Katherine's Pov
Nakatulalang napatingin ako sa kisame. Bakit? Bakit hindi na lng ako sinama nila mama at papa?
Biglang tumulo ang luha ko. Nalala ko na naman ang mga ginawa ni Miko. Pinaglaruan at pinagsawaan.
"Miko? Ano bang ginawa ko sayo?" Wala sa katinoang saad ko. Nanikip ang dibdib ko ng malala ang mga masasayang araw namin.
Beeep beeep
Dali-dali kung kinuha ang cellphone ko. Baka si Miko to, at sabihin niyang joke lng ang lahat na to.
Nanghihinayang na binuksan ko ang isang mensahe. Ano pa ba ang aasahan ko? Dali-dali kong binasa ang mensahe ni SPO1 Dominggo.
"Ija alam ko na kung sino ang nakabangga sa mga magulang mo. Puntahan mo ako"
Dali-dali akong nagbihis. Sa wakas malalaman ko na ang kriminal na yun.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si kuya na matamlay na nakamasid sa bintana. This past few days, kuya is acting soo weird.
Nagpaalam ako sa kanya. Ngunit tango lng ang naisagot niya. Nanikip ang dibdib ko ng may makita akong mga luha sa mata niya.
Pagkalabas ko ay may nadatnan akong isang pulang kotse. Nagtatakang sinuri ko ito. Parang pamilyar ang kotse na to ah? San ko ba to nakita.
"Ya! Sayo ba tung kotse sa labas?"
"Yes be" Wow may kotse pala si kuya. Astig!
Pumara ako ng taxi. Kahit na may kotse na si kuya ay ayaw kung magpahatid sa kanya dahil alam ko may problema siyang dinadala.
Pagkarating ko sa prisinto ay nadatnan ko si SPO1 Dominggo na may sinusulat. Tumikhim ako bilang pagtawag ko ng pansin niya.
"Ija andito kana pala" Nakangiti niyang saad
"Sir, gusto ko ng malaman agad ang pangahas na pumatay sa mga magulang ko"
"Sige ija, pero umupo ka muna" Sinunod ko ang utos ni SPO1 Dominggo
"Si Miko Vilazquez ang nagmamay-ari ng kotseng nakabangga sa inyo" Parang bombang sumabog sa harapan ko ang mga nalaman ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Isa na namang katotohanan na masakit na ginawa ni Miko. Napahikbi ako. Hindi pa ba sapat ang panloloko niya. Kasi para sa akin sobra na eh. Ang sakit na. Tama na.
Bigla kung naalala ang kotseng nakita ko sa labas ng bahay. Hindi kaya-. Napailing-iling ako. Hindi, hindi pwedeng siya si kuya. Pero yung kotse sobrang pamilyar.
"Sir, may residence list po ba kayo rito? Pwede pahanap ang pangalang Vince Bayog-ang" Kinakabahan man ay kailangan kung malaman ang totoo. Dahil nagpanggap na si Miko bilang Lei. Malay ko ba kung nagpapanggap rin siyang si Kuya Vince.
"Wait" May tinipa si SPO1 sa kanyang laptop.
Ilang minuto akong naghintay.
"Sorry ija, pero walang Vince Bayog-ang ang nakalista rito""At kaano-ano mo siya?" Biglang tanong niya
"Kapatid po" Magalang kung sagot. Kapatid nga ba?
Napakunot ang noo niya.
"Teka ija, naguguluhan ako? Kapatid? Eh, nag-iisa kang anak ng magulang mo. Ikaw lng ang tagapagmana ng mga ari-arian niyo"Bigla akong kinabahan. No way! There's only one way to find out the truth. Ang tignan ang plate number ng kotse ni kuya. At tanungin siya kung bakit siya nagpanggap.
"Sir, how about Lei Vilazquez?"
"Lei Vilazquez? Teka, sa pagkakaalam ko ay patay na ang batang iyon. Mga tatlong taon rin ang nakalipas"
Confirmed!!! Pinahid ko ang luhang tumulo. Dali-dali akong umalis sa prisinto. Pumara ako ng taci at nagpahatid sa bahay.
Pagkadating ko sa bahay ay agad kung pinuntahan ang kotse ni kuya. Tinignan ko ang plate number niya. Laking gulat ko ng magkatugma ito sa plate number ni Miko. Isa lang ang ibig sabihin nito. Niloko ako ulit ni Miko at nagpanggap siyang kuya ko.
Humahangos na hinarap ko si kuya o Lei o Miko ba yan. Wala na akong pakialam.
"Paano mo to nagawa Miko!" Nanlilisik na matang saad ko
Nagulat siya sa sinabi ko."Alam mo na?"
Biglang tumulo ang luha ko. Soo tama nga. Siya nga si Miko.
Pakkk
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
" Miko naman eh! Ano pa ba ang mali? Ang kulang? Miko minahal kita bilang kaibigan,boyfriend at kapatid!! Miko ayoko ko na!!! Masakit na masyado ang mga ginagawa mo!" Basag na boses kung saad.
"Babe-" Bago pa siya makasalita ay inunahan ko na siya.
"Una, minahal bilang kaibigan. Naging crush kita bilang si Miko. Pangalawa, minahal kita bilang boyfriend. Ni isa ngang I Love You hindi ko narinig sayo. Pero niloko mo ako at pinaglaruan. Pinagpalit sa bestfriend ko! Pangatlo, minahal kita bilang kuya. Kahit sobra mong over protective mahal na mahal kita kuya. Pero anong pinalit mo? Nalaman ko nagpapanggap ka na kuya ko at ikaw ang nakapatay sa magulang ko. Paano, paano mo nagawang magpalit ng katauhan? Paano mo naiiba yang mukha mo? Bakit hindi ko napansin na iisa lang kayo ni Lei at Miko. Ano may pang-apat pa? Sabihin mo na ng handa ako!?" Basag na boses kung saad sa kanya. Napahikbi ako ng todo.
"Babe" Niyakap niya ako pero agad kung inalis yun.
"Hindi ko kailangan ng yakap mo!" Saad ko at agad pumunta sa kwarto ko.
Inimpake ko ang mga gamit ko. Ayaw ko ng makasama ang isang Miko Vilazquez sa iisang bahay.
Dala-dala ang mga bagahe ko ng makita ko si Miko na sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri at paikot-ikot na naglalakad.
Pagkababa ko ng hagdanan ay agad niya akong nakita. Agad siyang lumapit sa akin.
"Babe, sorry. Please forgive me" Naiiyak niyang saad. Masakit man makita siyang umiiyak ay mas masakit parin ang puso ko na nadurog ng ilang beses.
Tinignan ko siya ng malamig.
"Its too late to say sorry"Ang luha na pinipigilan niya ay piglang natulo. Gusto kung patahanin siya pero hindi muna ngayon.
Lumabas ako ng bahay. Lutang na tumawid ako sa kabilang kanto. Kailan pa kaya ako sasaya. Kailan ko pa kaya makikita ulit sila mama.
Beep Beeep
Napatingin ako sa sasakyan na papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"KATHERINE!" Rinig kung saad ni Miko.
Bogsh
Walang awang nasagasaan ako ng isang sasakyan. Huli na nung nakita ko ang sasakyang papalapit sa akin.
Nakahandusay sa sahig ang aking katawan. Napangiti ako ng mapait.
Soo this is it. This is the time to say goobye. Ito ang huling pagkakataon na marinig ko ang boses ng taong minahal at sinaktan ako.
Isang butil ng luha ang tumulo sa mata ko. "I love you Miko" bulong ko sa hangin.
At sa oras na wala ako ay magpatatag ka. Salamat at makakasama na ulit kita mama.
At sa oras na rin to mismo napatunayan kung "IT'S REALLY HARD TO LOVE THE PLAYBOY" Dahil sa oras na mahalin mo sila ay double at triple ang sakit na dala nila.
The End
____________________________________Ayan tapos na...... Huhuhuhu
Katherine bakit?😢😢😢End na ng chapter. Next Epilogue..... Babye Mikorine love team fans... Teka, may nagbabasa ba talaga nito?
BINABASA MO ANG
Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)
RomanceLove? They ruined everything. Trust? It was meant to be ruin. I'm Katherine Bayog-ang, Ang babaeng tanga na umibig sa isang Playboy. Isang babaeng tanga na hanagad ang kaligayahan niya. Ngunit kung ang hangad niya ay pasakitan ka? Kaya mo ba itong i...