Chapter 12: Oh Why Oh Why!

28 1 0
                                    

***

February 16, 2010. Wednesday. 

Matapos ang mga nangyari noong JS prom, naging masaya lalo si Andrea. Hindi dahil sa katotohanang si Jasper yung first dance niya, pero lalo pa siyang naging kumportable na kasama siya. Kaya lang, nang makita niya si Roniel sa canteen, naalala niya yung kalokohang nangyari sa tapat ng bahay niya.

“Hay nako! Buhay nga naman, oo!” sabi ni Andrea sa sarili niya. “Hindi pa rin ako magawang tigilan ni Roniel…”

Dumating si Ericka sa tabi niya at may dalang Chemistry book.

“Hoy, Andrea! Totoo ba yung balita na kinantahan ka ni Roniel sa bahay ninyo noong Monday na walang pasok?” tanong ni Ericka na naintriga.

“Oh boy! Kahihiyan ko! Nasaan na ba?” sabi ni Andrea at napalo pa niya ang noo niya sa sobrang disgust sa insidenteng nangyari sa bahay niya. "I bet the entire Fleming and Mendel know about this!"

"No, kaming anim pa lang..." sagot ni Ericka. 

"At alam ni Jasper?" tanong ni Andrea. Iniisip na niya kung ano na ang tumatakbo sa utak ni Jasper matapos ang insidente. 

"Yeah! Tinawanan nga lang niya eh!" sagot ni Ericka kaso nagtaka kung bakit biglang nagka-concern si Andrea kay Jasper.

"Aaaaaah! Ayoko na!!!! Parang ineexpect ng mga tao na  talagang nanliligaw sa akin si Roniel eh!" sabi ni Andrea with frustration. 

“Aww! It’s so cute!!!” sabi ni Ericka na parang kinikilig. 

“Cute? Cute ka dyan! It’s so disgusting! Isipin mo, natutulog ka tapos may maririnig kang kumakanta at lalo na ang boses ay yung sa kanya? EWWWWW!!!!!” sabi ni Andrea na parang iritado pa rin sa alaalang ng nakalipas.

“Aww! It’s not bad kapag hinaharanahan ka ng isang lalaki di ba?” sabi ni Ericka. “Remember the time na hinaranahan ako ni Norvin…”

“Yes, eh si Norvin yun… Ang pinag-uusapan natin dito, si Roniel… BRRR!!!” sabi ni Andrea na wala pa ring pagbabago sa expression niya. “And I don’t want that to happen again… EVER!”

“Okay! You say so!” sabi ni Ericka at tumigil na. “But, speaking of, sino yung nakasayaw mo noong prom?” sabi ni Ericka pero indirectly referring kay Jasper all along. 

Nagblush ng kaunti si Andrea pero hindi halata para malaman ni Ericka.

“Originally, dapat si Roniel…”

“Oh ayun naman pala eh…”

“E kaso, naudlot…”

“Bakit?”

“Magtatanong na sana siya sa akin kaya lang, naputulan siya ng isang fan girl noong prom by taking him to dance with her.” paliwanag ni Andrea at natatawa. “And I’m glad it happened…”

“Bakit?”

“Ayokong siya yung kasayaw ko noong prom… That’s it…” sagot ni Andrea.

“So, sino talaga yung nakasayaw mo?” tanong ni Ericka.

“Si Jasper…” sagot ni Andrea. 

“Oooohhhhh!!!!” sabi ni Ericka. “Ang cute!!! Si Jasper yung nakasayaw moooooo!!!!”

“Well, it’s better than Roniel dancing with me…” sabi ni Andrea. “And nagulat ako dahil wala siyang kasayaw nung prom… Di ba almost lahat ng lalaki may kasayaw nun?”

“Mmhm…”

“Tapos, nakita niya ako… And he asked me to dance with him… But most likely, nakita ninyo ata yun eh…”

“No… Hindi namin yun nakita… The only thing na nakita namin ni Norvin is yung sumasayaw na kayong dalawa…” sagot ni Ericka. “And you look like a couple kung tutuusin!”

“Shocks!!! Umabot na ba sa PDA yung level ng sayaw namin?” sabi ni Andrea na nag-alala bigla.

“Nope… Just normal… Pero inisip namin na paano kung biglang maging kayo… You looked really close noong gabi...” sabi ni Ericka. “Mga ganun…”

Natahimik si Andrea sa sinabi ni Ericka. Mayroon na siyang nararamdamang kakaiba para kay Jasper kaso hindi siya sigurado kung yun na nga talaga iyon. 

“I’m sorry, kung nasabi ko yun…” sabi ni Ericka. “I’m sorry, Andrea!”

“No, hindi mo na kailangang mag-apologize, Ericka…” sabi ni Andrea na medyo nalilito na. “But after what happened noong prom and with the harana effect, I’m just… confused…” 

“Maybe you need time para malaman talaga yung tunay mong feelings… and I’m happy na you’re starting to feel something too…” sabi ni Ericka at niyakap niya si Andrea.

“Sana tama ka…” sagot ni Andrea na may halong alala na. 

***

Si Jasper naman ay naupo mag-isa sa may bleachers. Malalim ang iniisip niya at halos kalahati na nun ay yung mga nangyari sa kanila ni Andrea noong prom at yung nangyari din sa kanya noong nawalan sila ng pasok.

"Naniwala na si Andrea sa romance right before the prom ended... I know she really meant it... And maybe she is really welcoming someone..." sabi niya. "Maybe something is in store for her..."

Nakita ni Norvin na malalim ang iniisip ni Jasper. 

"Brooooo!!!!!" sabi ni Norvin. 

"Norvs!" sabi ni Jasper.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" 

"Oo nga eh..."

"Tungkol ba yan sa prom?"

"Somehow yeah!" sabi ni Jasper at parang nagulat siya dahil nalaman ito ni Norvin. 

"Nakasayaw mo si Andrea no?"

"Oo... I just danced Andrea kasi parehas kaming soloista noong prom... Kaya siya na lang sinayaw ko..."

"Yeah... You heard about Roniel singing in front of Andrea's home, right?"

"Of course... Sinabi ni Tom sa akin yun..."

"Pero, about the prom, nakita namin ni Ericka na naging close kayo noong nagsasayaw... Akala tuloy namin, may something sa inyo..." sabi ni Norvin. 

"Anong something? We're really just friends!" protesta ni Jasper. "Duh? The Mythical Three?"

"Yes, yes, we know... But we just want to make sure..." sagot ni Norvin. 

"Really..." sabi ni Jasper. "Wala talaga..." 

"Kung sabagay... Magkakapatid naman tayong tatlo... It's only normal for us para maging concerned sa isa't-isa..." sagot pa ni Norvin.

"Oo nga eh..." nasabi na lang ni Jasper. 

Pero sa loob ng isang buwan, tinatago na ni Jasper ang tunay niyang nararamdaman para kay Andrea. Sa totoo lang, matagal na siyang may feelings kay Andrea at yun ay yung bago pa sila pumasok . Kaya di niya maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman ng makita niya muli si Andrea sa bago niyang eskwelahan at sa loob ng siyam na buwan, pinipigilan niya yung feelings niya dahil takot siya sa ano ang magiging reaksyon ni Andrea dahil una, best friend niya ito; pangalawa, naninipa ito kapag binobola. 

Ganoon din si Andrea, na nagtatago na rin ng tunay na nararamdaman para kay Jasper. Mayroon na siyang paghanga rito dahil malakas, masayahin at kalmado ito sa kahit saan at nirerespeto niya ito ng todo dahil hindi siya gaya ng ibang lalaki na pinagtitripan siya parati. Kaya noong unang araw ng klase, hindi niya mawari kung bakit siya sobrang masaya. Siguro, dahil best friend ang turing niya kay Jasper pero hindi lamang iyon eh. Takot siyang aminin ang nararamdaman niya dahil ang perspective niya: Sinong tao ang maglalakas loob na magmahal sa isang mataray/masungit na katulad niya? 

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon