Sean's
Hawak hawak ko yung kamay niya (Shannon) ngayon habang tumatakbo kami papunta sa room. Ayaw niya pa kasing sumabay eh! Edi hawakan ko nga para wala nang kawala. Ilang minuto pa nang pagtakbo at nakarating na rin kami sa room.
"Look who's back?! Oh?"
Saad ni Hendrix at bahagyang natigilan matapos mapatingin sa kamay ni Shannon na hawak hawak ko, kaya naman agad kong binitiwan ang kamay niya."WELCOME BACK MY AMNESIA GIRL! Kumusta ka naman?"
Tanong niya sabay ngiting aso at pagkatapos ay inakbayan si Shannon."Halika Sha, dito ka na umupo sa may tabi ko."
Pag-aalok ni Hendrix at pagkatapos ay iginiya si Shannon papunta sa kanyang inuupuan."Te-teka Shannon?! Wag ka diyan umupo-"
Hindi ko na naituloy ang gusto sanang sabihin nang titigan ako ni Hendrix ng masama habang pinapadaan ang index finger sa ilalim ng leeg niya na animo'y pinagbabantaan akong tatapusin niya ang buhay ko kung itutuloy ko ang sasabihin ko.Yung matalim niyang titig ay tila ba nangungusap at nagsasabing, "Sige, subukan mo lang na sabihing may slime ang upuan niya, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa mga magulang ni Shannon na ikaw ang puno't dulo ng aksidenteng nangyari sa kaniya."
Sa totoo lang di naman talaga ako natakot sa titig ng Hendrix na 'to maging sa pagbabanta niyang tatapusin ang buhay ko, ang iniisip ko ay kung nasabi na ba niyang talaga kina Tito Xennon ang nangyari, pero mukhang hindi pa naman dahil nung bumisita ako sa Ospital nung nakaraan ay hindi naman nagalit si Tita. Yun lang ikinatatakot ko, dahil maaaring pagbawalan na nila akong bisitahin si Shannon pag nagkataon.
"Bakit naman?"
Walang ka-muwang muwang niyang tanong"K-KASE ANO! A-ANO.."
"WHAT?"
Inip na sagot ni Shannon at pagkatapos ay umupo na sa upuan."KASI MAY SLIME DIYAN SA INUUPUAN MO! AT ISA PA 'WAG KA NGANG MAGLALAPIT DIYAN SA HENDRIX NA YAN DAHIL ISA DIN YAN SA MGA BUMU-BULLY SAYO!!"
Tsk! 'Yan, iyan sana ang gusto kong sabihin, pero 'di ko na nasabi.
Huli na nakaupo na siya.
Kung hindi lang talaga ako nag-aalala sa maaaring sabihin nitong si Hendrix kina Tita."Oo nga Sean? K-KASE ANO! A-ANO?"
Panggagaya ni Hendrix sa sinabi ko habang ngumingising parang aso.
Sira ulo talaga 'tong isang 'to!Maya-maya'y biglang...
"KYAAAAH! Ano 'to? Eew eew eew! Kadiri!!"
Sigaw ni Shannon na mangiyak-ngiyak na habang tinitingnan kung ano ang kaniyang naupuan.Nang makita ang reaksiyon ni Shannon ay nabalot ng malakas na tawanan ang buog silid.
Tuwang tuwa ang mga kaklase ko at lalong-lalo na itong mga sira ulong kabarkada nitong si Hendrix at ang aso pangisi-ngisi lang! Psh."HALIKA NGA!"
Sabi ko kay Shannon at pagkatapos ay hinigit ko na siya papunta sa may gym."I told you wag ka nang umupo dun, pero ang kulit mo yan tuloy-"
"As if sinabi mong may slime dun!?"
"Tsk. Eh kasi nga ano, ano kase-"
"ANO HA, ANO??"
"Wag ka na ngang maraming tanong!"
Tinutulak-tulak ko siya ng bahagya ngayon habang tinatanggal ko yung coat ko para siyang ipantakip dun sa palda niyang may slime nang biglang may marinig akong mga bungulan."OH EM GEE? Anung gagawin niya dun sa girl? 'Di ba sila nahihiya na dito pa nila gagawin yan sa school. How gross?!"
"Hindi na ako magtataka kapag nag-viral ang school natin dahil diyan sa gagawin nila."
Ilan sa mga narinig kong sinabi ng mga babaeng nakasalubong namin. Well, wala akong pakialam!
Ang alam ko lang pinagsasabihan ko 'tong si Shannon."HOY! S-SEAN ANO BA? NAKIKINIG KA BA HA??"
Napukaw ang aking diwa nang sumigaw na si Shannon sa akin."Tsk. Ang kulit-kulit mo kasi eh!" Naiinis kong sabi habang pinupunasan ko ng basang panyo yung slime dun sa palda niya.
"SEAN ANO BA??!!"
"WHA-WHAT?? Bakit ka ba sumisigaw!?"
"WHAT!? SO ALL THIS TIME YOU'RE NOT LISTENING??!! DO YOU EVEN KNOW WHERE YOU ARE!? MAN!"
Napasapo sa ulo niyang sambit sa akin matapos niyang tingnan ang paligid.Ano ba kasing meron?
Bakit niya ako sinisigawan?
Napatingin na din ako sa paligid dahil sa ginawa niya."OH SHEEZ?! WHAT AM I DOING HERE?? Punasan mo yan! Punasan mo na yang slime, dito lang ako sa labas!"
Sagot ko at nagmadali nang lumabas "Oh isuot mo yan pagkatapos!"
Pahabol ko at pagkatapos ay inihagis ko na sa kaniya yung paniyo ko at saka yung coat na agad naman niyang nasalo.Kainis! I didn't even notice na nasa girl's cr na pala 'ko!
Aaargh! Kaya pala napatingin yung mga babae kanina?
So, akala nila gagawin namin dito yung S thingy na yun??!
Aaargh!Napasabunot na lang ako sa buhok nang maisip na naman ang sinabi ng mga babaeng nakasalubong.
My bad! I'm not even looking to where I'm going. Sheeez.
What the freak are those girls thinking now?Dang it!
BINABASA MO ANG
"SORRY" (On Going)
Fiksi RemajaMy hobby is to tease her everyday, to irritate her, say things that will make her really mad, to make her cry! Basta lahat ng bagay na ikakagalit niya. Wala eh! Priceless kase ang pagmumukha niya pag sobrang galit na sakin. Hahaha. Wala naman kase s...