Disaster XVI

26 4 2
                                    

Zoeh's POV

nakakabagot naman , si ced kaso feeling matalino eh busy kaka basa sa math book niya ewan ko ba jan hays tapos yung ibang demonyo namin busy sa cellphone nila .

lalabas ko na lang din cellphone ko para hindi ako mabagot sa sobrang boring , hindi rin ako natuwa sa sinabi ni alexander kaya tumahimik na lamang ako gaya ng sinabi ni ced , mukang bakante din ang oras namin dahil wala pang dumdating na guro sa pagkakaalam ko food and beverage yung subject namin ngayon parang hindi ata kami papasukan

"kamust yung pag papractice mo ? " tanong ni ced sa akin at salamat na lamang sa diyos nag salita din siya ibinaba ko na muna ang cellphone bago ko siya sagutin

"siguro okay naman ? " kuwestionableng sagot ko

"Dapat sigurado ka na sa sagot mo zoeh , balak ka patalsikin ni alexander sa grupo " seryosong sagot niya sa akin " sa lahat ng nag audition miski last last year ikaw lang ang nakitaan namin ng potential maging isang sikat na drummer zoeh kaya hinahadlangan ka ni alexander " dagdag niya pa

napaisip na lamang ako kung bakit malaki ang galit ni alexander sa akin samantalang hindi ko naman siya iniintindi

"kaya please ayusin mo ayako na maghanap ba ng bagong member nakakapagod " dagdag niya pa at ipinag patuloy ang kaniyang pagbabasa

napa lingon ako sa gawi ni alexander na natutulog nakakapagtaka bakit kaya nagagalit siya sa akin may ginawa ba ako sa kaniya

ipinagpatuloy ko na lamang ang pag ce-cellphone ko binuksan ko ang facebook account mukang magiging madalas ang pag online ko ng fb acc ko

"Did i allow you all to use your phone , amethys ? " malakas na sigaw ang nagpagulat sa akin siguro ito na ang teacher namin sa itsura niya palang mukang mahigpit na may brace siya na daretsyo lamang tapos ang mga kilay niya para laging may kaawau tulad ng kay klyza " I am mrs Josephine VillaFlores but you can all call me mrs joey or what ever you what , again who allow you to use your phone in my period ? ! " galit na galit niyang tanong sa amin

lahat kami ay tahimik , yung iba pasimpleng tagobng cellphone para hindi sila mabuko , iniikot ko ang gawi ng mga kaklase ko at nakita ko si klyza na naka ngisi sa akin at mukang may pinaplanong hindi maganda

"Ahm mrs ? " taas kamay na tawag ni klyza sa teacher namin , nakuha niya lahat ng atensyon namin at mukang hindi maganda ang pinupunto niya

"yes , ikaw ba yung pumayag na gumamit sila ng cellphone ? " mataray na tanong ni mrs villaflores

"nope , but i know kung sino . did you see that girl maam yung katabi ni ced siya po " pagtuturo sa akin ni klyza

agad napa tingin sa akin ang lahat miski sika ced ay nakatingin sa akin hindi ko alam ang gagawi  ko dahil baka kapag pinagalitan niya ako ay masagot ko lamang siya

"stand up ? "

agad akong tumayo ng dahil sa sinabi ni maam , hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon pero sobra yung kaba ko

"bakit mo sila pinayagan mag cellphone , ikaw ba ang president ng amethys ? " mataray niyang tanong sa akin

"no maam . i-i didn't allow them t-to use their phones " kinakabahang sagot ko

"then bakit mk ginagamit ang cellphone mo " tanong niya sa akin

" Ginaya ko lang po sila dahil wala  pa namang ginagawa " sagot ko din sa kaniya

medyo nag iinit na ang ulo ko dahil sa mga sinasabi niya , simula din lumabas ako sa ospital mas sumobra ang pagiging mainitin ng ulo ko

"sino ? " tanong sa akin ni maam

pinagpapawisan na ako sa sobrang galit ko pinipigilan ko na lamang dahil ayako makabastos ng teacher

"sila po " sabay turo ko sa grupo nila ced , kampante lamang si ced na tumingin kay maam at ako dito hindi ko na alam ang gagawin ko

"ano mo ba sila , kalandian ? mga boyfriend ? ang dami naman di ka marunong makuntento ms ? " nakakainsulto niyang sabi sa akin

"Meneses po " pinilit ko na lamang na maging kalmado dahil mahirap na hindi pa ako nakaka isang buwan sa school na ito tapos ganito pa ang mangyayari

"see that hindi mo nga alam kung ano mo sila pero kung maka sabi kang ginaya mo sila "

hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko , kasalanan ko din naman school hour tapos maglalabas ako ng cellphone isa din akong tanga

naupo na lamang ako at nag panggap na parang okay lang ang lahat , tumingin ako sa gawi ni klyza at tuwang tuwa siya sa nangyari sa akin

lumingon ako sa gawi ni ced at kita ko sa muka niya ang pag aalala , ngumiti na lamang ako at nag kunyaring okay ang lahat

napahiya ako ng sobra ng dahil sa ginawa ni klyza hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko

"zoeh break time na " sabi sa akin ni ced

nagulat ako sa sinabi niya dahilan ito kaya napatingin ako sa relo ko grabe pala ako kung tumulala umabot ng dalawang oras hindi ko na nakilala yung sumunod na teacher kay mrs villaflores

"ha wala akong gana " matamlay kong sagot

"zoeh kahit wala kang gana kailangan mo bumaba hindi tayo pwede mag stay dito sa room" sagot niya sa akin

tinignan ko ang buong paligid at tanging kami na lang ni ced ang natitira dito

tumayo na lamang ako at walang kibong lumabas kahit na alam kong nasa likod ko lamang siya

"huwag mo sanang intindihin mga sinabi sayo ni mrs villaflore dahil hindi naman totoo yon " sabi niya sa akin alam kong ginagawa niya lamang iyon para magkaroon ako ng sigla

"haha ganon naman talaga magiging tingin nila sa akin eh , tatawagin nila akong malandi kasi bago pa lang ako dito tapos ang lakas ng loob ko sumali sa grupo niyo " nasagot ko na lamang , simula kasi ng dumating ako dito sa eskuwelahang ito naging miserable na buhay ko nagpapakatatag lang ako

"simula pa lang yan zoeh may mga pagsubok ka pang mararanasan " sagot naman sa akin ni ced na naging dahilan kaya natauhan ako

tama si ced simula pa lamang ito marami pang mangyayari sa akin maaring maging kalaban ko ang buong school ng dahil sa pagsali ko at pagsama sa kanila pero kung ipag papatuloy ko lamang ang buhay ko ng kasama sila wala naman silang magagawa

huminga ako ng malalim ay inaya ko na si ced sa canteen kailangan kong kumain ng marami para mahimasmasan ako

fb: winaa boo
twtr: winaaboo

My Disaster's LoveWhere stories live. Discover now