Chapter 9: And I Like You So

25 0 0
                                    

***

December 20, 2009. Monday.

Unang weekday ng Christmas break nina Andrea at Ericka kaya pumunta si Andrea sa bahay ni Ericka dahil bored siya. Nang hapon ding iyon, nasa bahay ni Ericka sina Andrea at Ericka dahil parehas silang nagbebake ng cookies. 

 “Andrea, I really like Norvin so much… Kaya lang hindi ko magawang sabihin yun eh…” sabi ni Ericka.

“E kasi tigilan mo na yung Miss Pakipot mode mo at sabihin mo na sa kanya!” payo ni Andrea.

“I really don’t know, Andrea, paano ko sasabihin… Just like you, he might think of me as a hopeless romantic fan girl!” sagot ni Ericka na may parang nahihiya pang mukha.  “Buti ka pa, magaling ka sa pagtatago ng feelings mo…”

“HA-HA! Then let’s see what will happen!” sagot ni Andrea sa best friend niya. 

Tapos na sila magbake nang may marinig silang. 

"♫Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin♫"

“Sino yun?” tanong ni Ericka.

“Well, whatever it is, labasin na natin! Baka may nanghaharana na rito sa bahay mo…” sagot ni Andrea.

Nang lumabas silang dalawa, tama yung sinabi ni Andrea. May nanghaharana sa tapat ng bahay ni Ericka. Nang tignan nila nang malapitan, si Norvin lang pala ang kumakanta. 

Natawa tuloy si Andrea sa nakita niya dahil sa wakas, aamin na rin si Norvin kay Ericka. Kaya lang, nakita niya si Jasper na nagtatago sa may harap nina Ericka. 

“Ano ginagawa mo diyan?” bulong ni Andrea kay Jasper.

“Nagpasama lang sa akin si Norvin… Siyempre, alam mo naman… Nahihiya na nag-iisa pero pag tayong tatlo, siya yung leader!” paliwanag ni Jasper nang pabulong. “E ikaw, bakit ka andyan?”

“Helping Ericka bake…” paliwanag ni Andrea. “O siya… Panuorin na natin sila!”

“Good idea!” sagot ni Jasper at lumabas na sa kanyang pinagtataguan pero nagpunta sa lugar kung saan hindi siya makikita ni Ericka. 

Nasa may gate si Ericka at pinapanuod niya si Norvin kumanta. Kinilig naman siya ng bongga dahil hinaharanahan siya ni Norvin. 

"♫Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin♫"

“Sheeeeemaaaay! Norvin, totoo ba ito?” tanong ni Ericka na namumula na.

“Yes, Ericka… Totoo na ito!” sabi ni Norvin na parang kinikilig din. 

“Oh boy!” sagot ni Andrea at pinalo niya yung ulo niya dahil natupad na ni Ericka ang wish niya na makantahan ng isang lalaki. 

“Ericka Lopez, I really really love you very much! Will you be my girlfriend?” sabi ni Norvin habang dala niya yung isang bouquet ng roses at ibinigay na ito kay Ericka. 

A FRIEND: Your Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon