Chapter 17

19 2 0
                                    

Sean's

Dinala ko si Shannon sa lugar na madalas naming puntahan dati.
Isa sa mga espesyal na lugar para sa akin, yung lugar kung saan naganap yung kasal namin.

Oo, kasal!

Nakakatawa 'di ba?
Well, kasal-kasalan lang naman 'yon nung mga bata pa kami. Sari-sari din kasi ang mga trip namin noon eh.

Naalala ko pa nga, si Hendrix pa yung nag-kasal samin noon. Hahaha. Tapos yung mukha niya busangot na busangot! 'Di 'ko alam, pero feeling ko tutol yata siya sa kasal namin eh. Nakakatawa na lang alalahanin ang nakaraan. Sayang lang kasi hindi na talaga maaaring balikan.

Katulad ng dati kapag naglilibot kami dito sa burol, lagi ko ring inaabot yung kamay ko kay Shannon at mabilis niya naman itong kinukuha at masaya kaming maglalakad-lakad.
Sa simpleng bagay na 'to, sana kahit papaano may naitulong sa pagbalik ng kaniyang alaala.

Ngayon ko na lang ulit nahawakan nang matagal ang kamay niya. Wala pa ring pinagbago, malambot pa rin gaya ng dati.

Pero sayang lang, mukhang hanggang alaala na lang ang lahat.
Mukhang hindi na niya matatandaan, ang lugar na 'to, ang mga alaalang mayroon dito, at ako.

Maaalala mo pa kaya ako Sha?



Sana...







Sana maalala mo pa 'ko Shannon.








Sana maalala mo na ulit ako.





Nakakatawa.





Ang kapal naman na yata ng mukha mo Sean para hilingin pa 'yan.








Gusto mong ikaw ang maging dahilan para maalala niya ang lahat gayong ikaw rin naman ang dahilan kung bakit niya nakalimutan 'yon.


Tsk! Ano na Mendez?




Ano nang gagawin mo?






Hanggang kailan ka ba maninigurado?






Ano na ba talagang nararamdaman mo?


"SORRY" (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon