Kabanata I

6.7K 87 6
                                        

"Shot!" Sigaw ng kaibigan ko sa akin. Nandito kami ngayon sa isang bar. Masyadong maingay. Maraming ibat ibang kulay ng mga ilaw sa paligid.

Agad ko namang kinuha ang shot glass na may nakalagay na alak at diretsong ininom iyon. Gumuhit ang mapait na lasa ng alak sa lalamunan ko pababa.

"Woooooooh!"

"Party, party!!"

Naglakad na ako papuntang dance stage para makigulo sa mga dagat ng tao. Hindi na ako nagulat nang may humapit saking lalaki habang tumatalon.

"Babe, kaya mo pa?" Nakangisi nyang tanong sakin habang tumatalon talon at nakikisabay sa nakakabinging lakas ng tugtog sa bar.

Lango sa alak akong tumango pa rin sa kanya.

"Condo tayo?" Aya nya sakin.

Tumango nalang ako sa kanya at nagpatinaod sa paghila nya sakin papaalis sa dagat ng mga tao.

Sumakay kami sa sasakyan nyang kulay pilak. Disenyo palang nito ay halatang humihiyaw na ang milyong milyong pera na ginastos dito.

Pinaharurot nya ito sa kahabaan ng diretsong highway hanggang makarating kami sa isang exclusive na condominium.

Pagkalabas pa lang ng elevator ay hinalikan nya agad ako. Mukhang hindi na sya makakapagpigil. Hindi alintana ang mga CCTV na nanonood sa kapangahasang ginagawa nya sakin.

Ako si Victoria Garcia, isang babaeng party girl. Nakikipagsabayan sa pagiging liberated ng ibang bansa. Hindi mahalaga kung kanino mapupunta ang pagkabirhen ko.

Basta. Bahala na ngayon, bukas at sa mga susunod na araw. Basta, masaya ako.

Magkaibang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon