Chapter 9

40 15 4
                                    

Third Person's POV

Nagising si Shannon dahil sa isang pamilyar na boses.
Sa lamig ng tinig nito'y gugustuhin mo ang makinig. Kumakanta siya. Isang kantang wari bang matagal nang alam ng dalaga, kantang naririnig niyang kinakanta ng kaniyang ina.

Gising na siya ngunit nakapikit pa rin ang mata. Patuloy niyang pinakikinggan ang boses, hanggang sa tumigil ito sa pag-kanta at nag-simulang mag-kuwento.


"Anak alam kong hindi mo ako naririnig, pero sabi ng iba pag nag-kuwento daw ang isang tao sa tulog ay may posibilidad pa din na madinig niya ang sinasabi nito at maalala ito pag-gising niya na para bang napaniginipan niya ito."
Sambit ng babaeng tumawag sa kaniya ng anak at pagdakay nag-kuwento na.

"Naalala ko pa anak noong unang beses na umuwi kang umiiyak, tinanong kita noon kung anong nangyari sayo tapos sinabi mo na pinunit ng kaklase mo yung love letter na ginawa mo. Bata ka pa lang may love ka na nadaig mo pa si mama."
Pagkukuwento ng babae at pagkatapos ay bahagyang tumawa.

"Sabi mo si Sean ang pumunit ng pinong-pino dun sa ginawa mong letter tapos sabi mo rin na buti na lang at 'di mo pa nailalagay ang pangalan nung pagbibigyan mo kasi sabi mo sa akin para sa kaniya yun, para kay Sean yung sulat na yun.
Si Sean nga pala yung kababata mo. Siya yung laging nang-aasar sayo, yung pinapaiyak ka lagi pero sabi mo crush mo pa din siya kasi nga binigyan ka niya noon ng stuff toy, yung stuff toy na lagi mong katabi sa pag-tulog mo at pinangalanan mo pang Seana na malapit sa pangalan niya."


Habang nagku-kwento ang babae ay may malalabong imaheng nakikita ang dalaga, imahe ng batang babae at isang batang lalaki.
Pinupunit ng batang lalaki yung papel na hawak ng batang babae; ang love letter na nabanggit ng babaeng nagpakilalang kaniyang ina.
Nakita ni Shannon ang pag-sigaw ng batang babae sa batang lalaki at pagkatapos ay iniwan nito ang batang lalaki at ang batang babae nama'y nagtungo sa isang sulok at saka doon umiyak.

"Ako ba ang batang babaeng iyon?"
Tanong ni Shannon sa sarili.

"Alam mo ba anak na magaling kang tumugtog ng cello? Nag-taka nga ako kung bakit yun pa ang nahiligan mo samantalang pwede ka namang kumanta at mag-piano tulad ng ginagawa ko o di kaya'y maging lead guitarist kagaya ng papa mo."


Dati kasing miyembro ng rock band ang mga magulang ni Shannon, ngunit mas pinili ni Shannon ang Classical music na ikinataka ng mga magulang ngunit hindi nawala ang kanilang pag-suporta sa kagustuhan ng anak.

Sa ikinuwentong iyon ng ginang, isang mas malabong imahe ang nakita ng dalaga.
Isang stage, madilim, may ilaw ngunit sa kaniya lamang nakatutok, maraming mga tao, at siya na dala-dala ang kaniyang cello.
Isang recital para sa subject nila sa Musika, siya ay madamdaming tumutugtog gamit ang kaniyang cello.


Madami-dami ding naikwento ang ginang at sa bawat kuwento niya'y hindi maipaliwanag ng dalaga ang mga imaheng patuloy na nakikita.

"Ako ba yun?"

"Siya ba si mama?"

"Si papa ba yung lalaking kasama niya kanina?"

"Baka nga? Siguro nga?"


Mga tanong na patuloy na naglalaro sa isipan ng dalaga.

"M-Ma-..."
Tila nag-aalangang sambit ng dalaga nang may biglang tumawag sa kaniyang ina.

"T-Tita? Ano pong-"

Hindi naituloy nang humahangos na binata ang kaniyang sasabihin dahil ang isa pang binatang nakaupo lamang sa labas ng silid ay agad na siyang pinigilan.


"SORRY" (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon