Disaster XIV

14 4 2
                                    

Zoeh's POV

mahigit limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din kahit isa sa amin ang kumikilos para mamili ng magiging leader natapos na din ang oras na binigay sa amin ni ma'am para maka pili kami ng magiging leader namin

" at dahil natapos na ang binigay kong oras sa inyo , oras na para malaman ko ang mga leader ninyo , pangkat una sino ang napili niyo ? " tanong  ni binibining fernandez sa grupo nila honesa

"Si alexius po " sagot ni honesa , agad namang tumayo si alexius na darling niya , ngayon ko lang napagtanto na alexius pala ang pangalan

"maari ka nang umupo , pangkat dalawa ? " tingin naman ni binibining fernandez sa grupo ng mga kalalakihan

"si jolo po " tumayo din ang sinabi nilang jolo , halata mo sa tindig ng lalaking ito na puno siya ng kayabangan at parang palaaway siya dahil puro galos ang kaniyang mga braso

sumenyas naman si binibining fernandez hudyat para umupo na ang sinasabi nilang si jolo

"pangkat tatlo ? " tumingin naman sila sa grupo nila klyza at hindi na ako magtataka kung sinong pipiliin nila malamang ang nag iisang kilay queen lang naman ang pipiliin nila

agad tumayo si klyza at binigyan nanaman ako ng isang naka arkong kilay akala mo laging may patutunguhan ang kilay niya sa tuwing ginagawa niya iyon

"pangkat apat ? " naging tahimik ang lahat at ang buong klase ang naka tingin sa amin wala ni isa ang naglakas ng loob na mag salita dahil hindi naman kami nakapag usap-usap , nilingon ko sila isa-isa ngunit tanging tingin lang nila ang sagot

"pangkat apat ?  " pag uulit na tanong ni binibining fernandez , huminga ako ng malalim at nag lakas ng loob
magsalita

"si alex-"naputol ang sinabi ko dahil may isang demonyong sumigaw ng pangalan ko

"maari bang tumayo si little angel ? " tanong ni binibining fernandez

isa isa ko silang nilingon at pawang mga naka tungo na sila at ang iba naman ay natutulog , ang iba naman ay kunyare abala sa ginagawa

dahan-dahan akong tumayo kahit na labag sa kalooban ko , nagawi ang mata ko sa puwesto nila klyza at as usual naka arko nanaman ang kilay niya

"Zoeh Meneses po " pagpapakilala ko pagkatapos ay umupo na agad ako dahil ayako nga maging leader

"Sino nag isip na maging leader ako " mahinang tanong ko kay ced na pinaglalaruan ang kaniyang ballpen , tanging pagtingin lamang niya ang naging sagot sa tanong at parang bang ibig sabihin non ay kilala ko na kung sino , ang nag iisang napaka demonyo

"at dahil nakilala ko na ang mga magiging leader niyo , isa isa kayong lumapit upang maibigay ko na ang pahina ng irereport niyo " unti unti nang tumayo ang mga napiling leader at ako naman ay dahan dahan paring tumatayo dahil nga sa ayako maging leader nakita ko nanaman si klyza at mukang inaantay niya ako na mauna imbis na ipag patuloy ko ang pag punta ko ay si naupo uli ako

"pst batang demonyo , ikaw na kumuha ng irereport natin masama pakiramdam ko " maarteng sabi ko para makumbinsi siya , nakita ko naman na mukang umubra sa kaniya ang sinabi ko dahil nahalata ko sa mata niya na nag alaala siya

agad siyang tumayo at kinuha ang kaniyang cellphone pinaliwanag niya din kay maam kung bakit hindi ako yung pumunta kaya pinayagan siyang makuha ang report namin , agad namang bumalik ang isip batang demonyo sa akin at halata mo pa din ang pag aalala sa kaniya mga mata

"amina fb account mo send ko na lang sayo " mahinahong sabi niya habang inaabot sa akin ang cellphone niya

agad ko namang kinuha ang cellphone na at tinype ang facebook account ko , binalik ko sa kaniya iyon pagkatapos ko malagay ang pangalan ko

"dahil nakuha niyo na ang mga reports niyo , may ibibigay ako sa inyong reviewer dahil sa susunod na linggo ay welcoming party sa miyerkules ay bibigyan ko kayo ng paunang pag susulit kaya kailangan ninyong mag aral upang malaman ko ang kapasidad ng kaalam ninyo , kumuha kayo isa isa at basahing maigi ang bawat naka sulat " isa isa na ding napamigay ang papel na ibinibigay ni binibining fernandez ng maka kuha ako ng papel ay agad kong binasa ito isa isa , napaka dami din pala ng nilalaman nito dahil mahigit sampung pahina ang nilalaman ng papel

"little angel , mag review ka ha " nakakainsultong sabi sa akin ni blaize binigyan ko na lamang siya ng mapait na ngiti dahil alam ko naman ang tinutukoy niya na kailangan ko ma maintain grade ko para hindi nakakahiya sa buong school

ang mga natitirang oras ay ibinigay na lang sa amin ni binibining fernandez upang makapag review , binasa ko isa-isa lahat ng nasa papel pero may isang demonyong lalaki ang nag iingay

"pare solid talaga yung chicks dun sa bonjour napaka galing ba namang humalik " maingay na sabi ni nestor lumalabas talaga ang kademonyohan nila pagdating sa mga babae

"tsss puro ka babae wala ka pa namang nagiging girlfriend puro benefits lang " mayabang na sagot ng pinaka demonyo sa kanila

"wow naman sa benefits alex parang di ka namang nag gaganon halos makita mo pa nga lang na chicks lalasingin mo tapos ano ikakama mo na ? " sagot naman ni jo sa kaniya , nandidiri ako sa pinag uusapan nila dahil bukod sa nag iisang babae lang ako dito napaka lakas pa ng boses nila

"huwag mo na lang sila pakinggan mag review ka na lang diyan " basag ni ced sa akin dahil nawalan na ako nh atensyon sa pag rereview

mukang narinig ata nila ang sinabi ni ced dahil napatahimik sila at nakatingin sa akin , binigyan ko din sila ng tingin at bigla silang namula at nagkunwareng may ginagawa halata mo sa kanila na nahiya sila sa sinabi nila kaya pasimple na lamang akong tumawa

"tuwang tuwang feeling virgin ? " malakas na sabi ni alexander na nagbigay ugong sa buong room

agad akong namula sa sinabi niya , gusto ko siyang patulan pero tinapik ako ni ced upang hindi na lumaki ang gulo

"hayaan mo na yan sadyang makitid utak niyan pagdating sa kaalaman sa babae " pagpapaliwanag ni ced , binigyan niya ako ng isang malaking ngiti na nagpagaan sa loob ko

huminga na lamang ako ng malalim dahil mukang magiging kalbaryo ang buong school year ko ng kasama sila


this was a short update as of now medyo busy pa kasi ako dahil mag momoving up na po ako , sorry din po kung medyo magulo dahil hindi ko naman po binabasa yan basta sulat na lang po ako ng sulat , sorry

fb: @winaa boo
twtr:@winaaboo

My Disaster's LoveWhere stories live. Discover now