Ewan ko kung bakit parang inaabangan ko ang pagtawag ni Danilo nitong mga nagdaang araw. Nakakalibang kasi syang kausap. Nakakakilig. Minsan nakakainis dahil sa pagseself proclaim nya. Minsan nakakatawa kasi hindi sya nauubusan ng jokes.
Umaga pa man lang at tuwing hapon yon tumatawag. Kaya naman inabala ko muna ang sarili ko sa paglilinis ng kwarto ko. Matagal tagal ko na din tong hindi nalilinisan, busy sa night clubs e. Minsan si Lola pa ang naglilinis, nakakahiya.
Kasalukuyan kong pinupunasan ang mga cabinet na di ko naman okupado, pero nasa kwarto. Hindi naman kasi madami ang gamit ko kaya hindi naooccupy. Pagbukas ko ng isang kaha ng cabinet ay tumambad sakin ang isang picture frame.
Hmmmm... Mukhang ilang taon na rin tong picture frame na ito. Mukhang mas matanda pa nga kay Lola dahil black and white pa ito, marami na ring gasgas ang picture pero medyo malinaw pa din.
May isang babae at isang lalaki sa picture. Mukhang magkasintahan. Naka baro't saya at barong Tagalog pa ang dalawa.
Pinakatingnan ko ang mukha ng dalawa. And I suddenly realize na kamukha ko yung babae. How come?
Yung lalaki naman is sobrang gwapo. Mangangarap ka na lang ng Ginoo kesa Oppa. Halata din sa barong nya ang hubog ng katawan nya. Matangos ang ilong, maninipis na labi, halos singkit na mata at makapal ang kilay. Sino kaya ang dalawang ito?
Dahan dahan kong tinanggal ang litrato sa frame dahil nakadikit na ito sa salamin. Baka dumikit na ang print sa salamin.
Hindi ko makakalimutan ang araw na ito, mahal ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Hmmm.. Ito lang yung nakasulat sa likod ng picture. Sino kaya itong dalawang ito?
"HIJAAAA!!" Tawag ni Lola mula sa baba kaya naman tumalima ako.
"Bakit po yun, La?" Tanong ko.
"Aalis ako ngayon. Magzuzumba kasi kami ng mga kumare ko. Nagluto na ako ng pagkain mo. Ikaw na bahala dito ha?" Sabi nya at lumabas ng bahay.
Nawala tuloy yung gana kong maglinis. Si Lola naman kasi, pwede namang sumigaw nalang kung magpapaalam. Kaya naman nagsandok nalang ako ng makakain at humilata sa sofa habang nanonood ng tv.
*ring ring ring
Sino kaya ito? Hindi naman ganito kaaga tumawag si Danilo e.
"Hello?" Sabi ko nang inaangat ko ang receiver.
"Magandang umaga, Binibini!!" Bati nya sakin. Unexpected.. Gosh.
Kumabog naman ang dibdib ko. Kulang nalang ay lumabas na sa ribcage ko. Yeah, I can't help, but I'm falling in love with this man.
"Magandang umaga din." Nakangiti Kong bati. Gosh, he never failed me to smile like this.
"Ipininta nga pala kita. Gusto mo bang makita?" Tanong nya.
"Talaga??!" Di ako makapaniwala.
Napaisip ako. Ano kaya ang hitsura ko dun? Kamukha ko kaya yon? Ako nga, di ko pa sya nakikita e.
"Antayin mo ko sa parkeng malapit sa inyo. Mamayang hapon." Sabi nya.
"Sige ginoo!" Masayang sabi ko.
Nabuhay ang loob ko. Makikita ko na kaya sya? Ahihihihi..
••••
Pinalipas ko nalang ang oras sa paglilinis ng bahay. Excite na excite akong makita na sya.
Nagbabad pa ako sa bathtub habang naliligo pero nagbihis ako ng simple. Nagpulbo lang ako ng konti at naglagay ng konting liptint na pink bago umalis.
Simple lang ang sinuot ko. Isang twinkle dress at white shoes. Syempre, kailangang presentable ako no?
Maigi nalang solo ko ang mini park na malapit samin. Walang mga tao. Umupo nalang ako sa swing at naglaro ng mobile games.
Hindi ko mapigilang mapaisip. Ano kaya ang itsura nya? Ano kaya ang suot nya? Gwapo kaya sya? Matalino? Mabait?
Tsaka.. Ano kaya ang itsura ko sa canvas nya?
Hindi naman ako nabagot kasi may dumating na mga batang maglalaro. Ang iba ay pumunta sa mga swing. Ang iba naman ay naglaro ng buhangin sa sand box. Yung iba naman ay naghahabulan.
Hmmmm.. Nasaan na kaya si Danilo?
Napatingin ako sa wrist watch ko, mag aalas tres na naman. Naalala ko tuloy ulit yong hindi nya ako sinipot sa Luneta Park. Tatalkshitin na naman kaya nya ako?
Napalingon lingon ako sa Parke. Bakasakaling may makita akong kaedadan ko, at baka si Danilo na yon. Kaso wala.
~*~
Kakauwi ko lang at saktong nagring ang antigong telepono ni Lola. Napairap ako sa hangin bago inangat ang receiver.
"Hello?" Walang gana kong bati. Nakakabadtrip. Ilang beses na kami dapat magkikita Kaso wala.
"Magandang hapon, binibini." Bati ni Danilo sa kabilang linya.
Naasar naman ako sa imagination ko. Naimagine ko kasing nakangisi si Danilo sa kabilang linya dahil sa sigla at 'mukhang nang aasar' nitong tono. Napairap na naman ako sa hangin.
"Pumunta ka ba, binibini?" Nagbago ang tono nito. Naging malungkot ang boses nito.
"Alam mo, kung pinaglalaruan at pinapaasa mo lang ako.. Tigilan mo ko at hindi nakakatuwa." Nagpipigil kong galit na saad.
"Hindi kita pinaglalaruan, binibini. Tumungo ako don pagkatapos ng tanghalian. Katunayan ay kauuwi ko lang dahil sa paghihintay sa wala."
"Sus. Maghanap ka ng ibang babaeng maniniwala sa mga sinasabi mo. Wag ako!"
"Totoo ang sinasabi ko, binibini."
"Alam mo? Kung ganito lang din ang relasyon natin, mas maigi pang maghiwalay nalang tayo." Sabi ko.
Alam kong pinagtitripan ko lang sya sa totoong buhay pero syempre, pagdating sa kanya, may relasyon kami.
"H-ha? U-uyy, Victoria mahal ko, hindi ba't nagbibiro ka lang? W-wag namang ganito oh?" Mukhang natatakot na sya sa sinabi ko.
"Pero kung patuloy mo akong lolokohin ay hindi ako magdadalawang isip na putulin ang namamagitan sa atin." Matigas na saad ko.
"Sabi ko naman sayo, Victoria.. Na hindi kita niloloko." Paliwanag pa nya.
"Maghanap ka ng kausap mo!" Sigaw ko sa telepono at padabog na ibinaba ito.
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Storie breviDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...