Natuyong dugo?
Simula nang sabihin nya yon at hindi na ako mapakali. Kahit nga pagtulog ko, hindi maayos.
Anong natuyong dugo? Pinapatay ang mga nahahatulang tao? Ano ang pinagsasasabi nya?
Ang Luneta Park? Naging lugar kung saan dumadanak ang dugo? I can't imagine it.
At kailan pa? Walang bakas na nagsasabing may pinatay na sa Luneta. Psycho ba yung kausap ko? Baliw?
Napag isipan ko nalang na mag make up. Well, yeah. Ito ang ginagawa kong hobby kapag bored. Kailangan kong makatuklas ng bagong color ng eyeshadows na babagay sakin. Kasawa na ang nudes.
As usual, laging wala si Lola tuwing hapon. Sumasama pala sa pagdadasal sa mga Santo. Solo ko na naman itong antigong bahay nya.
Kasalukuyan akong nagmimix ng mga iba't ibang kulay ng eye shadows nang magring na naman ang antigong telepono sa ibaba.
"Magandang hapon." Bati ko sa tumawag.
"Victoria Binibini, bakit mo ko binabaan kahapon? Ikaw ba ay galit pa rin sakin dahil hindi tayo nagkita sa bagumbayan tulad ng pinag usapan?" Tanong nya.
"H-ha?"
"Ikaw ba ay may dinaramdam? May sakit?"
"Ahh.. Wala. Wag kang mag alala."
Sabi ko para mapanatag naman ang loob nya."Ano ang kasalukuyang ginagawa mo, binibini?" Pangungumusta nya.
"Nag mamake up."
"Meyk-ap? Ano iyon binibini? Mukhang marami kana talagang natututunang iba't ibang lenggwahe."
"Hehe, ang ibig kong sabihin, nagpapaganda ako. Hehe." Palusot ko sa kanya.
"Hmmm.. Mukhang may pinagagandahan kang iba ha?" Medyo nag tatampong saad nya.
Bakit nagtatampo sya? At bakit mukhang naaawa ako sa kanya e hindi ko naman sya kilala?
"Hindi ah. Alam mo namang ikaw lang ang papagandahan ko." Nasusuka ako sa mga sinabi ko. Like srsly? Korni.
Narinig ko ang pagngisi nya sa kabilang linya.
"Aasahan ko yan, mahal ko. Sayo ko nakikita ang kinabukasan ko." Syet. Korni nya.
Kumabog naman ang puso ko nang todo. Ano ba itong nararamdaman ko? Sa telepono ko lang naman sya nakilala. Hindi ko nga sya kilala. Maging ang mukha nya ay hindi ko alam.
"Alam kong komplikado ang relasyon natin dahil sa ama mong strikto. Pero hindi ko hahayaang ipakasal ka nya kay Samuel." Wtf? Sino tong Samuel? "Alam kong hindi mo rin naman iyon hahayaan binibini diba? Tiwala akong ako ang mahal mo."
Hindi ko alam ang sasagot ko sa kanya. Eh Di ko naman alam ang pinagsasasabi nya e. Paano ako magrereact?
"Oo naman mahal ko. Makakaasa ka. Ikaw ang pipiliin ko hanggang sa huli." Matamis kong sabi kahit na nasusuka ako sa pinagsasasabi ko. Naaadopt ko na rin ang lenggwahe nya.
"Hahahahaha. Tigilan mo nga ako, Victoria, mas lalo akong nahuhulog sayo." Ano kaya ang itsura nya kapag namumula? Hmmm..
Naeenganyo tuloy ako kausapin pa itong lalaking ito hahaha.
"Ano bang ginagawa mo tuwing linggo, binibini? May pinapagawa pa rin ba si Madam Angelita?" Yaaaaaaahhh!! Sinong Madame Angelita? Masarap sana syang kausap kaso hindi ako makarelate sa mga sinasabi nya.
Nag isip nalang ako ng napakagandang palusot. Kung kelan na nasasayahan na akong kausap sya, saka pa ba ako magpapabuking? No way!
"Wala naman. Pinagpapahinga nya kami tuwing linggo." Sabi ko nalang. Yun kasi ang pinakasafe.
"Kung ganon, pwede ka bang ayain na mamasyal sa paparating na linggo? Susunduin kita at ipagpapaalam kay Madame Angelita." Sabi nya.
Agad naman akong tumutol. "Hwag na. Kaya ko nang pumuntang mag isa, sabihin mo na lamang kung saan tayo magkikita."
"Talaga? Baka hindi ka nya payagang umalis." Nag aalala nyang tanong.
Bakit ba sya nag aalala kung Di ako paalisin ng 'Madame Angelita' kuno nya? Di ko nga kilala yon e.
"Akong bahala. Ngayon ka pa ba nawalan ng tiwala sa mahal mo?" Nakangisi kong sagot sa kanya.
Tumawa naman sya sa kabilang linya. "Hindi mo talaga ako binigong pakiligin. Kaya ako nahulog sayo e."

BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Krótkie OpowiadaniaDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...