Chapter 5: Shocking News

42 0 0
                                    

***

October 12, 2009. Monday.

Pagod si Andrea galing school. Nang gabing iyon, umuwi na siya at naisipang gumawa ng sandwich dahil gutom siya. Tamang tama umuwi rin ang mama niya ng maaga.

"Anna, anak? Nasaan ka?” tanong ni Mrs. Diola.

"Opo, Ma. Gutom lang po ako at nakain kaya di po ako sumagot…”

"Sige..." sabi ni Mrs. Diola. 

Makalipas ang ilang minuto, may bisita si Mrs. Diola na babae. Pagtingin ni Andrea, si Tita Emilie  na katrabaho ng tatay niya pala niya yun. Nakinig na lang maigi si Andrea.

“Wala pa bang balita tungkol kay Albert?” tanong ni Mrs. Diola. 

“I’m afraid, mayroon, Amy. May tumawag kagabi galing Japan…” sabi ni Mrs. Emilie Pacson.

 “Anong sabi?” tanong ni Mrs. Diola na nag-aalala na.

Napabuntung-hininga si Mrs. Pacson. “Amy, I don’t know how to say this to you. Pero, ang sabi nila, yung sinasakyang barko ni Albert ay nawala sa Japan dahil sa bagyo. Wala daw makahanap sa kanya o sa mga kasama niya. Amy, nawawala si Albert….”

“Kailan pa nawawala si Albert?” naiiyak na sabi ni Mrs. Diola.

“Noong two weeks ago, Amy..." sagot ni Mrs. Emilie Pacson. 

Umiyak na ang mama ni Andrea. “Paano na ito, Emma? Baon pa kami sa utang…”

"Huwag kang mag-alala, Amy. Mahahanap natin siya…” assure ni Mrs. Pacson. “Hayaan ninyo, tutulungan ko kayong mag-ina…”

Dahil narinig ni Andrea ang lahat, naiyak na rin siya sa kusina. Nang umalis si Mrs. Pacson, kinausap na niya ang mama niya.

"Ma, nawala na po ba si Papa?”

"Nawala raw si Papa mo. Di malaman saan napunta yung barko niya…”

"Mama…” sabay akap sa mama niya. “Paano na tayo ngayon?”

***

October 13, 2009. Tuesday.

Kinabukasan, inannounce ni Mrs. Paralleon ang field trip to Intramuros, Manila. Pumalakpak ang mga estudyante dahil makakarating na sila ng Manila.

“We will gonna visit Luneta Park… where our national hero, Jose Rizal, was executed…” dagdag ni Mrs. Paralleon.

“Did you know that the flagpole in Luneta Park is the reference point in measuring distances in Metro Manila? Isn’t that amazing?”

Tamang tama at nakita ni Mrs. Paralleon ang isang worksheet. May laman itong pangalan ng mga III-Mendel students, address, at telephone number. Nang makita na kumpleto ang listahan, nagpasa sila ng permission slips.

"Make sure you return these by Friday.” Bilin ni Mrs. Paralleon. “And remember to pick your field trip buddy… and by the way, all teachers in third year divison will accompany us in the trip…”

Iniscan ni Jasper ang classroom nang ibigay na ang mga permission slips. Naisip niya na sino kaya ang pwede niyang field trip buddy.  

Nakaramdam siya ng kamay sa balikat. Si Norvin pala. “Okay lang ba kung maupo tayong magkasama?” nakangiting tanong niya.

 “SIGE!” sabi niya kay Norvin. “We can be field trip buddies!”

“GREAT!” sagot ni Norvin. “Thanks!”

Lumakad na si Mrs. Paralleon palabas. Pinaalalahan niya ang sarili na iupdate lagi ang worksheet. Mamarkahan dapat niya ang mga sasama at ang hindi. The worksheet shall serve as her official list. Checheckan niya kada akyat at baba ng bus.

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon