Epilogue

9 4 0
                                    

Miko Pov

Isang taon na ang nakalipas. Isang taon ang pagdudusang sinapit ko. Ito na ba yung ganti ng tadhana sa makasalanang tao tulad ko.

Papalapit na ako sa puntod ng isa sa pinaka-importanteng babae sa buhay ko.

Binasa ko sa bato ang mga katagang nakasulat rito.

Born: August 18, ****
Died: August  18, ****

Name: Katherine Bayog-ang

Napangiti ako ng mapait. Sa masakit na mga karanasan natin ay hindi ko man lng naalala ang birthday mo.

Katherine? Bakit mo ako iniwan? Ni hindi mo ako hinayaang mag-explain sayo.

"Kath alam mo ba na hindi ko intensiyon na hiwalayan ka? Alam mo ba kaya ko lng nagawa yun ay dahil sa sobrang selos ko nang makita kung naghalikan kayo ni Albert sa harap ng Janna' Pizza. Alam mo ba na, hindi ko kasintahan si Mika kundi kapatid ko siya. Alam mo ba ang pagsakripisyo ko para lang mabuhay kita. Kapalit ng pag-alaga ko sayo ang mga ari-arian ko at mga kayamanan ko. Para lahat yun sayo Katherine. Ginawa ko yun hindi dahil kabayaran yun sa buhay ng magulang mo. Kundi dahil minahal kita noon pa. Hindi ko lng naman masabi ang I love you dahil hindi ako yung isang uri ng tao na sa salita nagpapakita ng pagmamahal. Kath hindi mo ba naramdaman ang pagmamahal ko? Katherine!!" Napahikbi ako. Wal na akong pakialam kung magmumukha akong bakla.

"Katherine...." Paulit-ulit kong sinasambit ang pangalan niya.

"Kuya? Tama na yan. Isang taon na ang nakakalipas, magmove-on ka na" Mahinahon na saad ni Mika

"Pre, yung pinapahanap mo"
Napatingin ako kay Albert. May inapot siyang kwentas na may pendant na infinite.

Nanlumo ako sa nakita. Ang friendship sign namin. Ako at si Albert ay mayroon nito. Sa likod ng pendant ay may nakalagay na. For my Katherine. Napahagulhol ulit ako. Napakalaking kawalan sa akin si Katherine. This is all my fault.

"Beb naman eh" Ganito talaga ang tawag ni Mika sa akin kapag may tao.

"Iwanan niyo muna ako" Malungkot kung saad.

Hinimas-himas ko ang pendant.
"Katherine isang beses ko lng to sasabihin. I LOVE YOU KATHERINE! Sorry kung hindi ko sinabi sayo. Kasi Katherine, noong hindi pa ako nagpapanggap bilang kuya mo at si Lei ay minahal na kita. Salamat sa maikling panahon ng pagsasama natin." Pinahid ko ang mga luhang tumutulo.

Bukas na lng ulit mahal ko.

**********

Pagpasok ko sa bahay namin noon ni Katherine ay mga alaala niya agad ang pumasok sa utak ko.

"Oh kuya, ano pa ang ginagawa mo? Kain ka na!"

Napakurap ako. Si Katherine? Buhay si Katherine?

Dahan-dahan akong umupo. "Kath ikaw ba yan?"

"Naku kuya, kung ayaw mo yang kainin. Ibibigay ko na lng yan kay Albert" Napangiti ako. Siya nga. Hindi ko mapigilang lumapit sa kanya. Sa bawat paglapit ko ay dahan-dahan din siyang nawawala. Napangiti ako ng mapait. Imahinasyon na namam. Araw-araw na lng ganito. Aabugin ko na sana Ang kamay niya ng mawala na siya ng tuluyan. Napasuklay ako sa sarili kung buhok gamit ang daliri ko. Frustrated akong pumunta sa kwarto ko. Ngunit bago pa yun ay nakita ko ang kwarto ni Katherine. Napaluha ako. Hindi ko na kaya to. Pumunta ako sa rooftop ng bahay namin. Pumatong ako sa railings nito. Magpapakamatay na lng ako. Susundan ko na si Katherine.

"Katherine!! Mahal na mahal kita. Sorry sa nagawa ko." Saad ko at hinalikan ang kwentas niya. Tinago ko sa bulsa yun. At tumalon. Alam kung kasalanan to sa panginoon, kaya't ngayon ay humihingi na ako ng tawad sa kanya.

Bogsh!

Masakit na lapag Ang sumalong sa akin.

"Miko!!!" Sigaw ni Mika
Akala ko umuwi na siya. Lumapit siya at dumukwang.

"Ang unfair mo, bakit pati ikaw iiwan ako?" Basag na boses niyang saad

Pinahid ko ang luha sa kanyang pisngi. Sana nagawa ko rin to kay Katherine noon. "So-sorry beb. Ma-masakit na masyado eh"

Napahagulhol siya ng iyak. Maya-maya may mga police na lumapit sa amin. Dinala nila ako sa ambulansya. Hindi ko na masyado maintindihan ang mga sinasabi nila.

Pagkarating sa ospital ay nanlalabo na ang mga mata ko. Sumsakit ang ulo ko. Di ko alam kung bakit pero, sa sobrang sakit nito ay nawawalan na ako ng pandinig. Hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

*******

"Ok naman ang pasyente. Wala naman siyang galos at nabaling parte ng katawan niya. Hindi rin tumama ang ulo niya. Ngunit ang pinagtataka ko kung bakit siya nawalan ng malay"

Napakunot ang noo ko. Nilibot ko ang kabuuan ng kwartong nakapaligid sa akin.

May nakita akong tatlong tao.Ang  isa nakaputi na parang weird na may gamit na nakasabit sa leeg niya. Ang isa ri'y babaeng maganda. Para siyang batang babae na naagawan ng candy sa itsura niya. Napatingin ako sa lalaking katabi ko na natutulog. Napakunot ang noo ko. Sino ang mga taong to?

"Sino kayo?" Nagtataka kung tanong.

Naalimpungatan ang lalaking katabi ko. Habang Ang babae ay napatingin sa akin.

"Beb/ Miko" Sabay na saad ng babae at lalaki.

"Miko? Ako ba yun?"

Nagulat ang lalaking katabi ko at ang lalaking nakaputi. Napahagulhol naman ang babae.

"Doc, anong nangyayari sa kanya?" Basag na boses na tanong ng babae. Nasasaktan ako na makita siyang umiiyak. Bakit?

Hindi nakapagsalita ang doc na
tinawag ng babaeng maganda. At napatingin sa akin na parang nag-iisip.
"That explains everything. Kaya siya nawalan ng malay dahil pinilit mg utak niya na kalimutan ang lahat ng masasakit na bagay na nangyari sa kanya. Kaya rin siya nagkaroon ng amnesia. Minsan kasi hindi natin alam na ang katawan na natin mismo gumagawa ng paraan para makaalis sa masakit pangyayari. As you mentioned kanina na iniwan siya ng pinakamamahal niya kaya't niya nagawa ang pagpapakamatay"

"Kailan po mababalik ang alaala niya?" Tanong nung babae

Napabuntong hininga siya. " Alam mo ija, hindi ko rin alam. Pero mabuti ng hindi na niya maalala ang lahat dahil baka hindi lng pagtalon sa bubong ang gagawin niya" Natatawang bulong ng doctor sa babae.

Napakunot ang noo ko. Pinakamamahal? Sino? At ano yung binulong ng doctor sa magandang dilag?
"Uhmmm excuse me? Siya ba yung tinutukoy mo doc na pinakamamahal ko?" Sabi ko sabay turo sa babae na kaharap ng doctor.

"Uhmmm..... Maiwan ko na kayo" Saad ng doctor. Iniiwasan ba ako ng doctor

Lumapit ang babae sa akin. "Oo, ako yung pinakamamahal mo beb."

"Magpagaling ka pre" Sabat ng lalaki at umalis sa silid.

"Beb? Yun ba ang tawagan natin?"

Tumango siya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Hindi na kita iiwan, promise me na hindi mo na ulit yun gagawin?"

Napatango ako. Hindi ko man alam kung bakit ang gaan mg loob ko sa kanya ay lubod kung tinatanggap na kasintahan ko nga siya.Ngunit isa lang ang pinagtataka ko. Bakit hindi tumutibok ang puso ko kapag kasama ko siya. Bakit parang ang turing ko lng sa kanya ay kapatid? May mali ba sa akin? Napabuntong hininga ako. Isa lng ang dapat laman ng isip ko. Hindi ko na ulit hahayaan na mapalayo at iiyak ang babaeng kayakap ko. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Kahit na kasiyahan ko ang makasalalay.

____________________________________

Epilogue done!!!! Hayyyyy..... Inangkin na ni Mika si Miko... Ayon na finish na....  Wala na, ay teka... Bitin ba?

Hahahahahaha

Sa typos po at wrong grammar. Sorry po ha. Kasi hindi ko pa na-edit ito. Nagmamadali po kasi ako. Sorry po talaga.
- van

Her Dying Heart (Ongoing, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon