***
March 21, 2010. Sunday.
Kinabukasan, nakaupo si Andrea sa may swing at iniisip niya ang usapan nila ni Roniel kinagabihan. Kaya lang, nakita naman niya si Jasper na naglalakad.
“JASPER!!!!” sabi ni Andrea at ngumiti kay Jasper.
“ANDREA!!!” sabi ni Jasper.
“Fancy meeting you here…” sabi ni Andrea.
"Yeah… Di ko inexpect… How did the dance go last night?" tanong ni Jasper na takot pero gusto ring malaman ang sagot ni Andrea.
"Ayokong pag-usapan yun… Period…" sagot ni Andrea nang prangkahan.
"Hindi ba masaya?" tanong ni Jasper.
“No, it was fun…" sabi ni Andrea. Seryoso siya sa sagot niya.
Gusto pa magtanong ni Jasper kaya lang alam niya na kung gusto ring ipagchismisan ni Andrea iyon, gagawin niya iyon. Ilang minuto silang tahimik.
"Thank you…" sabi ni Andrea habang inuuga niya yung swing.
Nagulat si Jasper. “Para saan?"
"For telling me to give it a chance. Kasi, may ipapamukha na ako kay Steven na wala talagang nangyari kagabi!” sabi ni Andrea na natutuwa na sa mga nangyayari.
Masaya si Jasper na walang something sina Roniel at Andrea pero kailangan niyang makasiguro. "Paano ka naman nakakasiguro na walang nangyari?" tanong ni Jasper.
Napalakas ang boses ni Andrea dahil sa frustration."He's just not my type!" dagdag niya.
"Sorry I asked…" sabi ni Jasper nang mahina ang boses. Napasama ata siya dahil over na ata yung tanong niya.
Napasama rin si Andrea dahil binara niya si Jasper nang ganoon lang. "Pagod lang kasi ako sa kakasagot ng tanong na yun eh…” paliwanag ni Andrea nang mahinahon na.
"What type of guy are you interested in then?" tanong ni Jasper kay Andrea at nagswing na rin siya ng onti.
Alam na ni Andrea ang sagot sa tanong pero hindi niya ito masabi kay Jasper. Hindi niya mahanap ang lakas ng loob para sabihin na si Jasper ang kanyang gusto. Tinignan ni Andrea si Jasper at nakita niya yung sarili niyang nakatingin sa mga mata ni Jasper dahil parehas silang nakaupo sa swing at ilang pulgada rin ang pagitan ng kanilang mga mukha. Inisip niya kung paano niya ito sasabihin kay Jasper.
Kaya lang, sumulpot si Ericka at Norvin sa kanilang dalawa.
"Hey you guys!" bati ni Norvin.
"Kamusta ang monthsary?” tanong ni Andrea.
"It’s sooooo greaaaaaat!” sabi ni Ericka. “Gerry’s Grill was great! They have really good food, and the place was really pretty! Thanks, Norvin!” sabi ni Ericka at hinagkan niya si Norvin sa pisngi.
Nagblush pa tuloy si Norvin. "Your welcome."
"How was the dance?" tanong ni Ericka.
"It was ok…" sabi ni Andrea na may inis a mukha niya.
"Just ok? I know you had fun!” biro ni Roniel. Kasama niya sina Steven at Thomas.
"Ok! It was a little bit fun!” protesta ni Andrea at baka mapahaba pa yung usapan.
"So, kayo na ba??" tanong ni Steven.
"No! So wag ka mag-alala, Steven, kasi iyong iyo pa rin si Roniel…” sabi ni Andrea na may ngiti.
Hanggang dumating si Janine sa playground at nagtititili.
“KUYA! KUYA!!!! Nanalo raw po tayo ng trip to Subic! Overnight!!!” sabi ni Janine sa kuya niya.
“WEH?” tanong ni Jasper sa kapatid niya.
“Oo nga! Sabi ni Mommy, tayo na lang daw makinabang ng mga ticket sa isang sosyaling resort sa Subic sa March 27…” sabi ni Janine. “Ilan tayo….”
“Pito… tas kasama ka…” sagot ni Jasper. “E di walo…”
“YIPEEEE!!!” sabi ni Janine. “Kasama natin si Mommy! Siya magdadrive papuntang Subic kasi may conference din daw siya kaso ibang venue nga lang!”
"Wow! Nasagot na rin ang dinadasal natin!” sagot ni Jasper.
“Ang magkaroon ng outing!” sagot ni Ericka.
“That's a good idea…” paliwanag ni Norvin. “Wala na rin namang tayong pasok ng mga panahong iyon… Kaya let’s go and have a good time!!!!”
"That would nice!" sagot ni Janine.
"COOOOOL!” sagot ni Steven.
"I'm game!" Sali ni Thomas.
“Oh well… Kaysa lagi tayong nagtitipon dito sa playground every month…” sabi ni Andrea.
"Lalong astig kapag may iba tayong gawin…” sagot ni Roniel.
“Okay, guys… Settled na ito!” sabi ni Jasper.
"So it's official! We're going outing in a week instead of having our normal meeting!” sagot ni Norvin ng English at pumayag na ang lahat.
BINABASA MO ANG
A FRIEND: Your Secret Lover
Teen FictionCan friendship stay the same when it now involves love? [FRIENDSHIP SERIES: UTOPIA VERSION]