Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama ni Daniel, ang pang pito kong boyfriend. Nagkagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
"Hoy babae, umalis kana." Sabi nya sakin.
"Wow, Daniel ha? Parang wala lang ako sayo." Irap ko sa kanya.
"Sorry na agad." Niyakap nya ako mula sa likod. "Bumangon kana, at kanina ka pa hinahanap ni Jenny. Tss."
"Cook something for me, please? Gosh, pagod na pagod ako kagabi e." Pa cute ko sa kanya.
"Alright." Sabi nya at hinalikan muna ako sa noo bago lumabas ng kwarto.
Nag istay muna ako sa kama para paalisin ang sakit ng katawang dulot ng nangyari kagabi. I'm dizzy.. And sore at the same time.
Kumalam na ang sikmura ko dahil sa gutom. Kaya pinilit kong pumunta ng CR kahit na masakit ang katawan ko para lang maayos ang sarili bago humarap man lang sa pagkain.
"Kailan ang sunod na ano natin?" Tanong sakin ni Daniel kaya muntik ko nang ibuga sa kanya ang kinakain kong fried rice.
"Daniel, sunod agad? Kumakain pa ako o? Makakapag antay yata naman ang tanong mo?" Irap ko sa kanya.
"Psh. Sungit mo." Sabi nya sakin at umalis sa hapag kainan. Wow.
•••
Hinatid nya ako sa bahay. Btw, sa Lola ko nga pala ako nakatira. Imbes kasing I grounded ako ni Dad sa kwarto ko sa Mansion namin sa Manila, pinadala nya ako sa Lola ko sa probinsya ng Quezon.
Yun nga lang, hindi alam ni dad na pwede pa akong mag bar dito sa probinsya dahil sa hindi rin naman nangengealam si Lola sa pinaggagagawa ko.
Simple lang ang bahay ng Lola ko. 2nd floor na mukhang luma na din dahil sa tagal ng panahon. Mukhang itinayo pa ito noong panahon pa ng kastila at dinaanan n rin ng ilang bagyo.
"La? Lolaaa?? Nasaan ka? Nandito na ho akooo!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.
"Saan ka galing hija? Umalis ka pala kagabi ng hindi ko nalalaman." Sabi nya. Nagbuburda sya ngayon.
"Ahh.. Ehh.." Hindi na ako nakasagot. "Basta, Lola. Sige na, magpapahinga na po ako sa kwarto ko." Sabi ko. Hinalikan ko muna sya sa pisngi bago tumungo sa kwarto kong nasa ikalawang palapag.
•••
"Ipaglalaban kita, Binibini. Hayaan mong makasama kita." Sabi ng isang lalaking nakahawak sa kamay ko.
Sobrang gwapo nyang lalaki. Nakasuot pa sya ng kayumangging tuxedo na sumisimbolo na mayaman sya.
*ring ring ring!
*ring ring ring!
Woooooohhh!! Napabangon ako sa kamang hinihigaan ko.
Ano ang panaginip na iyon? Bakit mukhang panahon ng kastila ang panaginip na iyon? Sino ang gwapong lalaking iyon?
Nagkagising ako sa tunog makaluma ng telepono ni Lola. Mula pa ito sa ibaba pero rinig na rinig ko.
Napatingin ako sa bintana ko. Mag aalas kwatro na pala ng hapon.
Naiinis akong bumaba ng kwarto ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung nagigising ako kapag masarap na ang tulog ko.
"Lola? Lola??" Sigaw ko habang bumababa ng hagdan.
Walang sumasagot..
"Lolaaaaaa?? Ang telepono, lolaaaaa!!"
Wala pa rin. Saan kaya sya pumunta?
No choice akong sagutin nalang ang tawag tutal ay nagising na rin ako. Bwisit.
"Hello?!" Galit kong bungad sa kung sino mang hudas na tumawag ngayon.
"He-lo? Ano yun binibini?" Sagot ng isang lalaking malamig ang boses. Syet, nakakapanghina.
Nakakatawa din ang language nyang gamit. Seriously? Purong Tagalog?
"Hello? Hindi mo ba alam iyon? Duh?" Pagtataray ko.
"Mukhang nababaliw ka na naman, Binibini. Ang sakit sa loob na nakalimutan mo agad ang taong mahal na mahal mo."
Napakunot ako ng noo. Sino to? Si Daniel? Si Daniel lang naman ang mahal ko e.
"D-daniel? Is that you?" Tanong ko.
"Hmm.. Saan ka natutong mag Ingles, mahal ko? Ang alam ko ay hindi iyon itinuturo ng mga kastila. At isa pa, sinong Daniel? Pinagtataksilan mo na ba ako, mahal ko?"
K-kastila??
"Nakakasakit ka ng damdamin, mahal ko. Sinong Daniel?! Danilo ang pangalan ko!" Pagalit na sigaw ng lalaking Danilo pala ang pangalan.
"Pasensya kana, mister. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bye!" Sabi ko at binaba ang receiver ng telepono.
Kastila? Tsaka bakit sya ganon magsalita? Nakakatawa. Mukha syang napag iwanan ng panahon.
•••
Naghahapunan na kami ni Lola. Kaming dalawa lang sa bahay kaya tunog ng kutsra at tinidor lang ang maririnig.
"La, may tumawag pala kanina. Hmmm.. May boyfriend ka siguro no?" Tanong ko. Binasag ko na ang nakakabinging katahimikan.
"Boypren, boypren. Wala akong ganon at ako'y matanda na hija. Kahit na wala na ang lolo mo ay tapat pa rin ako sa kanya."
Wow. Sanaol.
"Weh?" Asar ko Kay Lola.
"Bakit? Ano bang sabi ng tumawag?" Usisa nya.
"Basta, tinatawag nya akong Binibini. Hahahaha. Akala ko nga si Daniel lang po kasi nakalimutan ko daw agad ang pangalan ng mahal na mahal ko e si Daniel lang naman yon. Tas nagalit, kesyo nagtataksil daw ako. Danilo daw kasi ang pangalan nya. Tas baka daw nababaliw ako kasi nag e English ako."
"Hmmm.. Hayaan mo na yun hija. Baka namali lang ang numerong tinawagan."
"Pero wala ka talagang boyfriend, la?" Nang aasar kong tanong.
"Wala nga. Ang tanda tanda ko nang bata ka. Tse!" Sinungitan na ako ni Lola.
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Cerita PendekDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...