Zoeh's POV
Pangatlong araw ngayon nang pagpasok ko sa eskuwelahan medyo masakit ang mga braso nabigla ata nang dahil siguro ito sa pagpapakitang gilas ko kahapon
Hindi na rin ako nakakain kagabi dahil sa sobrang haba nang tulog kaya kahit na maaga pa lamang ang kumilos na agad ako para na rin makakain at makapag ayos
Bago ako dumaretsyo sa music room para umattend nang practice dumaan muna ako sa canteen para bumili nang makakain ko , masama talaga pakiramdam ko lalo na ang mga braso nangangalay ito at parang gusto na kumalas sa katawan ko
Nakarating na ako sa bumgad nang pintuan nang canteen at kahit malayo palang tinawag ko na agad ang tindera
"Pabili po isang tubig tapos isang egg sandwich po " pagtawag ko sa tindera
Agad agad naman dumating ang tindera dala-dala ang binili kong pagkain
"Bago ka lang dito , anong club pinasukan mo ? " tanong sa akin nang tindera
"Ako po ba kausap niyo ?" Pabalang na sagot ko sa kaniya
Natawa ang tindera dahil sa ginawa kong pagsagot sa kaniya at halata mong matanda na siya dala na rin nang pagod na nakikita sa muka niya
" abay oo naman iha , ako nga pala si nanay fe pwede mo akong tawaging nanay na lang " pagpapakilala sa akin ng tindera
Naging kampante naman ako at parang ang gaan sa loob niya kasama kaya't tinanggap ko ang pagpapakilala niya ginawidan ko ito nang ngiti
"Ako nga po pala si zoeh , music club po ako sumali " sagot ko sa kaniya habang ngumunguya pa nang pagkain
Hindi ko na inaya pa si nanay fe dahil sa sobrang gutom ko na din , malaki ang canteen namin halos katumbas ito nang dalawang room na pinagdikit , inikot ko ang mata ko at tinignan ko ang mga nakapalibot sa canteen , sobrang lawak nito may mga room pa para sa mixing nang alak
"Nako iha baka hindi ka magtagal sa music club dahil sa sobrang lupit nang presidente nila " babala sa akin ni nanay fe " alam mo ba halos maraming gusto sumali sa music club kaso sadyang malupit yang presidente nila mapili siya sa mga ka grupo sabagay yung mga dami kasi niyang ka miyembre ay halos magagaling natatandaan ko pa nga noon na halos first year pa lang yan si alexander napahangan niya ang mga matatanda niyang ka grupo sa sobrang ganda nang boses at galing sa pagtugtog nang gitara marunong din siyang sumayaw halos lahat na ata alam niyang batang yan , kaya ikaw iha mag iingat ka baka pahirapan ka din niya "
Dahil sa mga sinabi ni nanay fe halos parang nalaman ko na ang kalahati nang buhay ni alexander halos nalaman ko na kung bakit siya ganon , maaring kaya siya ganon dahil nasanay siya sa nga ka grupo niya noon
Naubos ko na ang pagkain ko kaya napagpasiyahan ko na umalis na at magpaalam kay nanay fe
"Salamat po sa kuwento niyo nay mauuna na po ako baka nag iinit na ang ulo nung presidente " natawa ako sa sinabi ko miski si nanay fe din ay natawa
Naglalakad na ako patungo sa music club room may konting kaba sa dibdib ko dahil baka naunahan na ako nang presidente at baka pag initan nanaman ako
Binuksan ko ang pintuan ang nadatnan ko ang walang ka tao-taong kuwarto , halos puro kalat lang ang nandito at malamang sa malamang malalate sila mga lalaki eh mababagal kumilos
Napagpasiyahan ko na linisin ang mga kalat na tambak sa kuwarto nagsimula ako sa mga papel na naka bilog hindi ko maiwasan ma curious kung ano ang nilalaman non kaya isa isa kong binuksan , puro mga kanta ang nakasulat sa papel at halos magaganda ang nilalaman nun kaya kinuha ko ang mga papel at inilagay sa bag ko
Nagpunta naman ako sa cr at halos maduwal ako sa sobrang baho nang amoy nito , sinubukan ko mag hanap na sabon na ipanglilinis ko sa cr at saktong nakahanap naman ako tiniis ko ang bahong umaalingasaw sa cr kailangan ko tapusin ito bago sila dumating , pagkatapos ko sa cr ay sa mga instrumento naman na puro alikabok na isa isa kong pinunasan ito
nag mop na din ako nang sahig at nag spray na ako nang pang pabango nang buong lugarNaisipan kong maupo muna dala na rin nang pagod ko pero noong dumako ang paningin ko sa may maliit na lababo punong puno ito nang mga platong parang isang taon nang hindi hinuhugasan
Dahan dahan akong lumapit sa lababo nandidiri ako sa sobrang kagamulan nang mga taong gumagamit nang kuwartong ito
"Jusko naman hindi ba uso sa mga tao dito ang paglilinis napaka gagamol " may halong pandidiring sabi ko
Unti-unti ko nang hinugasan ang mga plato halos kailangan ko pa lagyan nang puwersa dahil nanigas na ang mga natirang pagkain sa plato
Napatagal ako sa paghuhugas dahil may mga kaldero pang kailangan hugasan , pagbukas ko nang isang kaldero halos masuka ako sa sobrang baho dahil halo-halong panis na pagkain ang nakaimbak dito
Hindi ko alam kung saan ko itatapon ito kaya naglakad ako dahan dahan sa cr para doon itapon pero sa kasamang palad basa pa ang sahig kaya nadulas ako padapa ang pagdulas ko kaya tumapon ang panis na pagkain sa buong sahig
Naparami pa tuloy ang gagawin ko kaya nagmadali na lang ako sa paglilinis inuna ko muna ang pagmo-mop at nilagyan ko muna ang sahig nang pang pabango pagkatapos non ay dumaretsyo na ako sa mga hugasin , buong puwersa ang pag kuskos na ginawa ko para matanggal ang mga naiwan na pagkain , nang matapos na ako pinunasan ko na ang lababo at pinatuyo ito
Tinignan ko ang orasan at mahigit 8:30 na halos wala pa din sila kaya napag desisyunan ko na magpahinga muna saglit , habang nagpapahinga ako sumagi sa isipan ko yung mga papel na dinampot ko kaya isa isa ko itong binasa , maganda ang lyrics na nabuo dito at halos parang may pinaghuhugutan ang taong nagsulat nito , it's all about friendship and love parang ang eksena dito ay inagaw nang kaibigan niya yung girlfriend niya , masyadong masasakit ang nilalaman nang lyrics kaya ibinalik ko na lamang sa bag ko ang mga papel
Habang nakaupo ako kinuha ko yung papel na binigay ni alexander na mga line up nang kanta , tinignan ko ang cellphone ko pero sad to say lowbat ito nakalimutan ko din kasing i charge kagabi , buti na lang may dala akong charger , nagcharge ako sa music club room siguro pwede naman yun
Habang binabasa ko ang list nang kanta halos pare-parehong malulungkot at parang iniwan ang meaning siguro broken si alexander
Sobra sobrang bored na ang nadadama ko ngayong araw kaya napagdesisyunan ko na matulog muna habang wala pa sila
Fb: @winaa boo
Twtr:@winaaboo
YOU ARE READING
My Disaster's Love
Fanfiction"I will fight this love whenever it's a disaster" Isang babaeng puno ng pagtataka sa kaniyang sarili at tila hindi alam kung ano nga ba ang totoong nang yari sa kaniya. paano kaya ni zoeh haharapin ang katotohanan kung ginugulo siya ng taong mamaha...