C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 11

733 26 13
                                    

Real Deal

Pinunasan ko ang tumulong luha nang matapos ang tawag na iyon. Marahas kong dinampot ang rosas at ang maliit na card at tinapon iyon sa basurahan.

Niyayakap ko ang sarili habang paikot-ikot na nag-lalakad sa loob ng opisina. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip lalo pa't sumasagi sa alaala ko ang nangyari kay Cedrick.

Isang katok ang nag-pabalik sakin sa huwisyo.

"Come in." Sambit ko habang humahakbang pabalik sa swivel chair ko doon.

Pumasok si Kuya Felix at nag-aalala niya akong tiningnan.

"Pinaayos ko na ang lahat sa mga tauhan natin, Demy.." Panimula niya.

Humugot naman ako ng malalim na hininga 'tsaka tumango.

"Anong nakita sa CCTV kuya?" Tanong ko.

"May isang itim na Van ang pumarada kasunod ng sasakyan ni Cedrick. Tauhan rin nila ang nag-mamaneho ng kotse at nang maiparada na sa tapat ng gate ay lumipat na ang nag-mamaneho sa Van. Naka-maskara ang taong bumaba kaya kahit maaraw nila ginawa, hindi namin masiguro kung sino."

"Doesn't matter kahit naka maskara pa iyon. Iisa lang ang may gawa nito."

Kunot-noo akong tiningnan ni Kuya Felix.

"Sigurado ka Demy?"

"Tumawag siya Kuya. Tinatanong kung nagustuhan ko ba ang regalo niya. Napaka demonyo niya talaga! Pero hindi ako mag-papatalo sa kanya. Hindi ako pwedeng mag-paapekto!" Inis kong sinabi.

"Galit ka Demy.. Wag ka basta-bastang susugod."

Napapikit ako nang mariin.

"He just killed Cedrick, Kuya Felix! Hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasira ng plano lalo pa ngayong nadagdagan nanaman ang dahilan kung bakit ko siya dapat kamuhian. Ganoon pa rin ang plano pero hindi na ako mag-hihintay pa ng isang linggo."

Narinig ko ang pag-tikhim ni Kuya Felix.

"Naiintindihan ko, Demy.. Ilang tauhan ang kailangan mo?"

"Just three. Three best men. Ayokong isipin niyang pupunta ako doon para mang-gyera." Tinuon ko ang paningin ko kay Kuya Felix. "Paki tawagan sila Hades, kuya. Papuntahin mo sila rito."

"Papunta na sila Hades at Enigma dito, Demy. Sasabihan ko na sila Gilbert na mag-handa."

"Thanks Kuya." Tango ko sa kanya.

Tumango rin siya sakin bago lumabas ng aking opisina.

Nag-salin ako muli ng wine sa aking baso at ininom iyon habang inaabangan ang pag-dating nila Hades. Ngunit ang unang pumasok sa aking opisina ay ang nag-aalalang mukha ni Carter.

"Demetria!" Sigaw niya nang makita ako.

Tumayo ako para salubungin ang yakap niya.

"Are you okay?! Nahimatay ka ba? Ano? Nahihilo ka ba? You're drinking again! Anong nararamdaman mo??" Sunod-sunod niyang tanong.

Malungkot ko siyang nginitian pagkabitaw sa yakap.

"I'm okay, CC. Hindi ako hinimatay so don't worry."

Umarte siyang nakahinga ng maluwag.

"I think the game just started at hindi madali ang kalaban mo."

"Hindi rin ako madaling kalaban CC. Kung akala niya ay susuko na ako dahil sa pananakot niya, nag-kakamali siya. Nag-sisimula palang din ako."

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon