Pinatay ko na ang tawag at tinanggal ang saksak ng telepono para di na sya ulit makatawag.
"Hija, hija!! Ano bang nangyayari sayo? Kinabahan ako sayo ha!!" Sabi ni Lola at niyakap ako mula sayo. "Natakot ako nang ibalita sakin ni Anastasia na narinig ka nyang umiiyak kaya nagmadali akong umuwi dito." Hinahagod nya ang likod ko.
"Anong problema? Sabihin mo sakin hija. Baka malagot ako sa daddy mo." Sabi nya habang nag aalala.
•••
Kasalukuyan akong nakaupo sa hapag kainan habang si Lola ay abala sa pag aasikaso sakin. Tahimik kaming kumakain.
Tumigil si Lola sa pagsubo. "Ano bang problema mo hija? Sabihin mo naman sakin."
Wala naman akong emosyon na tumingin sa kanya. "Lola..."
"Ano yun hija? Sabihin mo sakin, makikinig ako." Sabi nya at nginitian nya ako.
"Lola, kilala mo ba si Danilo?" Tanong ko.
"Danilo?" Nagtataka nyang tanong.
"Alam nyo po ba ang history ng bahay na ito?" Tanong ko pa.
Natigilan sya ng saglit. Pero nagsimula nang magkwento si Lola.
Bahay daw ito ng great great great great great great grandparents ko. Si Don Francisco at Doña Luciana. Si Victoria naman ang nag iisang anak nilang babae which is yung pang limang lola ko. Yung Danilo na sinasabi ko daw ay dating manliligaw ni Lola Victoria. Kaso hindi sila pinayagang magpakasal nina Don Francisco at Doña Luciana dahil sa ubod ng yabang at sama ng ugali ni Danilo. Ang hindi daw alam nila, na si Lola Victoria lamang ang nakapagpabago sa ugali ni Danilo. Pero kahit na sabihin nilang nagbago na si Danilo ay pinilit pa rin ng Don at Doña na ikasal ito kay Samuel, which is yung lolo ko.
So ibigsabihin, kung nakasal sila Lola Victoria at Danilo ay magiging Lolo ko din sya? Shit. Mukhang pinatos ko ang manliligaw ni Lola. Kadiri ka self.
Pero mukhang nagbago na nga si Danilo. Mula nung nagkausap kami sa telepono ay ramdam ko ang kabaitan nya. Nakakakilig, pero minsan masyadong mahangin. Pero alam Kong sinasabi nya lang yon para patawanin ako-- este si Lola Victoria.
"Bakit mo nga pala naitanong hija? May kinalaman ba iyon sa nararamdaman mo ngayon?" Tanong ni Lola
Aamin na ba ako?
"Lola.. Kasi.. Tumawag yong Danilo sa telepono mo mula nong isang linggo." Amin ko.
"Weh? Paano nangyari yon hija? Eh mula nong 1892 pa ang yon. Patay na ang Lola Victoria mo. Paano nangyari yon??!" Gulat nyang tanong.
"Yun nga din po ang pinagtataka ko. Tinatawag pa nya akong Victoria. Tsaka nagkasundo kaming magkita kaso hindi naman nangyayari dahil magkaibang panahon pala ang pinanggalingan namin."
"Jusko." Sabi nya at napapangurus pa.
•••
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Short StoryDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...
