Chapter 3

108 32 41
                                    

Sean's
Past

"Hoy Shannon panget! Ano na naman yang ginagawa mo? Patingin nga!"
Pang-aasar ko at pagkatapos ay hinablot ko yung papel niya at tiningnan kung anong nakasulat doon.

"HAHAHAHA! Para kanino naman 'tong ginawa mong letter? May pa I La- I LOVE YOU ka pang nalalaman diyan! I'm sure pag nalaman nang taong pagbibigyan mo na sayo 'to galing naku baka 'di na mag-pakita yun sayo, kasi baka matakot diyan sa pag-mumukha mo! Wahahaha."
Natatawa-tawa ko pang sabi at matapos ay pinunit ko ng pinong-pino yung letter na ginawa niya.

"Ano ba? Bakit mo ginawa yun? Nakakainis ka talaga Sean.
Ang sama-sama mo!!"
Naiiritang saad niya at pagdakay pumunta na roon sa sulok ng room at nag-iiyak. Natatawa na lang ako sa itsura niya. Kawawa nga naman.

That was nung Elementary pa kami. Ang baduy niya eh, may pa-love letter pang nalalaman!

Highschool~

"Hoy tababoy! Mukha ka talagang biik! Mag diet-diet ka nga!
Paano ka magugustuhan ng gusto mo kung ganyan ka kataba ha?
Ang tanong pala kung may NAGKAKAGUSTO nga ba sayo??? Hahaha kawawang Shannon forever biik!"

"Ang kapal mo talaga Sean.
Humanda ka sa'kin pag pumayat ako!!"
Sigaw niya habang lumalapit sa akin. Nang makalapit ay niyapakan niya ang paa ko sabay walk out ng room.

Ang taba niya kase nung 1st year hanggang 2nd year HS kami.
Pero wag kayo't nung 3rd year biglang naging sexy!
Pero 'di pa din ako nag-paawat sa pang aasar sa kaniya.
'Di kumpleto ang buhay ko kung 'di ko yun magagawa 'no! Haha

3rd year~

"Oh ano Sean ha? Sinong tababoy ngayon??"
Pag-mamalaki niya sa harapan ko at talagang umikot pa para i-flaunt yung 'sexy' daw niyang katawan.

"Wow pumayat ka nga. Shannon,"
I said in my sweetest voice.

Akala niya ba hindi ko pinag-handaan 'tong taong ito?
Nah! Every year may surprise ako sa kaniya. Haha

"Bati na tayo! Hindi na kita aasaring baboy, sa katunayan nga eto na ang peace offering ko."
Malambing na pagkakasabi ko habang inaabot ko sa kaniya yung box.

"Ah eh? S-salamat! Ano bang laman nito ha??"
Mukhang di makapaniwalang tanong niya, nautal-utal pa. Hahah

"Buksan mo."
Sabi ko with my very charming smile that no girl can resist. Hahaha

"Aah sige."

Tapos binuksan na nga niya and Viola!

Lumabas ang isang palaka at tumalon sa kaniyang mukha. Wahahaha.

"WAAAAH! Kadiri kadiri! Alis! Shoo shoo! Ialis niyo saken 'to, ano ba? Humanda ka sakin Sean 'pag ako nakaganti!!! Grrr!"

Inis na inis niyang sabi habang nag-tatatalon doon at pinapaalis ang palaka.

WAHAHAHA!


Sobrang priceless talaga ng pag-mumukha niya.

4th year~

*poke poke

Aba't ayaw lumingon!


*poke poke

"Hoy Shannon!"

"Tsk. Ano ba?"
May pagka-irita sa tonong sagot niya pero 'di naman nakatingin at patuloy ang pakikinig sa teacher namin.


"SORRY" (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon