Chapter 6: Field Tripped

28 0 0
                                    

***

October 23, 2009. Friday.

Field trip na ng mga juniors ng araw na iyon. Matapos ang araw na iyon, saka sila magsesembreak. Kaya lang, sa hindi inaasahan, noong nagpalista si Norvin sa pila, sinabi niya na ang field trip buddy niya ay si Ericka at hindi sina Jasper at Andrea.

"Hi, Ericka!" sabi ni Norvin.

Nagblush si Ericka. "Ikaw ang field trip buddy ko?" sabi niya na may kaligayahan.

"Yep! I figured out na nagsosolo ka so ikaw na lang sinamahan ko..." paliwanag ni Norvin.

"Aww! Thank you, Norvin!" sabi ni Ericka. "Si Jasper ba, sino kasama?"

"Si Andrea!" sagot ni Norvin. 

"Oh! I see!" sabi ni Ericka.

***

Sumakay na sila sa bus habang suot ang PE uniform nila. Nagkataong magkasama ang section nina Andrea at Roniel.

"So, Andrea? May kasama ka na ba?" sabi ni Roniel.

"Mayroon!" sagot ni Andrea na pinipilit huwag magalit.

"Sino? Si Ericka?" tanong ni Roniel.

"Hindi eh... Si Norvin ang kasama niya eh..." sagot ni Andrea na natutuwa kay Roniel sa panghuhula nito.

"Si Hannah?" tanong ni Roniel.

"Huh? Hindi rin!"

"Sirit na!" sabi ni Roniel.

Nagkataong nasa likod lang ni Roniel si Jasper at sinabi ni Andrea. "Ayun oh... Kalikod mo lang!"

Lumingon si Roniel at nakita niya si Jasper. Medyo namutla siya dahil si Jasper ang kasama ni Andrea.

"Oh! Hi, Jasper!" sabi ni Roniel.

"Hi, Roniel!" balik din ni Jasper.

"Ikaw pala field trip buddy niya?" tanong ni Roniel na amused sa katotohanang si Jasper ang kasama ni Andrea.

"Yup!" sagot ni Jasper.

"Sige! Iwan ko na kayo..." sabi ni Roniel at umalis na sa pwesto ni Jasper.

Napangiti si Andrea dahil umalis na si Roniel at pinaupo na niya si Jasper sa tabi niya. Nagkataong ito ang pinapatugtog sa bus.

"♫There's a song that's inside of my soul. 

It's the one that I've tried to write over and over again 

I'm awake in the infinite cold. 

But you sing to me over and over and over again. 

So, I lay my head back down. 

And I lift my hands and pray 

To be only yours, I pray, to be only yours 

I know now you're my only hope.♫" 

"Alam mo yung kanta?" tanong ni Andrea. 

"Hindi... Ano yan?" tanong ni Jasper.

"Only Hope ni Mandy Moore... Special sa akin yang kantang yan..." sagot ni Andrea at napangiti. 

"Bakit? May nagpapaalala ba sa iyo niyan?" tanong ni Jasper.

"Yes... Yan yung tinugtog ko sa unang recital ko... I was only 7 noon..." paliwanag ni Andrea.

Ngumiti si Jasper. "I didn't know you play piano!" sabi nito at natawa.

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon