Naghuhugas ako ng plato ngayon nang tumunog na naman ang antigong telepono ni Lola. Napairap na naman ako sa hangin. Alam ko na kung sino ang tumatawag. Sya lang naman ang nag iisang tumatawag dyan sa teleponong yan. Dedicated lang yata talaga yang teleponong yan para sa kanya. Wala pang ibang tumatawag dyan kundi sya.
Hindi ko pinuntahan ang telepono. Bahala sya dyan. Para naman hindi ko na sya lolokohin. Ang hirap kaya magpanggap na may alam ako sa relasyon nong jowa niyang di ko naman kilala.
Nagring nang nagring ang telepono. Kaya naman iritang irita akong nagpunas ng kamay at tinungo ang sala kung saan nakalagay ang telepono.
"Ano?" Walang buhay kong bungad sa tawag.
"Binibini, humihingi na ako ng tawad. Pakiusap, pakinggan mo naman ako. Totoo lang ang sinasabi ko nong nakalipas na araw. Pagkatapos ng tanghalian at naroroon na talaga ako binibini." Paliwanag nya.
Kamusta naman ako? Dedma. Wala naman akong pake sa sinasabi nya kahit na I feel betrayed and fool.
"Binibini, patawarin mo na ako. Hindi ako napapanatag kapag hindi ko naririnig ang tinig mo, lalo na't hindi tayo ayos."
Naparoll eyes naman ako. Ano naman? Pake ko? Share mo lang?
"Binibini, may regalo akong handog sayo." Sabi pa nya. "Sige na, magkaayos na kasi tayo."
"Ano naman yon, aber?" Sungit ko.
"Pumunta ka sa kwarto mo, buksan mo ang aparador mong may mga kaha. Doon ko nilagay ang handog ko sayo." Paliwanag nya.
Bat ba ang uto uto ko? Pinatay ko muna ang tawag at pumunta ng kwarto ko para kumpirmahin ang sinasabi nya.
Ang aparador lang naman na nilinis ko nong isang araw ang tanging aparador na may kaha ang nandoon.
Isang kaha lang naman ang alam kong may laman doon. Iyong kahang pinaglagyan ng makalumang picture frame. Pero tiningnan ko na rin ang iba pang kaha at baka nilagyan nya rin yon.
Kaso wala. Inuuto na naman nya ba ako?
Kinuha ko nalang ang lumang picture frame at tumungo sa sala. Sakto namang tumunog ulit ang telepono.
"Binibini, nagustuhan mo ba?" Tanong ni Danilo sa kabilang linya.
"Anong regalo ang sinasabi mo? Ako ba ay pinagloloko mo?"
"Loko? Hindi ah! Hindi mo ba nakita ang ating litratong nakakwadra?"
Kwadra? Frame ba yon?
"Iyon ay yong litrato natin noong unang taon ng pagiging magkasintahan natin, mahal ko."
Alin at ano ba ang pinagsasabi nya?
"May sulat akong nilagay sa likod noon, mahal ko. Pakibasa nga." Mukhang nasisiyahang sabi nya.
Natigilan naman ako. Iyon bang picture frame na may sulat sa likod? Yong may gwapong lalaki at magandang babaeng kamukha ko?
Paano naman nangyari yon? Matagal na ba nyang nilagay yon don? Tsaka hindi naman ako ang babaeng nasa litratong yon pero kamukha ko. Sobrang luma na ng litratong yon. Photoshopped?
Sya ba iyong lalaking iyon?
Bigla naman akong kinilabutan. Sobrang tagal na ng litratong yon. Mas matanda pa iyon sa Lola ko. Paano ko pa sya nakakausap? Kaluluwa ba ang kausap ko ngayon?
"Binibini, nandyan ka pa ba? Basahin mo naman ng malakas ang sulat ko." Reklamo nya.
Paano nangyari yon? Recorded?
"Binibini, hindi mo ba nagustuhan? Pasensya na. Pero wag ka namang magalit pa sa akin."
"Sige na, Danilo. Pinapatawad na kita. Paalam!" Sabi ko at akmang ibababa ang receiver kaso may pahabol sya.
"Ganon binibini? Saglit lang naman, gustong gusto pa kitang kausapin." Pakiusap nya.
"Pasensya na, Danilo. Masama kasi ang pakiramdam ko." Palusot ko.
"Gusto mo bang magtungo ako dyan? Kahit na hindi ako papasukin ng gwardya nyo?"
"Huwag na at baka hindi ka na naman makarating." Napairap ako at binaba na ang tawag.
Paano ba nangyari iyon? Paniguradong hindi pa kayang magrecord ng Convo nang panahong iyon. Hindi pa hitech non.
Akala ko pinakamahirap na ang Algebra. May mas mahirap pa pala, meet deductions.
•••••
BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Short StoryDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...