Chapter 1: A Funny Reunion

124 0 0
                                    

***

June 8, 2009. Monday. 

“ANDREA! GUMISING KA NA!!!!! MALELATE KA NA!!!!”

Ito ang narinig ni Andrea mula sa nanay niya dahil unang araw ng pasukan nila.                           

“OPO, MA!!!! SHOCKS! LATE NA AKO!!!!” sabi ni Andrea sa nanay niya. “Anong oras na po ba?”

“Mga 7:00 na! Di ba ang pasok mo ay 8?” sabi ni Mrs. Diola sa anak niya.

“PUTEEEEEEEK! Bakit kasi ako nag-oversleep!!!!” sabi ni Andrea at pumasok na sa banyo.

“That’s what you get from sleeping late!” sagot ni Mrs. Diola. “O siya, ginising lang kita para ipaalam na papasok ka na…. Okay? Aalis na ako!”

“O sige, Ma! Bye!” sabi ni Andrea.

Naligo na ng mabilis si Andrea at nagbihis na ng mabilisan. Pagdating niya sa baba, 7:45 na pala at naalala niyang sabay silang maglalakad ni Ericka pagpasok.

“MY GULAY! Napakagandang buena mano ito sa first day! I hope hindi galit si Ericka sa akin!” sabi ni Andrea sa sarili niya at kumain na siya ng mansanas bilang agahan dahil 7:45 na at mahuhuli na siya pag kumain pa siya.

DING! DONG!

Tumunog ang doorbell nila Andrea at tumakbo na siya palabas para sagutin ito at ini-lock niya yung bahay niya. Iniisip niya na si Ericka nay un kaya agad-agad na itong nagbukas. Pagbukas niya, si Ericka na pala ang nandoon.

“Ericka!” sabi ni Andrea at hingal na hingal siya.

Si Ericka ang best friend ni Andrea since grade 6 at hindi na sila naghiwalay noong first year sila. Bukod kay Ericka, naging kaibigan niya rin sina Norvin at si Jasper. Pero noong gumraduate sila, saka nag-hiwalay ang grupo.

“Andrea, okay ka lang? Ba’t pagod ka?” sabi ni Ericka kay Andrea.

“Okay lang ako… Nalate ako ng gising eh… Sorry…” sagot ni Andrea. “Kanina ka pa ba?”

“It’s okay… Nope… Kararating ko lang… So, ready ka na maging junior?” sabi ni Ericka.

“Somehow…” sagot ni Andrea na parang nag-aatubili pa. “Tara na at maglakad!”

Lumabas na si Andrea mula sa gate nila at sumama na kay Ericka sa paglalakad.

***

Sa isang banda, naglalakad din sina Norvin at Jasper papunta sa bago nilang eskwelahan. 

“I can’t believe it! Mula sa SJ, sa Lourdes tapos ngayon sa DPS magkasama na naman tayo!” sabi ni Norvin.

“You said it, Binoy…” sagot ni Jasper. “Ba’t ka nga ulit lumipat?”

“Boring doon eh… I could say okay sa acads pero… there’s something missing… and it’s fun that’s missing…” sagot ni Norvin. “E ikaw, bro? Biglaan ka rin ba?”

“Oo eh… Nilipat ako ng school kasi baka madamay pa ako sa mga kaso doon sa school… at tsaka, iniiwasan nila akong ma-BI…” sagot ni Jasper. “But I don’t regret transferring though… Kasi para din sa akin yung new environment eh… Malay mo, new friends…”

“TAMA! Yeesh…  May isa pang problema pa akong kinahaharap…” sabi ni Norvin.

“At ano naman yun?”

“Wala pa akong definite na section…”

“E paano ka?”

“Ayon kay Mama, maupo na lang ako doon sa second section which is yung Fleming… or third section which is Rutherford… Under deliberation pa raw kasi yung results nung entrance exam ko…” sagot ni Norvin.

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon