Chapter 2: Tae Kwondo

37 0 0
                                    

***

July 3, 2009. Friday.

Matapos ang isang buwan, dahil monotonous na ang mga gawain nila sa school. Si Roniel, iniinis si Andrea habang nanliligaw nang palihim, si Jasper ang pangalawa sa mautak kasunod ni Andrea at patuloy pa rin sa pagiging kalmado kahit maraming ginagawa, si Norvin ay may ginagawa rin para maimpress si Ericka na crush niya at si Andrea ay busy sa studies kaya wala siyang pakialam sa love-life niya.

Sawang-sawa na si Andrea sa routine ng araw-araw niyang buhay kaya nagtae kwondo na naman muli siya para marelax. Nakita na naman siya ni Roniel.

“Hi to my hot chick!” sabi ni Roniel at nakangiti kay Andrea. 

“Ano na naman ha, Villasanta?” binara na naman ni Andrea si Roniel.

“It’s so nice seeing you acting tough everytime! How come you’re never Miss Sugar?” banat ni Roniel.

“Hindi ako yung babaeng pinapangarap mo, okay, Roniel? Hindi ako yung babaeng magha-high heels para lang mapansin ng lalaki no!” sagot ni Andrea na temperamental ang mode. 

“But you grabbed my attention because you’re unique!” assure ni Roniel para makapalakas kay Andrea.

“Unique? Utot mo!” sagot ni Andrea. “Kahit 2 years mo akong ginaganito, hindi mo pa rin talaga ako kilala…”

“What do you mean, Andrea?” tanong ni Roniel, litong lito na.

“Ayokong pag-usapan yun, okay?” sabi ni Andrea. “Pwede bang humingi ng pabor sa iyo?”

“Sure, pumpkin! Ano yun?” tanong ni Roniel at nakangiti pa rin.

“Pwedeng… Umalis ka na muna? Nagcoconcentrate ako eh… Ginulo mo practice ko okay?” sabi ni Andrea. “That would be nice of you if you do it…”

“Okay! At your service, my love!” sagot ni Roniel nang nakangiti at umalis na with kindat.

“EWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sabi ni Andrea at kinilabutan siya nang matindi.

*** 

Nang gabing iyon, si Andrea ay kasama ni Ericka kumain ng dinner. Si Ericka kasi ay walang parents sa bahay at magsestay daw siya ng dalawang araw sa bahay nina Andrea.

“Oh man! May naiisip ka bang paraan para madrive away yung nakakabanas sa buhay ko?” tanong ni Andrea kay Ericka.

“Bakit?”

“In English, is there any way how I can drive Roniel/Mister Conceited Hotshot/Villasanta away from me?” translate ni Andrea.

“Bakit mo ba nilalayo si Roniel eh siya na nga tong gumagawa ng motives?” tanong ni Ericka.

“Pag naging kami… That would mean a disaster!” sagot ni Andrea. “Both physically, emotionally and earthly!”

“Paano ka nakakasiguro?” tanong ni Ericka habang kumakagat ng isda sa pagkain niya.

Tumigil saglit si Andrea sa pagkain at nagsalita na.

“Hula…” sagot ni Andrea.

“Huh? Panghuhula?” tanong ni Ericka.

“Naglaro ako ng baraha noong isang beses… Tinry ko ipagmatch yung kami ni Roniel… Pero tumalsik yung mga baraha ko noong sinubukan ko… Noong binasa ko yung baraha ko… Seems like ang sagot… Hindi pa ako handa and napakablurred pa ng love-life ko kaya I’m not sure if there’s a chance…” paliwanag ni Andrea. “Pero may sinabi sa akin na….”

“Ano?”

“Ang isa sa pwede kong ibigin ay ang dati kong kaibigan na ngayon pa lang magpapakita…” sagot ni Andrea. “I know it can’t be Norvin nor Jasper… Friends pa rin ang turing ko sa kanila eh…”

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon