"Ako na oorder jan ka na lang ."
Tumungo si Elli sa counter at umorder . Madaming tao ang naka pila kaya matagal tagal pa siya bago maka order ng pagkain.
Nilibang ko muna ang sarili ko ,ginamit ko ang cellphone ko at nag laro na lamang ako ng mga online games
Habang nasa kalagitnaan akonng pag lalaro ay isang bata ang kumalabit sa akin.
"Usto laro seb seb ." medyo may pagka bulol ang bata pero naintindihan ko ang gusto niya , agad ko siyang kinandong at hita ko . Nakita ko din ang mama niya na nasa kabilang table lang at ngumiti ito sa akin.
"What is your name ?" tanong ko sa bata
"Seb seb po.." magalang na sagot niya
Tinuruan ko siya mag laro hanggang sa matalo siya ,nakakatuwa talaga kapag may mga ganitong bata. Nakakalungkot lamang at ako ang bunso
"Eli ito na ang pag kain natin , sorry natagalan."
Agad nilapag ni Elli ang pagkain at nagulat siya ng mapansin niyang may bata na naka kandong sa akin..
"Nang kidnap ka ng bata ?" takang tanong niya
"Hindi oy ! si seb seb ito mama niya yan oh " pag nguso ko sa mama niya.
"tate tate , sawa mo ? " tanong ni seb seb
agad namula si Elli sa nadinig niya miski ako din naman nagulat.
"Ah eh hindi seb , kaibigan ko yan." Sagot ko na lamang
"Sebie , Let's go na . Ba bye ka na kay ate." sabi naman ng mama niya
"Bye bye po."
Agad na bumaba si seb seb mula sa hita ko at tumungo sa mama niya.
"Ang kyut niya talaga." pag bulong ko
"Mga bata talaga..." namumulang sabi ni Elli
Natawa ako sa itsura niya dahil halatang nahihiya siya at para bang gumugulo pa din sa isipan niya yung sinabi ni sebie.
"Elli , Okay ka lang ba ? " Tanong ko sa kaniya
agad naman siya naging aligaga at tumingin sa akin. Binigyan lamang niya ako ng isang malawak na ngiti.
Hindi ko maipag kakait na may ka gwapuhan nga itong si Elli kahit na muka siyang hindu gagawa ng mabuti, halatang anak mayaman din siya at nababagay sa mga mayayaman lamang.
"Nagka girlfriend ka na ba ? " Tanong ko
Hindi ko alam kung saan nang galing ang mga tanong kong iyon. Basta na lamang ako naging curious sa pagkatao niya .
"Ha ? Saan naman nang galing yang tanong mo na yan ? " Nagtatakang tanong niya din sa akin.
"Malamang sa akin.." Pabalang na sagot ko.
Hindi ko alam kung bobo ba sila o nag tatanga tangahan sa tuwing may tanong ako parating walang ka sense sense ang mga naisasagot sa akin.
"Alam ko ... ang tanong bakit paramg naging interesado ka ? nahuhulog ka na ba sakin ? " May yabang na tanong niya sa akin habang nakatitig . Saktong susubo pa siya ng french fries
Agad na kumunot at umarko ang kilay ko sa ginawa niya , may lakas din ng loob pala itong taong ito .
"Ha ? saan naman nang galing yan kompiyansa mo na nahuhulog na ako sayo ? gusto ko lang malaman kasi parang sa lahat nh kabanda natin ikaw yung pinaka tahimik tapos parang walang time sa love life. " Paglilinaw ko sa kaniya
"Akala mo lang..." Mahinang sabi niya
"Ano yon ?" paglilinaw ko ulit
" Kumain ka na lang at kailangan mo pa pumunta sa salon para ayusin yang buhok mo ." May diing sabi niya
Sumubo na lamang ako ng pagkain at tulad ng dati sobrang busog nanaman ako dahil sa dami ng pagkaing binili niya.
"Wait mamaya na kasi tayo umalis hindi pa ako makalakas sa sobrang busog eh ! " Pagmamakaawa ko sa kaniya
"Tara na Eli , napaka takaw mo kasi eh kasalanan mo yan." pagpupumilit niya sa akin
"Sino ba kasing may sabi bumili ka ng ganong kadami na pagkain ha ? " pabalang na tanong ko sa kaniya
" Aber ! kung kinakausap mo yang mga alaga mo sa tiyan mukang kulang pa nga iyon nag extra rice ka pa kasi ."
Nagiging spoiled na ako kay Elli to the point nag mumuka ko na siyang sugar daddy. GrrrrRrr kung ano ano na lang pumapasok sa isip ko
Lumakad na lamang ako kahit na mabigat pa din sa loob ko dahil sa sobrang hirap maglakad. Para bang isang drum ang binubuhat ko sa sobrang kabusugan.
Nakarating kami sa isang magarang salon. Mukang pang mayaman ang salon na ito , Minsan lamang ako nakarating dito sa Moa pero di ko inakala na may ganitong klaseng salin pala dito . Para lamang siya isang rest house , may malaking salamin na kita buong katawan at ang mga design nito ay purong mga aesthetic nakaka relax siya sa mata.
"Good evening sir, what can i do for you ? " Bubgad sa amin ng isang babaeng naka itim na legging at damit .
"Can you do the make over of my friend ? " Sagot naman ni Elli
Mukang palabanan ng English dito mapapasabak ata ako hihihi
"Friend .... or Girl friend ? " Tanong babae
Umarko ang kilay ko sa tanong niya , magarbo nga itong salon na pinuntahan namin pero tsismosa din ang mga trabahador.
"Girl na Friend ." May diing sabi ni Elli
Ngumiti ako na may pagmamalaki at agad naman ako hinatid ng babae kung saan ako uupo para ayusan nila
"Ay bagay sayo i kulot , tutal unat na naman ang buhok mo mas bagay sayo curly hair tapos medyo maiksi mga hanggang balikat then konting bangs lang ganern." Sabi ng baklang isang trabahador.
"Drummer po ako... " Paglilinaw ko
"Ay bongga , pwede yon tapos naka red lipstick ka sa event ang bongga mo don."
Hindi ko na binigyang pansin pa ang sinabi niya nag focus na lamang ako sa harapan ng salamin dahil nakikita ko ang sarili ko dito.
"Hindi mo ba talaga boyfriend yon ? " Pag tutukoy ng bakla don kay Elli na naka upo malapit sa entrance ng salon.
"Hindi po." Maiksing sagot ko
"Sayang naman papi pa naman yan." May landing sabi niya
"Sayo na lang po yan , Mabait tapos nanlilibre ." Sagot ko
"Oh bakit pinapamigay mo ? Anjan na sayo yung tao ipapamigay mo pa ? Alam mo perfect kayo." Nangungmbinsing sabi niya
Hindi na ako tumugon ba sa mga sinasabi niya , Naging matagak ang proseso bago matapos gupitan , pagkatapos nun ay agad agad na niya ako nilagyan ng gamot pampakulot.
Halos makatulog na ako bago natapos at masakit sa ulo ang amoy ng gamot na pinapahid sa akin , Ng tapos na at tignan ko ang sarili ko nag muka ako tao
"Wait , Gamitin mo itong lip stick na ito. " Sabi ng baklang nag ayos sa akin.
Tinignan ko sa lipstick at ito'y kulay pula. Hindi ako mahilig mag lagay ng kolorete sa muka kaya nakakapanibago. Nag dalawang isip pa ako bago ko lagyan ang labi ko ng matapos ito ay napanganga na lamang ako.
"What the fuck ! " mahinang sabi ko
Tanging lipstick pa lamang ang nailalagay ko sa muka ko pero nag stand out na agad ang beauty ko.
Lumabas na ako at agad na tunayo si Elli , Ngumiti lamang siya at agad pumunta sa counter .
Bulag ba yan ? hindi man lang nakita ang kagandahan ko , Agad siyang lumapit at kinuha ang pinamili namin at nag aya na agad lumabas.
to be continue.....
Fb: shakiragantala@yahoo.com
twtr: @winaaboo
YOU ARE READING
My Disaster's Love
Fanfic"I will fight this love whenever it's a disaster" Isang babaeng puno ng pagtataka sa kaniyang sarili at tila hindi alam kung ano nga ba ang totoong nang yari sa kaniya. paano kaya ni zoeh haharapin ang katotohanan kung ginugulo siya ng taong mamaha...