C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 5

830 25 17
                                    

Found You

Cakes and Caffeine...that's the name of his coffe shop.

So, totoo nga ang chismis ni Carter. Maraming negosyo ang Rojo na iyon..and for me, that's a good thing. Marami-rami din akong papabagsakin.

His coffee shop is located somewhere in Makati. Ilang araw pa ang inantay ko bago mag-Miyerkules kaya naman ngayong dumating na ito ay labis ang pag-hahanda ko.

Hindi na bumalik si Rojo sa bar niya kaya ang coffee shop naman niya ang pupuntiryahin ko. At ngayon..sisiguraduhin kong hindi na siya mawawala sa paningin ko.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking mukha mula sa salamin. Napangiwi ako nang mapag-tantong may kulang. Binura ko ang nude lipstick na una kong nilagay sa aking labi at pinalitan iyon ng dark red na shade.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang isang kamay 'tsaka tumayo. Ngayon ay tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin. Terno light-yellow crop top at high-waisted pencil-cut skirt ang suot ko. Dark Red naman ang kulay ng aking stilettos. Nang makuntento ay tuluyan na akong lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Mama sa may bulwagan. Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay upang kuhain ang atensyon niya.

"Ma, today's gonna be a good day. I'm sure that Dad will be very happy." Pabulong kong sinabi kahit pa nakatingin lang siya sa kawalan.

Hinalikan ko ang kanyang kamay at ang kanyang pisngi. I smiled weakly at her. Inalala ko ang gabing hinawakan niya ang kamay ko. I know that mom's trying to win her own battle, it's hard but she's fighting. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng huminto. I'm must win this fight too.

"I love you, Ma.." I whispered.

"Demy.." Napatingin ako sa nag-salita, si Kuya Felix. Hindi yata nakapag-shave kaya may mumunting balbas na tumubo sa kanyang baba. Mas matanda ng dalawang taon si Kuya Felix kay Mama pero hindi halata sa katawan niya ang pagiging 57.

"Sigurado kang hindi ka mag-papasama?" Tanong niya nang tuluyan akong makatayo nang maayos.

Ngumiti ako at umiling.

"I'm with Hades and Jinx, Kuya. You don't have to worry."

"Dalawa lang sila na kasama mo? Hindi ba't maraming tauhan ang Red na 'yon? Paano kung-"

"Kuya Felix.." Pinigilan ko siya at sinenyas si Mama.

Agad naman siyang natahimik.

"Just trust me on this, Kuya.. Hindi ako basta-basta susugod para lang matalo."

Inabot sakin ng isang kasambahay ang aking shoulder bag at nang makuha ko iyon ay tuluyan na akong nag-paalam kay Kuya Felix at kay Mama. Sinalubong ako ni Hades sa entrada ng aming mansyon at sabay na kaming sumakay sa aking kotse. Alam na ni Jinx kung saan iyon kaya wala pang isang oras ay pinaparada na niya ang kotse sa tapat mismo ng coffee shop na iyon.

"That's him." Sambit ko nang makita ang lalaking ilang linggo ko nang hinahanap. Nakaupo siya sa isang lamesang pandalawahan at nag-babasa ng libro. Naka-dekwatro siya doon at kumportableng-kumportable.

"I'll go now, wait for me here." Untag ko at mabilis na hinawakan ang pinto ng kotse. Ngunit hindi ko pa man ito nabubuksan ay may pumigil na sakin.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon