be ruin. I'm Katherine Bayog-ang, Ang babaeng tanga na umibig sa isang Playboy. Isang babaeng tanga na hanagad ang kaligayahan niya. Ngunit kung ang hangad niya ay pasakitan ka? Kaya mo ba itong i...