"Wag Kang lalayas na bata ka ha? Mamamalengke lang ako. Wag mong iwan ang bahay at baka manakawan tayo. Baka mamaya ay lumayas ka na naman ng hindi ko alam." Habilin sakin ni Lola.
"Oo na po, Lola. Bilisan nyo na po. Wala naman po akong pupuntahan ngayon." Sabi ko.
Lumabas na sya ng gate namin. Ako naman ay pumasok na sa loob para manood ng TV.
Aminin ko man o hindi, ang tulad kong party girl ay nanonood ng Oggy and the cockroaches. Hahahahahaha.
Nasa gitna ako ng panonood nang mag ring na naman ang antigong telepono ni Lola. Maigi nalang gumagana pa ito? Mukhang mas matanda pa ito kay Lola e.
"Hello?" Sagot ko dito.
"Binibini, pasensya na kung nasigawan kita kahapon. Naninibugho lamang ako. Baka nagtataksil kana sakin."
Nagtayuan ang balahibo ko. Holysh*t sya na naman!
"Sana maintindihan mo, Binibini. Hindi ko balak na masigawan at masaktan ka." Pagpapatuloy pa nya.
"Okay lang yun. Hehe." Nasabi ko nalang.
"O-key? Ano yun, mahal ko? Mukhang marami kanang natututunang ibang lengwahe."
Kinilabutan ako nang tawagin nya akong mahal. Shit. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?
"Mahal, nandyan ka pa ba? Ikaw ba ay nagtatampo pa din sa akin?" Sabi nya.
"Ah.. Ehh.."
"Binibini, maaari ka bang maaanyayahang mamasyal bukas ng hapon? Gusto ko lamang na humingi ng tawad sayo at bumawi rin."
"S-saan ba?" Tanong ko.
"Sa bagumbayan, ika ala una ng hapon. Iintayin na lamang kita roon, at baka mahuli pa tayo ng iyong ama. Hahaha."
Syet. Totoo? Tumawa sya? Syet, nakakakilig. Pati tawa nya, ang gwapo.
"Bagumbayan? Saan iyon, Ginoo?" Sinabayan ko na rin ang paggamit ng purong Tagalog.
"Hah? Nakalimutan mo na ba, Binibini? Nakakasakit naman ng damdamin. Nakalimutan mo na ba kung saan tayo unang nagkita?" Nagtatampong sabi nya.
"Pasensya na, Mahal ko." Gusto kong matawa sa tawag ko sa kanya. "Marami kasi akong iniisip ngayon."
"O sige. Magkita na lang tayo doon. Mahal na mahal kita." Sabi nya at pinatay na ang tawag.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang huling katagang sinabi nya. Bakit nagkakaganito ang puso ko?
Saka, seryoso ba sya? Hindi nya nga ako kilala tas makikipagkita sya?
Ay syet, bobo ko. Ang alam nya pala ay jowa nya ako.
Pero deep inside, parang naaexcite akong pumunta bukas.
Hmmm.. Totoo kaya syang tao? Ay malamang... Ano kaya ang itsura nya?
Saan nga pala ang bagumbayan?
•••
"Lola, aalis po ako bukas ng ala una ha?" Paalam ko Kay Lola habang naghahapunan kami.
"Saan ka pupunta?" Usisa nya.
"Hmmm.. Lola, alam mo po ba kung saan ang bagumbayan?" Tanong ko.
"Bagumbayan? Ang alam ko ay Luneta Park na iyon."
"Ahh.." Naiusal ko nalang.
"Bakit? Balak mo bang pumunta roon?" Tanong ni Lola.
"Opo, sana."
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Historia CortaDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...