***
March 13, 2010. Saturday.
Makalipas ang isang buwan, patapos na ang klase ng mga juniors. May meeting na ulit ang pitong magtotropa noong grade 6. Sina Steven at Thomas at si Andrea ay naglalakad papunta sa playground habang kasunod sila ni Norvin at Ericka. Feeling ni Andrea na siya ang third wheel kasama nina Steven at Thomas dahil sa napapablitang bromance sa kanilang dalawa. Sasabay na sana siya kina Norvin at Ericka kaso, napigilan siya dahil nakita niyang naghaharutan sina Norvin at Ericka, nilubayan na niya yung dalawa. Kahit sanay na siyang nag-iisa, parang may pakiramdam siya na may kulang, hanggang napansin na niya.
"Nasaan si Jasper? Di ba lagi ninyo siya kasama pag bago mag meeting?" tanong ni Andrea.
"Umuwi siya para ibigay yung kahon ng tinapay na bigay ko para sa family niya.” Paliwanag ni Norvin habang kasama si Ericka.
Inilagay na nina Steven, Thomas at Ericka ang mga backpack nila at naupo na sila. Sumandal na lang si Andrea sa may swing.
"So ano ang balak ng mga nilalang ngayon?" tanong ni Steven.
"That reminds me." sabi ni Andrea. Tumingin ang madla kay Andrea. "Binilhan ako ng ticket ng mama ko nang walang paalam doon sa sayaw for teenagers na sponsor ng company nila… Ayokong pumunta kaso ayoko rin namang masayang yung tickets eh… Ericka, sasama ka ba sa akin?”
"Sure, sounds fun! Kailan yun?" tanong ni Ericka.
"Next Saturday…" sagot ni Andrea.
"Oh no. That's our 3rd monthsary!” sagot ni Ericka habang tinignan niya si Norvin na nakaupo sa kanya.
"Wow, it's been 3 months already!" sagot ni Thomas.
"Well, that's fine. Si Norvin na lang ang sasama sa iyo imbes na ako." sabi ni Andrea at masaya na siya dahil nakahanap na siya ng paraan para hindi makapunta sa sayaw nang hindi nasasayang yung ticket.
"Pwede bay un, Norvin? Wala pa naman tayong napaplano so bakit hindi na lang tayo pumunta roon? " tanong ni Ericka kay Norvin na parang nakikiusap.
"I already made plans for us that night. I was going to surprise you, but I guess I have to tell you now. I have reservations to Gerry’s Grill next Saturday…" paliwanag ni Norvin.
"Wow, Gerry’s Grill! Yan ba yung mamahaling restaurant na you have to make reservations two weeks in advance?" Kazu asked in shock.
"Oo… Yun nga iyon…" sagot ni Norvin.
"I guess masasayang na yung tickets…" sabi ni Andrea.
"Well, may isa ka pa namang option…" sagot ni Steven.
"And ano naman yun ha, Mendoza?" pambabara ni Andrea.
"You can always ask Roniel to go with you!” suggest ni Steven.
"WHAT! Bakit ko naman gugustuhin sumama sa kanya?" tanong ni Andrea na nagulat dahil sa suggestion ni Steven sa kanya.
"Kasi, kayong dalawa ay may love-hate relationship na nangyayari! You act like you hate him because you don’t want to show your true feelings for him… Parang Popoy at Basha lang yan! Hindi kita masisisi sa pagkagusto mo sa kanya… Marami siyang bagay na hahanap-hanapin ng isang babaeng tulad mo… Looks, personality, popularity-"
"E kung siya na ang Adonis ng 10th generation, bakit kaya hindi IKAW ang magdate sa kanya!” sabi ni Andrea na naiinis na at pinuputol si Steven.
"Alam namin na you really like him more than a friend. Ayaw mo lang aminin yung tunay mong nararamdaman sa kanya!" dagdag ni Steven na nang-iinis na rin.
BINABASA MO ANG
A FRIEND: Your Secret Lover
Fiksi RemajaCan friendship stay the same when it now involves love? [FRIENDSHIP SERIES: UTOPIA VERSION]