Nagising ako ten am na at parang ayaw ko na bumangon sa higan dahil sabado na may pasok na sa monday , nakakatamad pa naman pumasok
Maaga akong pinababa ni kuya jun dahil pupunta daw kami ng ospital para sa last check up ko ayaw na din nila ipaalam sa akin kung ano ba talaga nangyari , ayaw ko na ding intindihin pa iyon dahil mas iniintindi ko yung pasukan , lumabas na din resulta ng mga section at sa kasamaang palad magkaiba kami ng section ni jeanne , section Vaard siya samantalang amethys naman ang section ko sinabi din sa akin ni jeanne na mas magiging busy siya at baka hindi kami magkita ng ilang araw nakakalungkot lang
Habang nasa kotse naisipan kong tanungin si kuya jun tungkol sa paghahanap nila ng vocalista
" kuya nakahanap na ba kayo ng bago niyong vocalista ?" Nag aalangan na tanong ko sa kaniya
" isa pa din yan sa problema ko eh hindi kami makahanap ng maayos na vocalista , sabi naman ni jeanne baka matagal pa performance namin kaya hindi muna din kami maghahanap malay mo may marinig na lang ako sa kung saan saan "
Ngumuti na lang ako ng pilit kahit na hindi ako natutuwa sa sinabi niya , sana lang yung mahanap niya hindi katulad ng napanaginipan ko
" so after mo magpa check up daretsyo na tayo sa bilihan ng gamit para sa monday "
" okay " ayan na lang ang na sabi ko kahit na ayaw ko pumasok , bakit kasi napaka oa ko nako nako !
Pagkatapos ko na magpa check up , pumunta kami sa usually na binibilhan namin ng gamit sa Divisoria kahit na hindi kami sobrang hirap na inaakala niyo may kaya kamo konti nakakabili nga kami sa Divi eh
Pinuntahan namin si ateng lagi naming binibilhan , suki na niya kami simula bata pa lang kami.
Konti lang ang pinili ko kasi si kuya lahat ang kumuha ng gagamitin koMas matibay din ang bag dito sa divi kaysa sa mga mall kasi umaabot pa ng ilang taon yung mga bag na binibili namin dito.
" so tapos na tayo mamili kain na tayo " alam ko na kung saang kainan yung sinasabi ni kuya jun
Lugawwwwww
Kwek-kwek
Fishball
Fried isawNamangha na lang ako sa mga nakita ko kasi nung nakaraang taon hindi ako sinama nila kuya na mamili ng gamit dahil nag iinarte ako , namiss ko kumain ng mga ito
Dahil alam na ni kuya kung anong mangyayari hinayaan na lang niya ako na tumuhog ng tumuhog umorder na din ako ng lugaw na may kasamang tokwa't baboy , hindi na ako magkanda ugaga kung ano uunahin ko basta para sa akin gusto ko lahat ng nakikita ko
Nakarami na ako ng nakakain na kwek-kwek pero parang may hinahanap pa yung bibig ko na kakainin , inikot ikot ko ang mata ko para makita ko kung ano ba yung hindi ko pa nakakain
" waaaaaaaaahhhhhhh kalamaressssssss"
dali dali ako pumunta kay kuyang nagtitinda ng kalamares binigyan ako ni kuya ng 100 para pambili ko kaya inubos ko na lahat para ditoTutuhog na ako ng isang kalamares ng may tumuhog din sa kinukuha ko
" excuse me kuya pwede hanap ka na lang ng iba "
Sa sinabi kong iyon nakinig naman si kuya pero mukang pareho kaming paborito yung kalamares kasi sa bawat tinutuhog ko ganon din tinutuhog niya
Tres na lang ang natitira kong pera at iisang kalamares na lang din ang natitira , dali dali kong tinuhog ito pero sa kamalas malasan tinuhog din ni kuya yung kalamares na tinuhog ko hinila ko uto papunta sa akin pero hinihila niya din ito pabalik sa kaniya
"Pwedeng akin na lang ito please " nagmamakaawang sabi ko kay kuya
" No , binigay ko na sayo yung kanina diba that's why akin dapat ito " dare-daretsyo niyang sabi sa akin
YOU ARE READING
My Disaster's Love
Fanfiction"I will fight this love whenever it's a disaster" Isang babaeng puno ng pagtataka sa kaniyang sarili at tila hindi alam kung ano nga ba ang totoong nang yari sa kaniya. paano kaya ni zoeh haharapin ang katotohanan kung ginugulo siya ng taong mamaha...