Nakasakay ako ng bus papuntang Luneta Park. Medyo maaga akong umalis ng bahay para saktong ala una ay nandun na ako.
"Luneta!! Luneta!!" Sigaw ng konduktor ng bus kaya agad naman akong bumaba.
Ngayon ay naiisip ko na kung ano ang mangyayari kung sakali magkita kami.
Palakad lakad at palingon lingon ako sa Parke. Ano kayang itsura nya.
Naupo muna ako sa ilalim ng puno, sa pinakagilid non. May cellphone kaya sya? Para naman maitext ko sya na nandito na ako. Kaso sa antigong telepono ni Lola kami nagkakilala at yun lamang ang communication namin.
Nilibang ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng fruit ninja sa cellphone ko. Kill time. In-alarm ko din ang cellphone ko pasadong ala una para mag alam ako ng oras.
•••
*ring ring..
Pinatay ko na ang alarm. Pasado ala una na. Nasaan na kaya sya?
Para akong agila na sinusuyod na maigi ang Luneta Park. Hays. Saan ko naman kaya sya hahanapin??
Sana nalang talaga lumapit nalang sya sa kin. Pwede naman, tas tanungin nya. Ganon.
Kapag alas dos na, aalis na ako. Hays.
30 minutes ago..
Nasaan na syaaaa???! Wag nga syang feeling importante. Rawr!
15 minutes ago..
Raaaawwwrrr!! Nasaan na sya? Feeling gwapo para intayin? Gosh.
Baka tinotalkshit ako non??
Napagpasyahan kong tumayo na at libutin ang parke. Kapag di ko sya nakita, diretso punta na akong bus. Tss..
•••
Mag aalas kwatro na ng dumating ako ng Quezon province. Nakakainis! Sayang pamasahe!
Padabog akong pumasok sa gate namin.
"Lola! Lola!!" Sigaw ko pagpasok ko ng bahay.
...
"Lola??" Tawag ko ulit. "Mukhang wala na naman sya." Sabi ko sa sarili ko at tinapon ang sarili sa sofa.
Inabot ko ang remote at binuksan ko nalang ang TV.
*ring ring
Panigurado akong sya na naman yan. Ganitong oras din yan tumawag kahapon at nung isang araw.
"Magandang hapon, Binibini." Bati nya sakin.
"Anong maganda sa hapon kung di ka naman sumipot?" Singhal ko sa kanya.
"Yan nga ang tinawag ko, Binibini. Ikaw itong hindi sumipot sa pinagkasunduan natin."
"Ako? Ako pa talaga? Halos malibot ko na ang Parke mahanap ka lang?"
"Talaga? Eh ako nga lang mag isa sa tapat ng bagumbayan e." Sabi nya. "Tiniis ko yung mga tinging hinuhubaran ako sa isip ng mga kababaihang naroroon makita ka lang."
"Ang hangin mo rin pala no?" Singhal ko.
"Nagsasabi lang ako ng Totoo, binibini. Alam mo naman sigurong napakakisig ng iyong kasintahan. Kaya wag mo na akong pakawalan ha? Marami ang nagnanasa sakin."
Naparoll eyes ako. Grabe! Mayabang din pala to. Tss.
"Nasaan ka nga pala kanina, Binibini? Nilibot ko rin ang bagumbayan para makita ka lang. Nilibot ko iyon kahit na malansa sa Amoy dahil sa mga natuyong dugo." Sabi nya.
N-natuyong dugo??
"Anong ibig mong sabihin? Wala naman akong nakita na dugo doon?" Ang linis linis kaya ng Luneta Park kanina.
"Nakalimutan mo na ba, binibini? Doon pinapatay ang mga taong lumalabag sa batas at nahahatulan?"
Naibagsak ko ang receiver ng telepono. Anong sinasabi nya?? P-pinapatay?
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Короткий рассказDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...