Sa kabila ng pangto talkshit nya sakin ay nandito pa rin ako. Nag iintay sa pinag usapang lugar.
Pagod na pagod akong nakatayo sa harap ng UST. Kabababa ko pa lang ng bus na galing pang Quezon Province.
Simple lang ang damit ko. Isang ripped jeans at hanging shirt. Mahirap na, mag isa lang ako at baka mabastos.
Alas tres na ng hapon at alas tres ang oras ng pagkikita namin. Sabi nya ay magsusuot sya ng coat at sumbrero. Like wtf? Mukhang sinauna ang isusuot nya. Napag iwanan na din ba sya ng panahon? O baka nag aala Oppa sya? Pero bat purong Tagalog ang lenggwahe nya?
Nagsimula na akong magpalinga linga sa paligid at nagbabakasakaling makita ko na sya. Alam kong makikita ko agad sya dahil sa makaluma nyang istilo ng damit. Iba na ang mga tao ngayon. Mukhang may crisis sa tela ang damit dahil sa iksi. Dinaig pa ang mga liberated na tao sa ibang bansa.
Pumunta pa rin ako dito kasi nagbabakasakali ako na pumunta sya kahit na tinokshit nya ako. Hays.
15 minutes ago..
Pag nag alas kwatro na, uuwi na ako.
30 minutes ago...
Saan na sya? 3:30 na ha. Ayoko sa lahat yung pinag iintay
45 minutes ago...
Mukhang totalkshitin nya na naman ako. Hays. Nasaan na sya?
1 hour ago....
Naiinis ako na naiiyak. Nasaan na ba sya? Dapat magpakita na sya ngayon dahil ilang oras ang byahe pauwi. Pinagtitripan nya ba ako?
Yung galit ko ay naging luha. Ayoko sa lahat non kaso di mo mapipigilan.
Masakit ang tuhod ko pero pinilit kong maglakad papunta sa sakayan ng bus papuntang Quezon.
•••
Tulala akong pumasok sa bahay ni Lola. Natigil lang ako sa pagtulala nang may makita akong papel malapit sa TV.
Victoria,
Baka gabihin ako ng uwi dahil aabutin ng gabi ang misa. I lock mo ang pinto at mga bintana bago matulog. May pagkain na din sa lamesa. Mag ingat ka.
Solo ko na naman ang bahay. Hays.
Kumuha ako ng juice at nagluto saglit ng pancit canton para sa meryenda. Naupo na ako sa sofa at nanood ng TV.
*ring ring ring
Nariyan na naman. Tumatawag na naman sya.
Hindi ko muna sinagot ang tawag. Bahala ka dyan, pinag antay mo ko sa UST kaya mag antay ka rin.
Nawala ang pagtunog ng telepono. Maigi naman.
*ring ring ring
Buuuusssseeeeeettttt!!
Padabog kong inangat ang receiver ng telepono. "ANOOO??!" Sigaw ko.
"Binibini, nasaan ka kanina? Sinuyod ko na ang buong plasa ngunit wala ka."
"Tigil tigilan mo nga ako! Manloloko. Hoy, kung totalkshitin mo lang ako at paglalaruan, bumili ka ng makakausap!" Sigaw ko pa din.
Unti unti ko nang nailalabas ang galit na kanina ko pa tinitimpi.
"Anong sinasabi mo binibini? Ala una pa lang ng hapon ay nandun na ako sa ating tagpuan." Mahinahong saad nya.
"Nandun, nandun. Tse! Isang oras akong naghintay sayo alam mo? Ansakit nga ng tuhod ko!"
"Saan ka ba pumunta binibini? Bat hindi kita nakita?"
"Hindi mo talaga ako makikita kung hindi mo ko sinipot!!"
"Ano bang pinagsasasabi mo binibini? Nandun ako."
Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Napupuyos ako sa galit. Nakakainis na talaga.
Napatingin ako sa kalendaryo naming nasa pinto ng sala. Alam kong Linggo ngayon, pero di ko alam ang petsa. Bakit parang kinakabahan ako?
"Anong petsa na ba?" Wala sa sarili kong tanong.
Pero di ko inaasahan na maririnig pala ako ni Danilo na nasa kabilang linya pa.
"Ngayon ay ika 14 ng Pebrero, 1892."
Naibagsak ko ang receiver ng telepono. Hindi... Hindi maaarii..
Naglabasan ang mga luha ko sa mata ko at marahang umiyak.
"Binibini, nandyan ka pa ba? Anong nangyayari sayo, binibini? Ayos ka lang ba?" Tanong nya sakin.Kung kelan pa ako nahulog sa kanya saka ko lang nalaman ang totoo. Paano nangyari na nakakatawag sya sakin kung gayong nasa 1892 sya?
Kahit ilang beses pa kami magmeet up, hindi kami magkikita.
Dahil nasa kasalukuyan ako, at sya naman ay nasa nakalipas.
Kaya pala hindi kami magkatagpo tagpo, dahil magkaibang mundo ang pinanggalingan namin.
Ngayon ko lang narealize na, pinagtagpo lang kami at hindi itinadhana.

BINABASA MO ANG
Magkaibang Panahon
Historia CortaDito ay 2018, at dyan ay 1892.. Ang oras natin ay magkasalungat 🎶 Kilalanin si Victoria Garcia, isang party girl na imbes I grounded ay pinadala sa probinsya. At dahil sa antigong telepono ng Lola nya ay makikilala nya si Danilo na nagmula pa sa...