Chapter 18

20 2 27
                                    

Shannon's

Lumipas ang isang linggo.

Ganun pa din naman, walang pinagbago. Lagi akong inaasar nung Sean na yun. Kapag hindi naman siya eh yung si Hendrix naman ang manggugulo sa tahimik kong mundo. Salitan lang silang dalawa sa pang-iinis sakin. Tapos kapag inaasar/binubully ako ni Drix bigla-bigla na lang siyang bubugbugin ni Sean.

Ang lagay eh ayaw ata ng mokong na may ibang nambu-bully sa akin bukod sa KANIYA!



Psh. Bakit ba AKO?





Ganun ba ko kasayang I-BULLY??







HAAAAYY!

Ewan ko ba naman sa dalawang yun. Parang mga sira ulo, hindi pala parang—sira na talaga ang mga ulo nila. Tss.

At dahil sa pagbubugbugan nila lagi silang napapatawag ni Dean. Haaayy. Padamihan yata sila ng bad record sa school na 'to.

Gandang contest 'di ba?

Ano kayang prize nun?

Makasali din kaya? Tss.

Ilang araw na din pala akong kinukulit ni Hendrix sa pagtatanong kung natatandaan ko pa daw ba siya. Tapos ang lagi nang tawag niya sakin ay "Sha" kasi yun daw talaga ang tawag niya sakin nuon pa tas sabi pa niya ang tawag ko naman daw sa kanya ay "Drix".

Naipakita niya pa nga sakin yung kwintas na tanda daw ng friendship namin.

So naging kaibigan ko pa pala sila ha?

Ganun pala ang mga magkakaibigan tamang bully?! Psh.

Tapos nung minsang pauwi na 'ko, nakita ko si Hendrix sa may parking lot.

Buti na lang at nakatalikod siya. Nag-madali akong mag-lakad, kasi alam kong mangungulit na naman ang loko. Sabi ng hindi ko nga siya matandaan eh, ang kulit niya lang talaga!

*Lakad

*Lakad

*Lakad

*Lakad

*Lak-

"SHA!"

"AyPalakangTumalonSaBoxNaNilagyanNgSlimeAngUpuan!"

"Huh?? Pinagsasasabi mo?"
Takang tanong sakin ni Hendrix.

"WALA! Psh. Bakit ka ba kasi nanggugulat ha?!"

Psh. Napaghalo ko tuloy yung pagtalon ng palaka dun sa box at tsaka yung slime na nilagay ni Hendrix sa upuan. Nambibigla naman kasi ang loko!

"Bakit kasi ambilis-bilis mo maglakad ha?"

Ahm...



INIIWASAN KA?!

Pwede na bang dahilan 'yan?? Tch.

"Aah eeh? Wa-wala naman. May gagawin pa kasi ko eh. 'Ge!"
Sagot ko na lang at pagkatapos ay naglakad na ulit ako nang mabilis.

"Oy teka!"
Hindi pa man ako nakakalayo ay nahigit niya na ako sa may wrist.

"Ano na naman ba?!"

"Sabihin mo, wala ka ba talagang natatandaan?"

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala nga akong natatandaan para maniwala ka ha?"
Sagot ko sa kaniya habang dahan-dahang inaalis ang kamay niyang nakahawak sa pala-pulsuhan ko.

"Sigurado ka talaga Sha?"

"'Di ba nandun ka nung sabihin ng Doctor na nagka-amnesia ako, so siguro naman hindi ka pa ganun ka-bobo para hindi maintindihan ang kahulugan ng amnesia, right? Tss."
Sagot kong muli habang dire-diretso nang lakad habang siya naman ay parang asong nakasunod.

"Sha sandali!"

"Tantanan mo na muna ako ngayong araw na 'to Hendrix. Please lang!"
Iritadong sagot ko.

"Pero Sha, sure ka ba talaga na hindi mo ako natatandaan? Ako 'to si Drix, yung bestfriend mo noon!"

"OH? TALAGA?? Eh baket pala ngayon 'di na kita bestfriend ha?!"

"Ah k-kasi...ano lang-"

"ANO? ANO DRIX??"
Iritado at may diin nang sagot ko.

"Dahil lang sa pag-iinarte mo noon at pagtatampo mo kay Sean kaya 'di na tayo mag-bestfriends? Yun ba yun ha?? Yun ba?!"

"Te-Teka paano mo alam? Akala ko ba may amnesia ka ha??"

"H-Ha?? Oo nga! Malamang nai- kwento na ng mga tao sa bahay yung ibang nangyari noon 'no! Tss. Diyan ka na nga! Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to."
Sagot ko at pagdakay nagtatakbo na palayo kay Hendrix para 'di na niya ako mahigit pa ulit.

"SORRY" (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon