Chapter 18: Truthful Morning

34 0 0
                                    

***

March 28, 2010. Sunday. 

Humikab si Andrea at bumangon na. Kaya lang hindi niya alam na pinagmasdan pala silang dalawa nina Norvin at Ericka noong gabing iyon. Kaya naghilamos na siya. Naririnig na sa terrace na nag-uusap sina Norvin at Ericka.

"Do you think they'll get together?" tanong ni Ericka kay Norvin.

"Nakikita ko silang masaya sa isa’t isa pero mukha silang hirap magsimula…” sagot ni Norvin.

"Bakit, Norbs??" tanong ni Ericka.

"Passive si Japoy. Inaantay niya na may mangyari pa sa kanya… so inaantay niya na si Andrea yung may unang motive at simulan yung relasyon… Eh, si Andeng naman… hindi naman mahilig magsabi ng feelings niya so it’s unlikely na siya yung magsisimula… Kailangan lang nila ng konting tulak…” paliwanag ni Norvin.

"They make a cute couple. Kahit magkaiba sila, marami silang pinagkakapareho… They oversee each other's differences and accepted each other for who they are. At yung differences nila ay nagcocompliment sa isa’t isa… Kaya siguro doon nanggaling yung saying na opposites attract…”

Nagkataong tinabihan sila ni Thomas. “Uhm… Sorry sa panghihimasok kaso… I can’t help but overhear yung pinag-uusapan ninyo… Ano ba iyon? Yun ba yung Andy-Jappy?”

“Paano mo alam?” sabi ni Ericka.

“I just figured out…” sagot ni Thomas. “Hindi naman siguro masama manghula?”

“Truth be told… Tama ka Thomas…” paliwanag ni Norvin.

“Kahit namang suporta ako sa tandem nina Ron-Ann, may pakiramdam ako na hindi talaga sila meant to be eh… Alam kong kay Jasper bagay si Andrea…” pag-opinyon ni Thomas.

“Wow! For the first time nagbago ang perspective mo tungkol kay Andeng!” biro ni Ericka. “Bakit?”

"Sa akin lang… Sina Andrea at Jasper ay may respect, trust, understanding, patience, and care greatly for each other. That's everything needed in that type of relationship. I can see them together  but I saw it last prom, but it'll take them a lot of courage to start the relationship…” sagot ni Thomas. “Yun pa, si Andrea mataray din!”

"Kung pinagbigyan ni Andrea si Roniel, hindi siya mamomroblemang bigyan si Jasper ng pagkakataon…” sagot ni Norvin.

"Hindi na pinakialaman ni Andrea ang resulta ng relasyon nila ni Roniel noong nagsayaw sila… Kaso, yung kay Jasper, may concern siya dito at inaalam niya ang pwede pa mangyari… Pero, we shouldn’t talk about this… Kanilang dalawa lang naman ito eh… Kung gusto nila na ganun talaga… Ganun na talaga…” sabi ni Ericka.

"No…” sabi ni Norvin. “Baka pwede pa itong pag-usapan…”

“Pare! Labas na ako diyan… Kayo na bahala diyan!” sabi ni Thomas at umalis na.

“So sinasabi mo na dapat kausapin natin sina Andrea at Jasper tungkol dito bukas?” sabi ni Ericka kay Norvin matapos sabihin yung NO.

"Oo… Kausapin mo si Andeng tungkol doon at ako na bahala kay Japoy…” sagot ni Norvin.

***

“Hay nako, Kuya! Why did you have to wake me up kung kailan mahimbing na ako natutulog?” sabi ni Janine sa kuya niya.

“Ano ba nirereklamo mo? Ayaw mo bang kumain?” banat ni Jasper kay Janine.

“Hindi naman, Kuya…” sabi ni Janine at nang humangin, saka sumirit yung amoy ng buhok ni Jasper sa kanya. “Teka, Kuya… May tatanong ako… Nakalimutan mo ba yung shampoo mo?”

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon