***
March 28, 2010. Sunday.
1:30 na pero naupo si Andrea sa terrace ng room nila. nakatulog na ang ibang mga teenagers matapos silang maglaro ng truth or dare. Hindi nga lang makatulog si Andrea dahil may bumabagabag sa kanya. Nakalugay ang buhok niya para malaro ito ng hangin at dahil dito siya ay narerelax na.
“Sa paglalaro ko ng truth or dare… Hindi ako makaget-over sa nararamdaman ko sa kanya…Totoo ba talaga yung hula ko? Talaga bang nahuhulog na ang loob ko sa kanya? Dahil palagay ko ito na yata yun… Kasi, siya lang naman yung ginagalang ko, siya yung pinagkatiwalaan ko… Hindi ko siya binubuska at lalo’t hindi niya ako binubuska… Nakikinig ako sa mga payo niya… That’s it… Dapat siguro kumanta na lang ako para makamove-on na ako sa nararamdaman ko…”
“♫Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ikay aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba
Sa araw-araw ay nagtataka?
Ang puso kong ito, o bakit ba?
Ang kilos koy nababago,
Na halos naandiyan ka na.
Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa koy ikaw ang aking panaginip.
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba♫"
Nagising si Jasper dahil parang naiilang siya sa sarili niya habang natutulog. Nakita niya na katabi niya si Janine, si Roniel at si Norvin. Lumabas siya saglit na parang groggy pa kaya hindi niya alam ano ang nangyayari hanggang sa narinig niya si Andrea na kumakanta.
“♫O bakit pa ikaw ang siyang laging laman ng isip ko???♫”
Narealize niya na si Andrea yung kumakanta. Nakita niya na nakaupo ito sa terrace at parang may iniisip gaya ng dati.
“Ganda pala ng boses mo eh…” sabi ni Jasper kay Andrea.
Napalingon si Andrea at nagulat dahil narinig ni Jasper ang kinakanta niya. “Patay!!!” sabi niya.
“O ba’t gising ka pa?” tanong ni Andrea kay Jasper.
“Ikaw ang dapat kong tatanungin… Bakit ka pa gising?” sabi ni Jasper at ngumiti kay Andrea.
“Hindi ako makatulog eh…” sabi ni Andrea.
Umupo si Jasper sa tabi ni Andrea at umusog si Andrea para makaupo si Jasper sa tabi niya. Nang umabot si Jasper, humangin nang malakas at naamoy ni Jasper ang buhok ni Andrea.
"Andrea, about your hair-"
"Ano?” tanong ni Andrea kay Jasper dahil interesado ito sa buhok niya.
"Tatanungin ko kasi kung gumagamit ka ng Sunsilk eh…”
"Oo. Yun naman ang gamit ko eh... Dapat nga pinagupitan ko na ito gaya ng buhok ko noong grade six para talagang alam nila na medyo boyish ako eh."
"Gumagamit din si Mama at ang mga sisters ko at natandaan ko yung amoy… I don’t think mas maganda ang maikling buhok… I like your long hair… At tsaka hindi naman kaiklian yung buhok mo noong grade six eh… Tama lang… Besides, you’re unique kasi kahit sabihin nating di talaga girly yung attitude mo, you still kept your long hair… Tsaka, it’s part of you… Nagkaroon ba iyon ng saysay sa iyo?”
BINABASA MO ANG
A FRIEND: Your Secret Lover
Teen FictionCan friendship stay the same when it now involves love? [FRIENDSHIP SERIES: UTOPIA VERSION]