Naeexcite na akong dumating ang araw ng linggo. Napag usapan naming magkita sa Plaza Santo Tomas.
Siguro doon yon sa may UST. Yon lang ang alam kong Santo Tomas e.
Mag iingat akong hindi makita ni Dad. Baka I extend pa ako sa probinsya.
Pake mo ba kung pupunta ako sa St. Tomas, para lang sa kanya? Curiousity kills the cat!
Tuwing hapon ay palagi syang tumatawag. Which is good, dahil lagi din namang wala si Lola. Baka kung ano ang isipin non. Si Daniel? Hindi man lang ako kamustahin, walang girlfriend ha? Pero okay lang, nag eenjoy naman ako sa pag uusap namin ni Danilo.
"Malapit na ang Pebrero, mahal. Wala ka pa bang naiisip na plano?" Tanong nya sakin sa kabilang linya.
"Ano naman ang paplanuhin ko, Ginoo?" Nagtataka kong tanong.
"O sige na nga, doon kana kay Samuel! Mukhang mas gusto mo naman yata don. Mas gusto mo yatang ikasal don. Hindi mo man lang ako ipaglalaban." Nagtatampong saad nya.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong clue sa mga pinagsasasabi nya. Kaya nakikiride nalang ako.
"Mahal ko, hindi naman sa ganon.." Natatawa kong saad dahil sa reaksyon nya kanina. Childish.
"Malapit na ang pilit nyong kasal diba? Kasi ako naman ang mahal mo. Wala ka man lang gagawin upang hindi matuloy ang kasal?" Ano kaya ang itsura nya ngayon. Mukhang sagad kasi ang pagseselos.
Umisip naman ako ng palusot. "Wala pa akong naiisip e. Pinag iisipan ko pang maigi e."
"Siguraduhin mo lang na sa akin ka uuwi ha?"
"Oo naman Ginoo," paninigurado ko sa kanya.
Napahaba ang usapan namin at marami akong nalaman tungkol sa kanya.
"Ginoo, ano nga ba ulit ang dahilan kung bakit ayaw sayo ni ama at ina?" Pasimple Kong tanong.
"Syempre, sobrang kisig ko. Baka iniisip nila na baka iwan kita." Natatawa nyang tanong.
O-okay.. Nandyan na naman ang pagiging mayabang nya.
"Pero syempre, Biro lang yon mahal ko. Baka kasi iniisip nila na sobrang sama ng ugali ko, arogante at mayabang. Alam ko namang alam mo ang totoo diba binibini? Ikaw pa lang ang nakakapabago sakin ng ganito." Mahabang paliwanag nya.
So.. Nagbago talaga sya para sa taong mahal nya. Ang saya naman. At the same time, nakakakilig.
"Binibini, hindi ka man kagandahan pero ikaw naman ang nagpapaganda ng Mundo ko." Banat nya. Tsk.
"Tse! Edi sinabi mo ring pangit ako ha?" Sungit ko sa kanya.
"Hmmm.. Parang ganon na nga. Biro lang, hahahahahaha."
"Kung pangit ako, mayabang ka naman." Ganti ko sa kanya. Half meant yon. Hahaha
"Mahal mo naman." Asar nito sakin.
•••••••••••
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Cerita PendekDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...